KABANATA 15: THE REWARD

2066 Words
"Malandi kang bata ka!" Hawak siya sa buhok nang basta siya itulak kung saan. Nabitawan ng babae ang buhok niya. At nang itaas ang mukha ay naroon na siya sa labas ng entrada ng bahay. Nagtaas siya ng mukha at hinawi ng buhok. Hanggang sa may marinig siyang sumisipol at kalansing ng pinaglalaruan na susi. Kaswal na naglalakad si Uncle Kaito niya palapit. Akmang tatawagin niya ito nang hilahin siya sa braso ng babae sa loob. "Halika rito! Hindi pa tayo tapos!" Nahagip na naman nito ang buhok niya. Nang may kumabig sa tiyan niya at buhatin siya palayo. Nang ituwid ang likod at naroon ang kanyang Uncle Kaito. Nakatitig sa kanya habang hinahampas ng babae sa likuran. "Umalis ka nga riyan!" "Pakialamero kang lalake ka!" sigaw ng babae. Ang ilang hibla ng buhok niya ay pilit na inaabot nito. "Aray!" Hawak-hawak niya ang buhok. Si Kaito naman ay pinigilan ang kamay ng babae. Nang mapabitaw sa buhok ng pamangkin ay siya ang seryosong humarap dito. "Sino ka ba?" "Bitawan mo nga ako!" Si Megumi ay tiningan ang nakatalikod na kanyang Uncle Kaito. Sa tindig nito ay tila ba handang-handa siyang protektahan at ipagtanggol. Pinigilan niyang mapangiti. "Bibigyan ko ng leksyon ang batang 'yan!" "Hoy, ikaw!" Pilit siyang sinilip ng babae na galit na galit para rin habang hingal na hingal. "Tinuruan ka ba ng magulang mo?!" "O baka naman katulad ka nila?!" Doon nagpantig ang tenga niya. Akma niya itong susugurin nang pigilan ni Kaito sa tiyan habang hawak pa rin sa kamay ang babae. "Bitawan mo ako, Uncle Kaito!" "Uubusin ko ang patay na buhok ng gurang na 'yan!" Pilit na nag-aabutan ang dalawang babae habang si Kaito ay binging-bingi. Gamit ang braso na nasa tiyan ng pamangkin ay sinasalag niya ang bawat hablot ng babae. Hanggang sa may sumigaw na nakapagpahinto sa mga ito. "Tama na 'yan!" Magkapanunod na nilinga ng babae at ni Megumi ang nasa entrada. Naroon si Landon. Napatitig si Megumi sa tiyuhin na madilim ang mukha. Nagagalit ito. At unang beses niya iyong makita. Galit na bumitaw ang babae sa pagkakahawak ni Kaito. At humarap ito kay Landon. "Buti naman nandito ka, lalakeng magaling. Ang batang ito na hindi tinuruan ng magulang-" Nilingon ng babae si Megumi. "Anong sabi mo?!" Akmang susugod siya nang bitbitin ng Uncle niyang si Kaito sa tiyan kung saan nakadikit ang braso nito. Para bang ang gaan-gaan niya nang buhatin nito. Siya naman ay nagsisigaw. "Gurang ka!" "Tigilan mo ang pagdadamay sa magulang ko!" Nang makalabas at makarating sa garden ng bahay ni Landon ay hinampas niya ang nakaikot na braso ni Kaito sa tiyan. "Bitawan mo ko, Uncle!" "Ang sakit na ng tiyan ko!" Binitawan naman siya nito. Nang makababa ay pinilit niyang makatayo. Hinawi ang sabit-sabit na buhok at sinapo ang tiyan dahil sa tigas ng braso ng kanyang tiyuhin ay masakit iyon. Lumunok siya nang laway bago nagsalita. "Iyong gurang na 'yon!" tinuro pa niya ang direksyon kung saan siya galing. "Sino siya sa tingin niya para sampalin ako?" "Sinampal ka niya?" Tiningan niya ang tiyuhin na Kaito. Nakakunotnoo ito at parang hindi nagustuhan ang pagsampal sa kanya. Naibaba niya ang kama at umiwas ng tingin. Sa pagharap ay nasa tapat na niya na ang kanyang Uncle Kaito. Nakatitig ito sa pisngi niya. Nang hawiin nito ang buhok niya at hawakan ang likod ng kanyang ulo ay napatitig siya rito. Oo, madalas na seryoso ito at walang emosyon. Pero hindi ngayon, nakatitig ito sa pisngi niya na may pag-aalala. "May sugat ka," wika ni Kaito at nang itaas ang tingin ay nasalubong niya ang mga mata ng pamangkin. Ang mga daliri niyang nasa madulas at malambot na buhok nito para sapuhin ang ulo ay bahagyang umangat. Naghinang ang kanilang mga mata. Napakurap si Megumi nang naaninag na itataas nito ang kamay at nang sapuhin ang pisngi niya ay napaigik siya. "Aray!" Binitiwan siya nito. Siya naman ay sinapo ang pisnging makirot. "Nasugatan mo ba siya?" Napatingin siya sa kanyang Uncle Kaito. Humalukipkip ito. "Hindi?" tanong nito. "Makinig ka, sa away. Lagi mong tandaan ang kasabihan na give and take." Nagtago ang mga kilay niya. "Give and take?" "Yes." Nilahad nito ang palad. "Ito ang give," tiningan niya ang malaking palad nito. "At dapat ikaw ang nagbibigay." "Sipa, suntok at sabunot," inaalog-alog nito ang palad. "At ang kalaban mo lang dapat ang nata-take," sinulyapan niya ang kaliwang palad. "Tatanggapin lang niya lahat ng ibibigay mo." Sa pagkakataon na iyon ay sinalubong niya ang mga mata ng tiyuhin. Tinuro nito ang mga mukha niya. "Sa nakikita ko, ikaw ang naging taker." Nanipis ang labi niya at nang malalala ang sinabi ng estranghera na 'yon. Sa inis ay hinugot niya ang pocket knife at naglakad. Napapreno si Megumi nang humarang ang matangkad na si Kaito. "Anong gagawin mo?" Hindi niya namalayang nakuha ang nito ang hawak niya. Inabot niya iyon pero mabilis na itinaas nito. Galit niya itong tinitigan. "Is this how violent you are?" Inilapit ni Kaito ang mukha rito. Kahit punuuin nito ng galit ang mala-usang nitong mga mata, napakaganda pa rin niyon. "Ito ang ibig mong sabihin, hindi ba, Uncle Kaito?" "I didn't tell you to take that and stab her," sagot niya. Kumurap ang mga mata ng pamangkin at dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Megumi?" Narinig nila ang boses na iyon. Akmang sasagot si Megumi nang hawakan siya sa kamay ng kanyang tiyuhin at hilahin kung saan. Wala nang naabutan sa garden sina Silas at Mason. "Nasaan si Megumi?" "At nasaan si Kaito?" Huminto si Kaito sa mabilis na paglalakad nang maabutan sa likod ng gate ang mga security. "Master," magalang na bati ng mga ito. Hinilig niya ang ulo para buksan ang gate pero humarap sa kanya ang isa. "Ang mahigpit na bilin po sa amin ni Master Landon, hindi puwedeng makalabas ang pamangkin niya sa bahay niya nang hindi siya kasama." "Ikaw, nakakalimutan mo bang pamangkin ko rin siya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Kaito sa napatungong security. Sinulyapan nito ang ilang security na yumuko na rin. "Paghihintayin niyo ba 'ko?" Pinanood ni Megumi kung paano senyasan ng security ang kapwa gwardiya para buksan ang gate. Iba talaga ang bigat ng awra at tapang ng tiyuhin niya na ito. Sa boses pa lang at pagtatanong para hindi ito magandang paghintayin. Hinila siya nito nang makalabas ng gate. Naglakad lang sila nang ilang hakbang bago narating ang motor nito. Napatingin siya sa inabot ng Uncle Kaito niya na helmet. Nilinga siya nito nang hindi niya kunin. "Mabango 'yan." "Saan tayo pupunta, Uncle?" "Malalaman mo kung isusuot mo 'yan." Nakipagtitigan lang ng pamangkin ni Kaito sa kanya kaya wala niyang ingat na sinuot ang helmet dito. Nang sumakay siya sa motor ay nanatili itong nakatayo. "Tara na." Hinila niya ito sa braso at pinasakay. Hirap na hirap sa pag-upo si Megumi. Nang umabante ang motor ay napatili siya at awtomatikong napayakap sa nasa unahan. Natigilan si Kaito, humigpit ang kapit niya sa handlebars. Bumaba ang tingin niya sa kamay ng dalagang nasa tiyan niya at mahigpit na nakakapit. Mula sa helmet ay dahan-dahang nilinga ni Megumi ang tiyuhin. Nang bumaling ito sa kanya ay nagtama ang mga mata nila. Inilayo niya ang palad sa matigas na tiyan nito nang basta na lang umabante ang motor. Mahigpit siyang napayakap at napapikit. Sa pagmulat ni Megumi ay binabagtas na nila ang isang tulay. Nilinga niya ang papalubog na araw na sumasalamin sa ilog na kulay kahel na rin. Marahan niyang tiningan ang kanyang Uncle Kaito. Kahit mainit ay ramdam niya ang panlalamig ng palad habang nakadikit doon ang leather black jacket nito. Hindi niya napigilan ang isang ngiti lalo na't nakatago naman iyon sa loob ng helmet. Muli niyang binalikan ng tingin ang nakaka-relaks na tanawin. Isang buntong-hininga ang nagawa niya. Hindi siya nanalo sa sabunutan, pero bakit pakiramdam niya siya ang nakakuha ng reward? Tuluyang huminto ang motorsiklo. Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang marating ang ilog, naroon ang tulay na dinaanan nila. Bumaba siya at patakbong lumapit sa ilog. Itinaas niya ang salamin ng helmet ay hinayaang masilaw ang mga mata ng papalubog na araw. Nilingon niya ang tiyuhin na pababa ng motor. "Uncle Kaito, bilis!" "Tingan mo, ang ganda!" Lumapit si Kaito at tumanaw sa malayo. "Paano mo nakikita 'yan?" "Ha?" Nilingon siya ng pamangkin. Basta niya hinawakan ang isang balikat nito para humarap. Napahinto si Megumi nang alisin ng kanyang Uncle Kaito ang suot niyang helmet na hindi nakalimutan niyang suot. Nang mahubad iyon ay tinaas niya ang mukha. Nang ibaba nito ang helmet ay doon niya nakita ang gwapong mukha ng tiyuhin. Dumoble iyon- Hindi, triple- Hindi, higit pa ang gwapo nito. Dahil sa kulay kahel na liwanag na nagpapalinaw sa mukha nito. Napakurap lang siya nang mawala ito sa paningin niya. Matigas niyang nalunok ang laway at nagmamadaling humarap sa araw nang mapagtantong na gagwapuhan siya sa sariling tiyuhin. Nakagat niya ang dulo ng hintuturong daliri. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng magwapuhan ako sa kanya. Sa dibdib niya ay ramdam niya ang pag-uunahan ng mga kabayo sa dibdib niya na hindi niya alam kung saan galing hawla sa loob niya. Pumikit siya nang maalala ang muli ang mukha ng tiyuhin. Hindi pwede 'to. Nagmulat siya nang malalala si Landon. Tama. Ayos lang. Nagagwapuhan din ako kay Uncle Landon. Si Uncle Silas. Lalo na kay Uncle Mason. Tumango-tango si Megumi na kasalukuyang kinausap ang sarili sa isip. Tama! Gwapo silang lahat! Dahan-dahang niyang nilingon ang kanyang Uncle Kaito ay may kinukuha ito sa compartment ng motor. Nang itaas nito ang mukha ay agad siyang bumaling sa ilog. Bakit ako kinakabahan sa kanya? Muli niyang kinagat ang hintuturo. Bakit iba ang gwapo ni Uncle Kaito ngayong hapon? Binitawan na niya ang hintuturo at impit na sinabunutan ang sarili. "What are you doing?" Natigilan siya. "Nasa adrenaline ka pa rin ba ng pakikipagsabunutan?" Marahan niyang itong nilinga habang hawak pa rin ang mga buhok. Umupo ito at tiningala siya na mabilis niyang iniwasan. "Hi-hindi. Nagpa-praktis lang ako ulit ako baka magkaroon kami ng round two ng gurang na 'yon." Napailing si Kaito. Nang tumahimik ay muli niyang tiningala ang dalaga. "Hoy," tawag niya rito. "Bakit?" sagot ng pamangkin. Dahil hindi na nagsalita ang tiyuhin ni Megumi ay nilingon niya ito. Napakisap siya nang magtama ang tingin nila na sadyang hinihintay nito. Tinapik ni Kaito ang espasyo sa tabi nito. Tiningan niya iyon. "Bilis." Sa bahay naman ni Landon ay umaalingawngaw ang boses ng babae. Pasimpleng nilapitan ni Mason si Silas na kasalukuyang nasa dining area. "May lahi pa lang rapper ang girlfriend ni Landon," bulong nito habang mahinang tawa. Imbes na sumagot si Silas ay tiningala nito ang pangalawang palapag ng bahay. "Nasaan kaya si Megumi?" "Ang sabi ng kasambahay, nagsabunutan daw si pamangkin atsaka 'yong girlfriend ni Landon. Tingin mo, sinong nanalo?" Agad na tiningan ni Silas si Mason. "Syempre, si Megumi." Nag-isip naman si Mason. "Manipis si pamangkin, at bata pa. Hindi katulad ng girlfriend ni Landon, mukhang bruha." Tinungga na lang ni Silas ang baso ng alak at pinilig na ulo. "Kumalma ka, Yvette," pakalma ni Landon sa girlfriend. "Paano ako kakalma?" "Nakita ko na may babae kang inuwi sa bahay mo, at bata pa!" "Pamangkin ko siya, Yvette." Tumayo pa rin ang galit na galit na si Yvette at tumapat sa silya ni Landon. "Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid?" Tiningala ni Landon ang nobya. "Kung ang batang 'yon, maloloko mo. Ako hindi, Landon. Wala kang kapatid, kaya imposible kang magkaroon ng pamangkin!" "Kaya ngayon, sabihin mo kung sino ang batang iyon?" Natahimik ang sala. Si Yvette naman ay mangiyak-iyak sa galit na nakikipagtitigan kay Landon na kitang-kita ang pag-iigtingan ng panga. "Siya si Megumi." "Megumi? Sino siya sa buhay mo?" Tumayo si Landon at humarap sa nobya. Pinagkatitigan niya ang mga mata nito. "Pamangkin ko siya." Napangiti ng hilaw ang nobya buhat sa narinig. Sandali pa itong tumingala at hinawi ang gulo-gulong buhok. "Paano?" "Paano mo naging pamangkin ang batang iyon?" "Kung wala kang pinakilala sa akin na kapatid mo noon pa man." "Noong nakilala mo ko, marami na akong sikreto at tanggap mo 'yon, iyon ang sabi mo. Ngayon, wala pa ito sa sikretong mayroon ako." Natigilan si Yvette na tumulo ang mga luha. "Marami ka pang malalaman tungkol sa akin, sa oras na matuloy ang kasal natin. Ngayon, gusto mo pa rin ba akong pakasalan, Yvette?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD