Sinulyapan ni Megumi ang nagmamanehong si Silas. Tiningan niya ang rin ang mga gamit niya nasa likod. Ngayong araw mismo siya lilipat sa bahay nito at kinakabahan siya. "Ayos ka lang?" Napatingin siya sa tiyuhin. "Ayos lang, Uncle." "Pwede ka pang umidlip, malayo ang naging biyahe natin." Dahan-dahan siyang tumango at sumilip sa bintana. Ano naman kayang klase ng bahay ang naghihintay sa kanya sa piling ng kanyang Uncle si Silas? Ikinasandal niya ang sarili sa silya at pumikit. Mahigpit niyang kipikip ang bag kung nasaan ang urn at litrato ng ama. "Huwag." "Papa?" "Huwag!" mabilis na nagmulat si Megumi. Hinihingal siyang tumingin sa paligid. Nalunok niya ang laway at may pagtataka ang mukha habang naglilibot ng paningin. Sumilip siya sa bintana ng kotse. Gubat iyon at rinig niya

