Napaatras si Megumi nang mataob ang hawak niyang plato. Napatingin siya sa nahulog na pagkain bago inis na nilinga ang Uncle Kaito niya na paalis na sadyang tinagib ang kamay.
"Uncle Kaito!" bwisit niyang sigaw habang pinagmamasdan ang pagkain na nasa ibaba.
Napahinto si Kaito nang makasalubong sa entrada si Yvette. Huminto ito at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Bago siya pinagkatitigan. Kaswal niya itong nilampasan nang magsalita ang nobya ni Landon.
"Walang sinabi si Landon kung sino ka at malaya kang naglalabas-pumasok sa loob ng bahay namin. Kung ang batang babae na iyon ay napapaniwala niyo sa mga sinasabi niyo, hindi ako."
Nilingon ni Kaito si Yvette. Seryoso siyang nakipagtitigan dito siya ngumisi.
"Huwag mong sasaktan ang batang babae na sinasabi mo. Wala akong panahong magpaliwanag sa iyo, ipagpasalamat mo na lang na malapit ka kay Landon dahil kung hindi, may paglalagyan ka."
Nakita niya ang takot ni Yvette. Gumalaw ang lalamunan nito at halatang pilit ang tapang.
"B-bakit ba sobra-sobra ang pagpoprotekta niyo sa batang 'yon-"
Sandaling sumulyap sa ibang dako si Kaito bago humakbang. Sa bawat hakbang ay hindi niya inaalis ang tingin dito. Umatras si Yvette habang nakikita ang takot sa matangkad at malaking katawan na lalake.
"Tingin mo, bakit?"
Mabilis ang paghinga ni Yvette habang nakatingala kay Kaito. "A-ang sabi ni Landon, pamangkin niyo siya. Pero iba ang nakikita ko sa kanya, at sa iyo. Hindi lang siya basta pamangkin."
Isang mapanganib nq ngiti ang ginawa ni Kaito bago tumalikod. Naiwan naman gigil ang nobya ni Landon.
Kasalukuyang naghihintay si Megumi sa itaas ng hagdan, si Uncle Landon ang pakay niya. Para tanungin ang tungkol sa tensyon sa pagitan ng kanyang Uncle Kaito at Silas.
Nang marinig ang ugong ng sasakyan ay nagmamadali siyang bumaba.
Si Yvette naman na kalalabas lang ng pinto ng kwarto ay nawala ang ngiti nang matanaw ang sabik na dalaga na pababa ng hagdan.
Pikon na nabilog ni Yvette ang kamay.
"Malandi talaga ang batang 'to."
Sinalubong ni Megumi si Landon nang makalabas ito ng kotse. "Uncle Landon!" niyakap niya ito.
"Megumi, ba't gising ka pa?" Hinawakan siya ng kanyang Uncle Landon sa likod para gantihan ang yakap niya.
Nang magkalas ay nagharap silang dalawa. "Hinintay talaga kita, Uncle."
"Talaga?" iginiya siya nitong maglakad papasok sa entrada ng bahay. "Bakit may kailangan ka ba?"
"Kumain ka na muna pagkatapos may itatanong ako sa iyo."
Huminto si Landon at nakangiting pinagmamasdan siya. "Mukhang importante 'yan. Sige, magkita tayo sa war room."
"Thanks, Uncle."
Lumiko na si Landon sa dining area. "Si Ma'am Yvette niyo?" usisa nito sa mga kasambahay nang okupahan ang silya.
"Nasa itaas po, tatawagin po ba namin?"
"Hindi na," sinimulang kumain ni Landon.
Si Megumi naman ay nasa loob ng war room. Ang dalawang kamay niya ay nasa likuran habang naglalakad at tinitingan ang mga koleksyon ng kanyang tiyuhin.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto ay nakita niya ang kanyang Uncle Landon. Umupo ito sa silya at sinalubong ang tingin niya.
"Anong meron?"
Lumapit siya at inokupahan ang silya.
"Uncle, sina Uncle Silas at Uncle Kaito, may hindi ba sila pagkakaintindihan?"
Kumunotnoo ito. Huminga siya nang malalim. "Nakikita ko sila, hindi sila close. Kapag nagkakatinginan," itinaas niya ang dalawang daliri para ituro ang sariling mata at itapat sa mata ng tiyuhin na bahagyang napaatras.
"Ganoon, matalim."
"May tensyon."
Inuusod niya ang kinauupuan para mapalapit sa tiyuhin na gustong-gusto niyang marinig ang kwento.
"Megumi-"
"Sagutin mo na lang 'to, Uncle. Madali na lang 'to," pauna niya.
Humugot nang hininga si Landon. Sandali itong natahimik bago nagsalita.
"Megumi, sina Uncle Silas at Landon mo ay walang problem-"
"Bakit hindi sila nagpapansinan? Hindi sila nag-uusap-"
"Dahil wala naman silang dapat pag-usapan," katwiran nito.
Napaisip naman si Megumi. "Si Uncle Kaito mo ay madalang lang talaga magsalita, at suplado. Alam mo naman iyon, hindi ba?"
Alangan siyang napatango. Hinawakan siya nito sa balikat. "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Lahat ng mga nakikita mo, huwag mong lagyan lahat ng dahilan. Mas marami ka pang malalaman tungkol sa amin habang nasa paligid mo kami ng mga Uncle mo."
"Matulog ka na, at magpapahinga na rin ako," tumayo ito at lumabas ng war room.
Sa pangalawang pagkakataon ay wala siyang nakuhang nakakakumbinsing sagot.
Pakiramdam niya estranghera siya sa buhay ng sariling mga tiyuhin.
Sa kwarto ay pumasok si Landon. Naabutan niya ang nobya na nakahiga at nakatalikod. "Yvette-"
"Tapos mo nang unahin ang pamangkin mo s***h kabit mo?" tanong nito habang nakatalikod.
Nakakunotnoong nilingon ng naghubad na si Landon ang mapapangasawa. "Ano na naman 'to?"
"Inuna mo siyang puntahan kaysa sa akin-"
"Yvette, ang liit-liit naman na bagay 'yan-"
Galit na bumangon si Yvette at binato ng unan si Landon. "Maliit?'
"Iyang maliit na bagay na 'yan ang magsisira sa ating dalawa?"
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Palayasin mo ang batang babae na 'yan!'
Natahimik ang hinihingal sa galit na si Landon. Tinuro pa ni Yvette ang pinto habang nandudumilat sa suklam.
"Palayasin mo siya dahil hindi mo naman siya tunay na pamangkin!"
"Tumahimik ka na, Yvette," nagtitimping tumalikod si Landon.
"Hindi niyo siya pamangkin pero inaangkin niyo siyang sa inyo!"
Tumayo si Yvette at bumaba ng kama. Hinila niya paharap ang nobyo.
"Ano bang intensyon niyo sa kanya?"
"Ano ba ang pakay niyo?"
"Anong makukuha niyo?"
"Pagka-inosente niya?"
"Dahil bata pa siya?"
Ngumisi ito. "Iyong katawan niya?"
Itinaas ni Landon na gigil ang itsura ang kamay. Pigil-pigil ang sarili niyang sampalin ito.
"A-ano?"
"Sasaktan mo 'ko?"
"Sasaktan mo ako dahil sa batang babae na 'yon?"
"Hindi dahil sa kanya, Yvette," mahinang sagot ni Landon at dahan-dahang ibinaba ang kamay.
"Dahil sa maruming isip mo, sa akin."
Napakurap si Yvette. "Bata lang si Megumi at ang isipin na may kung anong marumi sa kanya ay hindi ko kailanman naisip."
"At dapat alam mo 'yon kung kilala mo talaga ako."
Isang nakakabinging pagsarado ng pinto ang naiwan. Si Yvette naman ay umiiyak na umupo sa kama.
Nagtatakang sinilip ni Megumi ang dining area, tahimik na tahimik doon at walang tao. Sinulyapan niya ang nakasabit na nakakatakot na malaking orasan.
"Tanghali na, ha?" aniya.
Nang lumabas sa entrada ay nakasalubong niya ang kasambahay.
"Sina Uncle Landon at Auntie Yvette?"
Huminto ang kasambahay at yumuko.
"Maaga pong umalis ang Uncle Landon mo. Si Ma'am Yvette naman po ay hindi pa lumalabas ng kwarto."
"Talaga?"
Nilingon niya ang pangalawang palapag bago binalikan ng atensyon ang kasambahay.
"Gising na ba siya?"
"Dapat tiningan niyo, baka nilalangaw na 'yon-" natigilan siya nang tingnan ng kasambahay. "Ibig kong sabihin, kung ayos lang siya, kung gising at hindi binangungot."
"Ako na nga lang ang gigising," sunod-sunod niyang satsat at muling umakyat ng hagdan.
Nasa tapat siya ng pinto nito. Sandali siyang huminga nang malalim. Nang akmang kakatok ay bumukas iyon.
Nasalubong niya ang mga mata ni Yvette. Agad siyang tumalikod at kunyaring tumingin-tingin sa paligid.
Si Yvette naman ay sinarado ang pinto pagkatapos lumabas. Humalukipkip ito at pinagmamasdan ang nakatalikod na dalaga.
"Anong problema mo?"
Napapikit si Megumi. "Kung hinahanap mo ang boyfriend ko na mapapangasawa ko na, maaga siyang umalis."
Dahan-dahang humarap si Megumi. "Hindi si Uncle ang hanap ko, Ikaw. Hindi ka pa raw bumababa kaya tiningan ko lang kung buhay ka pa- gising pala."
Umiling si Yvette at umirap. Nang maglakad ito ay sinundan niya. "Nga pala, Auntie Yvette. Ilang taon na kayo ni Uncle Landon?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang. Masama bang malaman?"
Huminto si Yvette sa huling baitang at pumihit sa kanya. Natigilan naman siya at naitikom ang bibig.
"Ako naman ang may tanong sa iyo."
Kumurap ang mga mata niya. "Ano bang sinabi sa iyo ni Landon at ng mga lalakeng kasama niya?"
Hindi siya nakasagot. Ngumiti si Yvette at umakyat ng hagdan. Huminto sa tapat niya at inayos ang hibla ng buhok niyang nakaladalad.
"Bata ka pa, 17-"
"18," pagtatama niya.
Pinagkatitigan siya nito sa mga mata.
"18, batang-bata."
"Madaling paniwalain."
"Madaling paikutin."
"Hindi na ako magtataka kung bakit nandito ka."
Hinila ni Megumi ang hibla ng buhok na pinaglalaruan nito. "Ano bang ibig mong sabihin, Auntie Yvette?"
"Kapag sinabi ng isang lalakeng hindi mo kilala na Uncle mo siya, sa edad mo. Maniniwala ka."
"Dapat pala, hindi kita sisihin. Dapat maawa ako sa iyo."
Muli siyang napakisap. "Nasaan ang Tatay mo?"
"Patay na siya," diretsong sagot niya.
"May sinabi ba siya sa iyo tungkol sa mga Uncle mo-"
"Wala-"
"Bakit nandito ka?"
Natigilan siya sa tanong na iyon. At para bang bumalik ang nawala ng pagdududa sa mga Uncle na kanyang nakilala.
Makahulugang ngumiti si Yvette nang tumalikod. Mabilis niyang hinarang ito at nakipagtitigan.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti lang muli ito na mas lalo niyang ikinapikon. "Auntie Yvette, hindi ko kailangan ng ngiti mo, sagot mo ang kailangan ko."
Kunyari itong bumuntong-hininga na mas lalonh ikinapika niya. "Kahit anong sabihin ko, sa edad mo, hindi mo maiintindihan."
May mangha ang naging ngiti niya nang lampasan siya nito. Muli niyang hinabol ang nobya ng kanyang Uncle Landon.
Pinigilan niya ito sa braso. "Sandali lang, ano bang ibig mong sabihin?"
Pinagkatitigan niya ito. "Nagsisinungaling sa akin ang mga Uncle ko?"
Nilapit nito ang mukha sa kanya. "Ano sa tingin mo?"
Natigilan muli siya. "May apat na lalakeng basta pumasok sa buhay mo at pinakikilalang Uncle habang ang ama mo ay wala naman nabanggit tungkol sa kanila."
Para siyang sinampal ng katotohahang sandali niyang nakalimutan. Dahil sa panganib sa buhay noong gabing umuwi sa bahay ay sumama siya kay Uncle Landon niya.
At ang sinabi niyang maghahanap ng ebedensiya para patunayan na kapatid ito ng ama ay nawala nasa isip niya.
Dahil lang sa niligtas siya kanyang Uncle Landon.
Nagising lang si Megumi sa pagbabalik tanaw nang inigkas ni Yvette ang braso.
"Iyang pagka-inosente mo ang magpapahamak sa iyo," seryosong wika ni Yvette at tinulak pa ang noo niya.
"Kababae mong tao, sumama ka sa mga lalakeng hindi mo kilala. Anong tawag sa iyo?"
"Atsaka, bago ba talaga mamatay ang ama mo. Wala siyang binilin sa iyo na, anak huwag kang magpaka-tanga."
Nangilid ang mga luha niya dahil sa mga napagtanto. "O nagmana ka sa kanya ng katangahan?"
Isang sampal ang nag-landing sa pisngi ni Yvette. Nasapo nito ang pisngi habang sabog ang buhok. Nang humarap ito ay nanlalaki ang mga mata.
"Sino ka para sampalin ako?"
Ngumisi siya. "Ako? Ako si Megumi Magno Takahashi."
Sinunggaban siya nito nang sabunot na ginantihan naman niya. Hindi siya nagpapatalo habang hawak-hawak ang buhok nito ay naaalala niya ang bilin ni Kaito.
Tinuhod niya si Yvette sa tiyan habang naririnig ang nagsisigawan na mga kasambahay.
Nang mapaupo ito ay akma niyang susugurin muli nang itaas nito ang isang kamay habang nakahawak sa tiyan.
"Tama na!"
"Tama na!" sigaw nito habang hinihingal.
Huminto siya at pinagmamasdan ito.
"Linawin mo ang sinasabi mo kanina, Auntie Yvette. Anong alam mo?"
Hinagod nito ang buhok. "Hindi ka magsasalita?" akma siya kunyaring magtutungo sa pwesto nito nang muli itong sumigaw.
"Sandali!"
"Sanfali, magsasalita na ko!"
Huminto siya. "Si Landon at ako ay may apat na taong relasyon na. Kailanman wala siyang nabanggit na kapatid sa akin."
Naglinya ang noo niya. "Wala siyang kapatid, sigurado ako roon. Iyong tatlo pang lalakeng kasama niya, hindi ko sila nakilala. Ni hindi niya iyon pinakilala sa akin."
Natahimik ang sala. "Hindi ka niya pamangkin, Megumi. Imposible ka niyang maging pamangkin."
Napatitig sa kawalan si Megumi. Bago nagmamadaling umakyat sa hagdan. Pumasok sa kwarto at naghila ng bag.
Inilagay niya roon ang mga urn ng ama, ganoon na rin ang litrato nito. Sinakbit niya iyon sa likuran at nagmamadaling bumaba.
"Yvette," tawag niya sa paika-ikang kaaway.
"Ihatid mo ako sa labas nang hindi napapansin ng mga security."
Nagkatitigan sila. "Hindi ba, gusto mo akong mawala sa bahay na 'to?"
"Ito na ang pagkakataon mo," nauna siyang lumabas ng bahay.
Hanggang sa matagpuan ni Megumi ang sarili sa passenger seat ng pet peeve niya. Seryoso niyang nilingon si Yvette na hawak ang manibela at nakatitig sa mga security. "Kung hindi sila maniniwala sa iyo," nilingon siya nito.
"Sagasaan mo sila."
Nakita niya ang kaba rito. "Sagasaan mo para makalabas ako rito."