KABANATA 3: THE FOUR SAVIORS?

1036 Words
"Bitawan mo 'ko," pilit na inaalis ni Megumi ang braso na nasa leeg niya. Pero mas sumikip lang iyon. Naroon ang baril sa sintindo niya. Tiningala niya ang nakasakay sa helicopter na nakahinto at pinanood sila. "No one will move if you don't want to see this woman's brains scattered everywhere!" banta ng hapon. Napatingin siya sa dalawang lalake na naglalakad, hindi niya makita ang mga mukha nito dahil sa suot na bonnet. "I said, no one will move!" Napapikit si Megumi nang maramdaman ang init ng nguso ng baril sa sintindo niya nang idikit ng hapon. "Okay, okay," sagot ng isa na huminto, kasunod pa ang isa. Tiningala ng hapon ang helicopter. "Get this helicopter out of my head!" "Fine,," sagot ng isang lalake at tumingala. Hinilig nito ang ulo, na tila sumenyas. Binuksan ni Megumi ang mata at tumingala sa helicopter kung aalis talaga. Napakunotnoo siya nang may tumalon mula roon. Napasigaw siya nang tamaan ng mabigat na lalake. "Kunin siya!" sigaw ng nasa helicopter kaya siya may naramdamang humila sa braso niya palayo sa dalawang nagpipisikalan. Tumayo ang lalakeng matangkad at hindi pamilyar sa kanya. Nakataas ang dalawang kamay nito na naghahanda sa isang karate. Humarap ang hapon, at doon niya pinanood ang liksi ng mga ito sa pakikipaglaban. "Halika rito," muling hinila si Megumi ng isang lalake palayo. "Tutulungan ba natin siya?" tanong nito sa nasa helicopter at kaswal na nanood. "Kaya niya 'yan," sagot ng lalakeng nasa helicopter. Nagtatakang nilinga niya ang isa pang lalake na bumaril sa ulo ng hapon mula sa di-kalayuan. Kaswal itong umupo sa nguso ng kotse at nanood. "Ya!" dire-diresto ang hapon sa dulo ng bangin kung nasaan ang lalake. Umiwas ito kaya muntik na itong mawalan ng balanse sa bingit ng bangin pero may pumigil sa likod ng damit nito. "Dame." "Dame," sunod-sunod at takot na wika ng hapon. "Dame?" ulit ng estrangherong hawak ang likod ng hapon. "Please, please, don't kill me," page-english nito. "Your 'please means nothing to me. You're now headed straight to hell." Binitawan ng lalake ang damit ng hapon. Nagtungo sa likod nito bago sinipa. Umalingawngaw ang sigaw ng hapon na ikinakilabot ni Megumi. Hanggang sa mapalinga siya sa lalakeng nakakapit sa braso niya. Nakadama siya ng takot kaya inigkas niya ang braso. "Bitawan mo 'ko!" Napatingin sa kanya ang tatlong lalake. Umatras siya habang may takot. "Sino kayo?" "Sino sa tingin mo, bata?" tanong ng isa na bumaba mula sa pagkakaupo sa nguso ng sasakyan. Isa-isa itong naglakad palapit sa kanya. "H-uwag kayong lalapit sa akin," paatras siya nang paatras. Napasigaw siya nang maatrasan niya ang isang walang buhay na hapon. Napaupo si Megumi at may luhang pinanood ang paglalakad ng tatlo palapit sa kanya. Natataranta siyang napatingin sa paligid. Nakita niya ang isang baril at nanginginig ang kamay na itinaas. "Huwag kayong lalapit sa akin!" "Ganiyan ka ba magpasalamat?" tanong ng nasa gitna na may baritonong boses. Napatitig siya roon. Muling humakbang ang mga ito kaya hinawakan niya ang baril at inilagay ang daliri sa gatilyo. "Sabing huwag kayong lalapit-" "Iputok mo!" sigaw sa kanya ng nasa gitna na nakapagpaigtad sa kanya. "Iputok mo!" Dumilim ang mukha niya dahil sa anino ng mga ito. Kaya napayuko na lang siya, naramdaman niya ang paghablot ng baril na hindi niya maiputok sa hindi niya maintindihang dahilan. Tiningala ni Megumi ang nasa gitnang lalake na kinuha ang baril na hawak niya. "Siguraduhin mo na kapag humawak ka ng baril, ipuputok mo, bata." Napakurap siya at napatitig sa mga mata nitong nakikita niya lang sa bonnet. Sabay-sabay silang luminga nang lumakas ang hangin. "Tara na!" sigaw ng lalakeng may hawak na armalite at kumakampay. Tinapik ng dalawa ang nasa gitna bago nauna ang mga itong umalis. Tiningan ni Megumi ang lalakeng naiwan at inilahad ang palad sa kanya. "Tara na." "Ayoko." "Tara na-" "Ayoko nga sabi!" Tumayo siya at akmang tatakbo pero hinila nito ang likod ng damit niya. Napasigaw siya nang mabilis siya nitong sinampa sa balikat. Bumaliktad ang paningin ni Megumi habang napupunta ang lahat ng dugo sa ulo. "Bitawan mo ako!" Hinampas niya ang likod ng lalake na kaswal na naglakad. "Pinatay namin ang mga hapon na iyon tapos hindi ka sasama sa amin?" Napaigik siya nang tumama ang likod niya sa matigas na bagay. Napatingin siya sa tatlong lalakeng naghihintay sa kanya sa loob ng helicopter. Mabilis siyang umupo at nagsumiksik sa isang sulok. Umiling lang ang tatlo, hinampas ng lalakeng nagbuhat sa kanya ang gilid ng helicopter. "Tara na!" Dahan-dahan umangat ang helicopter. Takot niyang tiningan ang apat na kasama niya sa loob. Ni isa ay wala siyang kilala sa mga ito. Kaya anong dahilan nito para iligtas siya? Iniligtas nga ba siya? O baka naman, may mas naghihintay pang peligiro sa buhay niya? Nilinga si Megumi ng lalake. "Matulog ka muna, mahaba ang biyahe," utos nito. "Saan niyo ko dadalhan?" "Kaya nga matulog ka muna kaysa nag-iisip ka. Kapag gising mo," inis niyang iniwas ang mukha nang hawakan ng lalake na kaninang may hawak na armalite ang pisngi niya. "Nandoon na tayo," dagdag nito na natatawa pa sa ginawa niya. "Ayoko!" Nilinga siya ng mga ito nang sumigaw siya. Kahit abot-abot ang kaba ay nilakasan niya ang loob. "Hindi ako sasama sa inyo. Ibaba niyo ko-" "Tingin mo, sa taxi ka nakasakay? Bata nasa ere ka, kaya huwag kang magpatawa," saad ng lalakeng nasa gitna. Narinig niya ang tawanan pa ng tatlong lalake. Dahil sa inis ay lumapit siya sa mga ito at pinaghahampas. Wala siyang pakialam kung mahulog ang mga ito. "Sino ba kayo?" "Pakawalan niyo ako!" tuloy-tuloy ang hampas niya. Narinig niya ang isang tanong ng lalake sa kasama nito. "Anong ginagawa mo?" "Patatahimikin ang batang ito," sagot ng nasa gitna at agad na hinuli ang dalawang braso niya. Bago pa siya makasigaw ay may tumakip na sa bibig niya. Dahan-dahang lumamlam and mga mata niya at bago pa tuluyang pumikit ay naghubad ang lalake ng suot na bonnet. "Anong ginawa mo, Kaito?" nilinga ni Kaito si Landon na may hawak na armalite. Seryosong sinulyapan niya ang tulog na dalaga. "Siguradong hindi siya titigil. Kaya dapat muna siya patahimikin," bumaling siya sa tanawin na dinaraanan ng helicopter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD