KABANATA 16: AUNTIE YVETTE

2038 Words
Seryosong pinanood ni Megumi ang kanyang Uncle Kaito na inilalabas ang gamot at cotton buds sa isang plastik. Inabot nito sa kanya na tinanggap naman niya. "Lagyan mo 'yang sugat mo." "Salamat, Uncle Kaito," ngumiti siya rito. Tumayo siya at tumakbo sa ilog. Iyon ang ginawa niyang salamin. Umupo siya para makita ang sarili. Naroon nga ang may kalakihang mahabang hiwa sa mukha niya. Siguradong kalmot iyon. "Aww." "Ang sakit.," daing niya. "Anong ginagawa mo?" hindi nakatikis si Kaito. Tumindig, hinawakan ang braso ng pamangkin at itinayo. Humarap ang dalaga habang hirap na hirap sa ginagawa. "Ilapit mo pa," mando niya dahil malayo ang cotton buds na may betadine sa sugat nito. "Kanan pa." "Dito?" tanong naman ni Megumi habang hirap-hirap. Gusto-gusto niyang alisin ang sariling mukha at iharap sa sarili. "Konti pa," napatingin siya sa tiyuhin na minamanduhan siya na para bang nagpapark siya ng kotse. Ibinaba niya ang kamay at ibinigay dito ang hawak bago itinaas-baba ang nangawit na braso. "Ikaw na lang, Uncle." Hinarap niya ang pisngi dito. Iginilaw niya ang mata para tingan ang hindi nakilos na kaharap. Ikinalapit niya ang mukha sa kanyang Uncle Kaito. "Bilis, Uncle." "Ikaw na ang maglagay. Ikaw naman ang nakakita ng sugat." "Bilis, nangangawit na ko." Inis na sinulyapan ni Kaito ang hawak na cotton buds bago ang mukhang nakabalandra sa kanya. Pinagkatitigan niya ang kanang pisngi ng pamangkin. Makinis iyon at bahagyang kulay rosas. Nang makita ang maliit na sugat nito ay naaalala niya ang nobya ni Landon na kung hindi girlfriend nito ay magbabayad sa pagbibigay ng sugat sa dalaga. "Aray!" Nagulat si Kaito kay Megumi. "Huwag ka ngang sumigaw," impit na awat niya at napatingin sa tahimik na tahimik na paligid. "Ang sakit naman kasi!" patuloy na reklamo nito nang lagyan niya muli ng gamot. "Magtiiis ka lang. Hindi pa 'yan malaki, paano na lang kung masugatan ka nang higit diyan?" "Dahan-dahan lang," pakiusap ni Megumi. "Just shut up. Okay?" seryoso niya at nauubusan na ng pasensya. Nang magpatuloy sa ginagawa ay nakita niya ang pagnguso ng dalaga kaya diniin niya ang cotton buds sa sugat nito. "Aray!" "Ano ba?!" Nahulog na ang cotton buds sa ibaba. Habang si Megumi ay sapo ang pisngi. Pinagmamasdan niya ang tiyuhin na pinapagpag ang palad. Napatingin ito sa kanya. "O, bakit?" "Bakit ba hindi mo katulad si Papa?" Naglinya ang noo nito. "O kahit si Uncle Landon na lang." "O si Uncle Mason at Uncle Silas-" "Hoy, hindi talaga nila ako katulad. Kaya hindi ka puwedeng mag-inarte sa akin," prangkang sagot nito. "Hindi naman ako nag-iinarte. Masakit talaga." Bumalik sa kinauupuan si Kaito na sinundan naman ni Megumi. Magkapanunod silang umupo nang tumahimik. Sinulyapan ni Megumi ang tiyuhin. "Uncle." Hindi ito sumagot. "Uncle Kaito-" "Ano?" irita nitong agap. Inalis niya ang mga gamit na nasa pagitan nila. Nakita niya ang pagkunotnoo nito bago pa ito makalayo ay kumapit na siya sa braso ng kanyang Uncle Kaito. "What are you doing-" "Get off me," kahit anong igkas ni Kaito ay hindi bumibitaw ang dalagang parang tuko. "What do you think you're doing?" "Let go of me!" Nang ihilig nito ang ulo sa braso niya ay doon lang siya huminto. Napangiti si Megumi, tiningala niya ang tiyuhin habang nakadaiti pa rin dito. "Uncle, may tanong ako." Sinalubong nito ang mata niya. "Anong trabaho ni Papa noon?" Nang magtitigan ay kumurap-kurap siya para gandahan ito ng mga mata. Hanggang sa itulak siya nito. Napadpad siya sa ibaba at inis ang mukha nang bumangon. Tumindig na si Kaito. "Tara na." Tumaltak siya. "Sagutin mo muna." "You won't get any answers from me, no matter what you do," siguradong wika nito. Napapadyak si Megumi sa inis. Hanggang sa hawakan siya sa braso ng tiyuhin, itinayo at igiya maglakad. Sandaling tumunog ang cellphone ni Kaito kaya siya binitawan. Bago nito sagutin ang tawag ay tinuro na nito ang motor gamit ang mukha para magtungo siya roon. Tumalima naman siya. "Hello?" "Kasama mo ba si Megumi?" Tinanaw ni Kaito ang dalagang sumakay ng motor. "Yeah." "Umuwi na kayo. May pag-uusapan kami." Nang mawala ang nasa linya ay ibinaba na rin niya ang cellphone. Nang lumapit at sumakay siya sa motor ay agad na kumapit ang pamangkin sa tiyan niya. "Uncle, sino 'yon?" "Si Uncle Landon ba?" "Si Uncle Silas o Si Uncle Mason?" Dahil hindi nasagot si Kaito ay komportableng pinatong ni Megumi ang baba sa balikat ng tiyuhin. Kahit nakasuot ng jacket ay ramdam niya ang lapad doon. "Sino?" Hinawakan na ni Kaito ang handlebars. "Si Uncle Landon mo." "Naroon pa raw ba si gurang?" Nilingon niya ang tiyuhin na napangiti. "Uy!" Natigilan si Kaito. Gamit ang isang kamay ay tinuro ni Megumi ang mukha niya. "Ngumiti ka, Uncle. Nakita ko 'yon!" "Hindi," tanggi niya at sumeryoso. Inigkas din niya ang balikat kung nasaan ang baba ng pamangkin na agad na lumayo. "Aray ko naman!" "Don't get too comfortable." Tiningan ni Megumi ang likod ng tiyuhin. "Bakit hindi pa ba tayo close?" natanong niya. "What do you think?" Napatitig siya rito. Simula sa pagiging masamang uncle ang tingin niya dito. Manhid. Nanakit. At walang pakialam sa kanya. Nag-iba ngayong hapon. Pakiramdam niya may nasilip siyang kaunting kabutihan dito. Nang makita ang pag-aalala nito nang makita ang sugat niya. Nakakita siya ng siwang sa ibang anggulo ng kanyang Uncle Kaito. Dahan-dahang bumaba ang kamay niya sa tiyan nito. At nang umabante ay sa balikat na lang siya kumapit. Nang umandar ang motor ay sinulyapan ni Kaito ang pamangkin na natahimik sa side mirror. Lumipas ang ilang minuto nang makarating si Megumi sa bahay ng kanyang Uncle Landon. Natigilan siya nang maabutan ito sa sala at ang babaeng nakasabunutan niya. Naalala niya ang bilin ng kanyang Uncle Kaito. Kaya nagmamalaki siyang humalukipkip at umupo sa silya. Nakita niya ang proud na ngiti ng kanyang Uncle Silas at Mason na nasa sala rin nakaupo. Tuluyan na rin nakapasok si Kaito, tumayo siya sa likod ng silya ni Megumi. "Uncle Landon," pauna niya. "Ayos ka lang ba, Megumi?" sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang pag-irap ng babae sa tanong ng kanyang Uncle Landon. "Ayos lang ako, Uncle." "Anyway, alam ko, wala ng kwenta para ipakilala ko siya dahil nauna na kayong magsabunutan. But anyway, siya si Yvette, my girlfriend." Nilinga niya ang tinutukoy nito na mayabang na pinag-krus ang braso, animo'y ginagaya siya. Muli niyang binalikan ng tingin ang tiyuhin at tinuro ang babae. "Girlfriend mo siya, Uncle?" "Ganiyan ang mga type mo?" "Anong ibig mong sabihin?" akmang tatayo si Yvette nang parehong pigilan ni Silas at Mason sa magkabilang balikat rason kung bakit pinagitnaan nila ito. "Bitawan niyo nga ako," anang ni Yvette na hindi makatayo. "Uncle Landon," seryosong aniya nang balingan muli ang kanyang tiyuhin, lumapit nang kaunti dito at hininaan ang boses. "Bakit agad kayo nag-girlfriend?" "Sana hinayaan niyo akong ihanap kayo at hindi war freak na girlfriend ang nakuha niyo." "Anong binubulong mong bata ka?!" Kung bibitawan si Yvette ni Silas at Mason malamang magpang-abot silang dalawa. "Tama na!" umalingawngaw ang singhal ni Landon na nakapagpatahimik sa kanila. Sinenyasan din nito si Silas at Mason na bitawan ang nobya. Bumitaw naman ang dalawang binata. "Magbati na kayo." Napatingin si Megumi sa kanyang Uncle Landon. "Magbati na kayo," ulit nito at sinalubong ang mga mata niya habang napatong ang siko sa armrest ng sofa at sapo ang noo. Para bang stress na stress sa pag-aaway nila. "Magbati na kayo, at hindi magandang magkaaway kayo habang magsasama kayo sa iisang bahay." Mas lalo siyang nagulat sa narinig. "Magsasama sa iisang bahay?" ulit niya habang hindi makapaniwala ang mukha. "Oo, magsasama rin naman kami ni Landon sa oras na ikasal kami. Kaya bakit ka pa nagulat?" binalingan niya ang nobya nito na sumagot. "Megumi," seryosong tawag ng kanyang Uncle Landon. "Please, ikaw na ang unang magkumbaba?" pakiusap nito na hindi niya matatangihan. "Mas matanda siya sa iyo at magiging Auntie mo rin siya sa oras na makasal kami." Lihim ang pag-asim ng mukha niya. "Kaya sige na," sinulyapan ni Landon si Yvette. Tumayo si Yvette kaya huminga nang malalim si Megumi at tumindig na rin. Naglakad siya patungo rito nang magharap ay naghinang ang mga mata nila. Naroon pa rin ang tapang ng kay Evette. Tila may tinatagong ngisi roon. Nilingon niya sandali ang tiyuhin at kung hindi dahil dito ay hindi siya hihingi ng tawad. Dahil ito naman ang unang nanampal at nanabunot. Hinarapan niya muli si Yvette. Itinaas ang kamay dito. "Sorry," pagalit niyang wika na ikinitawa ni Mason. "Bata, wala bang mas sincere diyan?" nakahalukipkip na tanong ni Yvette. "Nagso-sorry na nga ako, choosy ka pa-" huminto siya sa pagrereklamo nang maalala ang Uncle Landon niya. Muli siyang nag-ipon ng hangin sa dibdib. Isang plastik na ngiti ang dinikit niya sa labi. Mas inilapit niya ang kamay dito. "Sorry. Sorry, Auntie Yvette." Tumaas ang sulok ng labi nito. Nakataas ang isang kilay na sinulyapan ang kamay niya at pinagtagpo ang tingin nila. "Fine," umalog pa nang kaunti si Megumi nang may lakas na tanggapin nito ang pakikipagkamay niya. Pinagkatitigan niya ito habang nakakunotnoo. "Pinatatawad na kita, Megumi." Ngumiti ito nang matamis at basta binitawan ang kamay niya. Binangga nito ang balikat niya at dire-diretso sa Uncle Landon niya, umupo sa kandungan nito. Bago siya sinulyapan. Napailing na lang siya at napatingin sa kanyang Uncle Kaito. Huling-huli niya ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Kaswal pa rin itong umiwas at bumaling sa kapatid na si Landon. "Alis na ko," paalam nito at tumalikod. Akma siyang hahakbang para sundan ito nang akbayan ni Mason mula sa likuran. "Good job, pamangkin." Nilinga niya ito nang ibaling siya sa ibang banda para iharap sa bintana at hindi sa magkasintahan. "Huwag kang papatalo, okay?" Tinaas nito ang nakabilog na kamao. "Sa iyo ako, sa iyo ang boto ko," napailing na lang siya dahil parang sa manok lang tumataya ang kanyang tiyuhin. Nawala ito balikat niya dahil inilayo ito ni Silas. "Uncle Silas," aniya "Mag-usap tayo." Nauna itong maglakad palabas na sinundan naman niya. Sandaling huminto sa paglalakad si Kaito. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang pamangkin na lumabas ng bahay. Tinanaw niya ang sinusundan nito at si Silas iyon. Sandali siyang napahinga nang malalim bago ipinagpatuloy ang paglabas ng gate ng bahay ni Landon. "Uncle Silas." Sa harap ng fountain huminto ang tiyuhin. "Anong pag-uusapan natin?" "Nasaktan ka ba kanina?" Ngumiti siya at umiling. "Ayos lang ako." Napatingin ito sa pisngi. Napaseryoso siya nang itaas nito ang kamay at akmang hahawakan iyon pero agad siyang umatras. Nagsalubong ang mga mata nila. Hanggang sa ibaba nito ang kamay. Siya naman ay ngumiti at sinapo iyon. "Hindi naman malaki ito. Marami lang betadine. Kalmot lang ni gurang-este ni Auntie Yvette." "Si Uncle Kaito mo?" Natigilan si Megumi. "Siya ang kasama mo kanina?" Marahan siyang tumayo. "Si Uncle Kaito, siya ang umawat sa amin ni Auntie Yvette-" "Saan ka niya dinala?" pinagmamasdan niya ang Uncle Silas niya na tila galit lalo na kung mali siya nang isasagot. Ngumiti pa rin siya rito. "Nilayo lang ako ni Uncle Kaito para hindi na kami mag-away ni Auntie Yvette." Nakita niya ang paghinga nito. Inabot niya ang kamay nito at hinawakan. "Si Uncle Kaito, hindi siya masamang tao. Hindi rin masama ang trato niya sa akin. Mas strikto lang siya nang kaunti," pinakita niya ang kamay kung gaano iyon kaunti. Tumango naman ang kanyang Uncle Silas. Napatitig siya rito at naalala ang tensyon na nararamdaman sa tuwing nagkikita ang mga ito. "Uncle?" Umangat ang magkabilang kilay nito. "Kayo ni Uncle Kaito," dahan-dahan niyang simula. "Ma-mayroon ba kayong hindi pagkakaintindihan?" Naaninag niyang natigilan ito na ikinakurap niya. Sa reaksyon nito ay mukhang tama ang hinala niya. "Bakit, Uncle Silas?" "Anong pinag-awayan niyo-" "Hindi kami magkaaway." Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi kami magkaaway-" "Bakit hindi kayo nagpapansinan?" "Tapos kapag magkakasalubong kayo, para kayo laging magbabanggaaj. Tapos iyong mga mata nito tila may kuryente." "Guni-guni mo lang 'yon, Megumi." Sinulyapan nito ang suot na relo. "Mauna na ko. Pumasok ka na sa loob." Niyakap siya sandali ng tiyuhin at nang umalis ito ay nasundan na lang niya ng tingin. Sigurado siyang may hindi pagkakaintindihan si Uncle Silas niya at Uncle Kaito niya. At gusto niyang malaman kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD