KABANATA 17: PRINCESS NO MORE

2055 Words
Sa loob ng kwarto ay nakatitig si Megumi sa litrato ng ama na nasa ibabaw ng isang mesa, katabi niyon ang urn nito. "Papa, alam mo ba may na diskubre ako ngayong araw," simulang kwento niya. Muli niyang inaalala ang dalawang tiyuhin. "Sina Uncle Silas at Uncle Kaito, parang war. Iyong tinginan kasi nila, iba." "Mainit." "May tensyon, tingin mo. Anong pinag-awayan ng mga kapatid mo?" Napatingin siya nang bumukas ang pinto. Naroon ang nobya ng kanyang Uncle Landon. Lumapit ito, pinag-krus ang braso, sinilip pa ang litrato na nasa picture frame bago sumandal sa pader. "Akala ko naman kung sinong kinakausap mo," anito. "Wala bang pinto sa bahay niyo?" balik-tanong niya. "Auntie Yvette, ang pinto, ginagamit para kumatok bago pumasok sa may kwarto nang may kwarto," sarkastiko niyang sagot. "Bakit ako kakatok sa kwarto ng magiging bahay ko?" Siya ang inis na ngumiti. "Ready na ang dinner. Ngumiti ka sa kay Uncle Landon mo para isipin niyang ayos na tayo." Matamis itong ngumiti sa kanya bago tumalikod at pakanta-kanta na umalis. Umikot na lang ang mata niya at sumunod dito. Sa hagdan pa lang ay naririnig na ni Megumi ang maarteng boses ng nobya ng tiyuhin. "Ano pang gusto mo, babe?" "You want this?" Huminto siya at pinanood itong ipaglagay ng pagkain ang kanyang Uncle sa plato. Patamad na bumuntong-hininga si Megumi. Hanggang sa tumingala si Landon. "Megumi!" Awtomatiko siyang ngumiti. "Halika na. Mag-dinner na tayo." Lumipat ang mga mata niya kay Yvette na nakataas ang isang kilay at tila nawalan ng energy nang makita siya. Tuluyan siyang bumaba at nagdiretso sa silya. Pinaghila siya ng silya ng kasambahay. Napatingin siya kay Yvette na padabog na naghatak din ng silya at nakasimangot na umupo. "Kumain ka na. Anong gusto mo?" Dumukwang ang kanyang Uncle Landon para ipaglagay siya ng pagkain sa plato. "Thank you, Uncle." Nakangiti siyang nagsimulang kumain hanggang sa marinig nila ang kalampag ng kubyertos. Napatingin sila pareho mag-tiyuhin kay Yvette na padabog na naghahati ng steak na ulam nila. "Malambot naman ang karne, ha?" bulong ni Landon dito. "A, talaga?" pasaring ni Yvette at sinulyapan si Megumi na marahan ang nguya. "Nangigil kasi ako, e." Tumikhim naman si Landon. "Heto," anito nang lagyan ng hiwa ng karne ang plato ng nobya. "Thanks, babe!" Napangiwi si Megumi nang halikan nang saglit ni Yvette sa labi si Landon. Natungga niya ang tubig sa baso at nang tumagilid ay kunyari siyang nasuka. "Ayos ka lang, Megumi?" tanong agad ng kanyang Uncle. Ngumiti siya rito. "Oo, Uncle. Medyo nauuta lang ako sa inyo, este," sinulyapan niya si Yvette na umaabot ang taas ang isang kilay ang sa hairline. Binalingan niya muli ang tiyuhin. "Sa karne, nauuta ako nang kaunti." "Gusto mo ba ng ibang ulam?" "Sandali lang," dagdag ni Landon at tumingin sa kasambahay. "Magluto kayo ng ibang ulam-" "Uncle," hinawakan ni Megumi ang braso ni Landon. "Uncle, huwag na." Napatitig si Yvette sa kamay ng dalaga. Nagulat ang mga ito na galit na tumindig si Yvette at nagdadabog ang mga paa na umalis. Natigilan ang mag-tiyuhin at nagkatinginan. Napatingin si Megumi sa kamay na napadapad sa ibabaw ng mesa nang tumayo nang basta ang tiyuhin at sundan ang nobya. Napatitig siya sa kamay at napakurap bago sinundan ng tingin ang kapatid ng ama. "Yvette-" "What?!" Hinuli ni Landon ang braso ng nobya nang makarating sa loob ng kwarto. "Ano na namang problema?" tanong ng binata dito. "Anong problema?" pikon na ulit ni Yvette. "Hindi mo ba nakikita?" "Ang alin?" gulong-gulong balik-tanong nito. Nauubos ang pasensiya ni Yvette nang hawiin ang buhok at mangiyak-iyak na humarap sa nobyo. "Iyong babae na 'yon!" "Sinong babae?" walang-ideya tanong ni Landon. "Iyong batang babae na 'yon-" "Si Megumi?" "Oo, siya nga!" "Ano bang problema pamangkin ko?" "Pamangkin?" ulit ni Yvette. "Oo!" "Walang ganoong trato sa pamangkin, Landon!" "Napag-usapan na natin 'to, Yvette." Naging kalmado si Landon. Huminga nang malalim at humakbang. Nang akmang hahawakan nito ang braso ng nobya ay iniwas iyon ni Yvette. "Yvette-" "Hindi Uncle at pamangkin ang nakikita ko sa pagitan niyo, Landon." Bumuntong-hininga si Landon. "Kasalanan ko ba 'yon?" Napakunotnoo si Yvette. "Sinabi ko na, pamangkin ko siya, Uncle niya ako. Hindi ko alam kung anong pinoproblema mo-" "Kayo ang problema, dahil nagdala ka ng ibang babae sa bahay mo kahit alam mo na Ikakasal tayo-" "Hindi siya basta babae lang, pamangkin ko siya at nandito siya dahil may dahilan-" "Sige, sabihin mo. Anong dahilan, Landon?" Natitigan ni Landon ang nobya. "Sabihin mo, kung bakit sa dinami-dami ng property mo at pera mo kailangan nandito ang batang babae na 'yon?" Natahimik ang buong kwarto. May luhang ngumiti nang mapait si Yvette. "See? Wala kang maisagot. May dahilan kung bakit mo pinatuloy sa bahay mo ang babaeng 'yon." "Alam mo, Yvette. Malinaw sa akin na pamangkin ko si Megumi, at Uncle niya ako. Walang problema sa akin, o kay Megumi. Nasa iyo ang problema dahil marumi 'yang pag-iisip mo. At wala na akong magagawa sa iyo." Tuluyang lumabas si Landon ng kwarto. Ang umiiyak na si Yvette ay napaupo sa kama. Agad na nagtago si Megumi kung saan nang makitang lumabas ng kwarto ang tiyuhin. Nang tumahimik ay narinig niya ang iyak ng nobya nito. Natigilan siya at narinig ang konsensya. Bumigat ang loob niya dahil kasalanan niya kung bakit nag-aaway ang dalawa. Sa garden ay naglakad-lakad siya. Nang huminto sa isang pwesto ay naalala niya si Kaito sa kinatatayuan na iyon. Isang buntong-hininga ang nagawa niya. Kung di siya umalis sa bahay ng kanyang Uncle Kaito, hindi siya aabutan sa bahay ni Uncle Landon niya na nobya nito. Hindi sana nag-aaway ang mga ito dahil sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Napahinto siya nang matanaw ang kanyang Uncle Landon niya sa harap ng fountain, naninigarilyo. "Uncle." Napatingin ito sa kanya. Malungkot na ngiti ang ibinigay niya. "Sorry." "Para saan?" balik-tanong ni Landon at nang salubingin nito ang tingin ng dalaga ay iniwasan ni Megumi at tumitig sa fountain. "Dahil sa akin, nag-aaway kayo-" "Wala kang kasalanan." "Uncle-" "Kami ni Yvette ang may problema. Kami ang hindi may pagkakaintindihan-" "Dahil iyon sa akin, Uncle. Dahil nandito ako-" "Kailangang maintindihan ni Yvette na hindi lang siya ang babae sa buhay ko. Malaki ang mundo ko, at iyon ang hindi niya pa alam." Nilingon ni Megumi ang kanyang Uncle na hinithit sandali ang sigarilyo bago binuga. "Kung ito pa lang ay hindi na niya matanggap. Ano pa ang pwede niyang malaman sa akin?" Hinawakan siya nito sa balikat. "Matulog ka na. Huwag ka na masyadong mag-isip. Wala kang kasalanan, kami ang may hindi pagkakaintindihan." Tumango siya nang maliit. "Mauna na ako, Uncle." "Goodnight, Megumi." "Goodnight, Uncle Landon." Nang titigan ito ay yumakap siya sa kanyang Uncle na palaging warm sa kanya. "Thank you, Uncle Landon." Nang magkalas ay tuluyan na siyang pumasok sa bahay. Umakyat siya sa hagdan at nakasalubong doon si Yvette. Nagkatitigan sila. "A-auntie-" hindi pa niya natatapos ang sasabihin para sana mag-sorry ay bumaba na ito ng hagdan. Napakapit pa siya sa railing ng hagdan dahil sa lakas niyon. Dire-diretso itong bumaba at lumabas ng bahay. Isang buntong-hininga ang nagawa niya. Nang pumasok sa loob ng kwarto ay umupo siya sa kama. Tumitig sa kawalan hanggang mapatingin sa litrato ng ama, may pait ang ngiti niya. "Papa, mukhang hindi na magiging maganda ang pananatili ko sa bahay ni Uncle Landon," aniya. Kinaumagahan ay pababa ng hagdan si Megumi. Sinilip niya ang tahimik na dining area. Nang makababa ay hinarang niya ang isang kasambahay na dumaan. "Excuse me po," wika niya. "Good morning po, Miss Megumi." Ngumiti siya rito. "Si Uncle Landon?" "Bakit mo hinanahap ang fiance ko?" Napalingon siya at naroon si Yvette na hindi niya alam kung saan galing. "Sige na po, salamat," tuluyang umalis ang kasambahay. Humarap siya sa nobya ng tiyuhin nang huminto ito sa tapat niya. "Bakit mo hinanahap ang fiance ko?" ulit nito. "Bahay niya 'to, Auntie Yvette kaya natural lang na hanapin ko siya," kalmado niyang sagot. Gusto sana niya, alang-alang sa tiyuhin ay maging maayos sila kahit ang simple na lang nilang pag-uusap. "Hindi ako tanga." "Bakit nagtatanong ka pa?" bumigay na rin ang pasensiya niya. Akmang tatalikod nang pigilan nito sa braso. "Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita-" inis niyang inalis ang braso dito. "Wala kang kwentang kausap kaya tatalikuran talaga kita," sagot niya nang humarap. "Wala ng breakfast." Kumunotnoo siya at nilingon ang dining area. "Ubos na ang breakfast. Kung gusto mong kumain, magluto ka ng sarili mo. Wala kang karapatan mag-utos sa mga kasambahay dahil hindi ikaw ang nagbabayad sa kanila." Dumoble ang linya sa noo ni Megumi. Nang makita ni Yvette ang pababang kasambahay na may dalang tray ng maruming damit ng dalaga. "Manang, akin na 'yan," hinarang nito ang kasambahay, kinuha ang tray ng damit at humarap sa pamangkin ng nobyo. Sinalo ni Megumi ang basta binitawan nitong tray ng damit niya. Takang-taka niyang tiningan si Yvette. "Simula ngayon, hindi ka na magbubuhay prinsesa," tumingin ito sa paligid. "Makinig kayo, wala ng tatratong prinsesa sa bisita na 'to. At ang magsumbong kay Landon, mananagot sa akin!" Napatingin si Megumi sa mga kasambahay na yumuko bago binalikan ng atensyon si Yvette. Ngumiti ito sa kanya. "Sa edad mo, Megumi. Dapat natututo kang makisama. Isa pa, isa kang bisita na nakakaperwisyo na. Simula ngayon, matututo ka ng magtrabaho para sa sarili mo." Tinapik pa siya nito sa balikat bago umalis. Napahinga na lang siya. Tiningan niya ang dala-dala. "Kung akala mo, hindi ako marunong sa trabaho sa bahay. Nagkakamali ka," sigurado niyang wika at ngumiti. Bitbit niya iyon nang magtungo sa likod ng bahay. Naroon ang malaking laundry area ng bahay ng kanyang Uncle Landon. Ipinasok niya ang mga damit sa automatic machine at iniwan. Nagtungo naman siya kusina. "Miss Megumi, ako na po riyan," akmang lalapit ang kasambahay nang makita siyang nagluluto. "Hindi na po. Kayang-kaya ko po 'to." Mula sa entrada ng kusina ay sinilip ni Kaito ang nakatalikod na pamangkin. Abala ito sa pagluluto at nang pumihit at hindi pa rin siya nakita. Dinala nito ang plato at lumabas na tahimik niyang sinundan. "Akala ng gurang na 'yon, pinahirapan niya ako. Hindi niya alam, sanay ako sa hirap," kausap nito sa sarili habang nanguya ng naglalakad. Nang makarating sa laundry area ay nagmamadaling ipinatong nito ang hawak sa isang tabi. "Tapos na pala 'to," bumaba si Megumi sa automatic washing machine. Pinunasan ang kamay bago kinuha ang mga damit at nilagay sa tray. Nang tumayo at humarap ito ay natigilan nang makita si Kaito. "U-uncle." Nakahalukipkip si Kaito habang seryoso ang mukha. "Wala ka na bang kausap at kinakausap mo ang sarili mo?" "K-kanina ka pa riyan?" hindi niya pagsagot sa tanong nito. Sinulyapan nito ang plato niya sa likuran bago ang dala-dala niya. "It looks like you’re not the princess of this castle anymore; you have a new role now." Umasim ang mukha ni Megumi nang maalala si Yvette. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at nagtungo sa sampayan ng damit ng mga kasambahay. Kasalukuyang may puting kumot doon na nakasampay. "Oo, at isang bruhang gurang ang amo ko," pagsakay niya sa sinabi ng kanyang Uncle Kaito. Sinundan ni Kaito ang dalaga at pinanood itong magsampay. Napangiti siya nang hirap itong tumingkayad para abutin ang tali. "Baka napansin niyang tamad ka-" agad na lumingon ang pamangkin. "Ako? Tamad?" di pagsang-ayon nito at muling bumaling sa pagsasampay. "Isang araw pa lang kaming magkasama sa bahay para husgahan niya ako." "Isa pa, tingin niya, hirap ito para sa akin?" Binitbit muli ni Megumi ang walang laman na tray at hinarap ang tiyuhin. "Nagkakamali siya. Mas gugustihin ko maging alipin kaysa maging prinsesa." Nagbalik siya sa laundry area. Umupo sa lababo na naroon at sinimulang kumain. Napatingin siya sa tiyuhin na pinanood siya. Sandali niyang nilunok ang nasa bibig. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" "Dinadalaw mo 'ko?" dagdag niya. Nakita niya ang paglinya ng noo nito. "What?" "Dinadalaw mo 'ko," ulit niya. "Bakit kita dadalawin? Maysakit ka ba?" katwiran pa ni Kaito. Bumaba si Megumi at lumapit dito. Napakurap naman ang binata at seryosong pinagmamasdan ang kaharap. "Bakit ka nandito, Uncle Kaito?" "Wala si Uncle Landon, kaya sino ang pinuntahan mo sa bahay niya?" "Ako ba?" Tensyonadong nalunok ni Kaito ang laway habang nakatitig sa magandang mukha ng pamangkin. Ano ba ang idadahilan niya rito? Teka, bakit nga ba siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD