Bumaba si Kaito ng hagdan nang masiguradong tulog ang dalaga. Sinulyapan niya ang sala at naroon si Landon, tumutungga ng alak. "Mauna na ko," paalam niya at nilagay sa bulsa ng leather jacket ang dalawang kamay. "Tulog na ba siya?" huminto siya sa paghakbang. "Oo," iyon lang at tuluyan nang umalis si Kaito. Si Landon naman ay nanatiling nakaupo, iniisip si Yvette na nanatiling nakakulong sa kwarto. Nasapo niya ang noo nang maalala ang binigay na kondisyon nito. Hindi niya basta-basta puwedeng pabayaaan ang pamangkin. Pero paano naman ang kasal nilang dalawa ng nobya? Samantala, kitang-kita ni Megumi sa mga mata ang talim ng samurai na nasa leeg ng ama. "H-Huwag." "Huwag." "Papa!" iyak na sigaw niya at bumangon paupo. Agad siyang napatingin sa paligid. Nang makita ang mala-prinses

