WARNING: Contains adult theme!!! Kinaumagahan paggising niya ay agad siyang nag-shower at nagsuot ng kupasing t-shirt na umabot sa hita niya at leggings. Isang fliplops naman ang isinapin niya sa paa bago nagmamadaling bumaba. Hindi niya alam kung gising na ba ang binata o hindi kaya dumeretso siya sa komedor. Naabutan niya si Nanay Inday na inaayos ang electric kettle. Ngumiti agad ito ng makita siya. "Magandang umaga po, Nanay," magalang na bati niya. Naalala niya ang Yaya niya rito dahil katulad ng ginagawa nito kanina ay gano'n din ang naabutan niya 'pag gumising siya sa umaga. "Gano'n din sa'yo, hija. Ang aga mong gumising. Tulog pa si Jay kaya mauna ka munang magkape at kung gutom ka puwede ka na ring mag-agahan," saad nito. "Nakapagluto na ako at naroon sa kusina." "Salamat po.

