Pagkatapos nilang mag-agahan inutusan muna siya nitong palitan ang leggings niya ng maong pants dahil sa likod daw ng vacation house sila pupunta. At matataas ang damo roon kaya hindi bagay ang leggings na suot niya. Nang bumalik siya sa baba ay naghihintay pa rin ang binata sa kanya. Agad itong tumingala at pinagmasdan ang pagbaba niya. His eyes form a crescent moon when he smiled after she descended. Tumaas agad ang kamay nito at sinuklay ang buhok niya. "I really love your hair, Sweetie. Huwag mong ipapagupit 'to, ah!" anito "Inggit ka ba?" biro niya. Mahina itong tumawa at pinupog ng halik ang mukha niya. "Nope, mas bagay kasi sa'yo ang ganyang buhok." Iniipit nito ang buhok niya sa likod ng taynga niya. "Besides, hindi bagay sa akin ang may mahabang buhok." Nagliparan lahat ng pa

