Pagkatapos matuklasan ni Olivia ang totoong feelings niya kay JJ ay naging mas aware na siya sa presensiya ng lalaki. 'Pag nasa malapit lang ito at abot ng tanaw niya, may pagmamahal na sinusundan niya ng tingin at humahanga sa bawat kilos at galaw nito. Especially when he's wearing a fitted shirt. Humahakab kasi ang maskuladong dibdib nito at nakikita niya ang pagkislot ng muscles nito lalo na 'pag tumatakbo o nag-e-ehersisyo ito. Sa paraan ding iyon ay nagagawa niyang ilabas ang totoong nararamdaman niya. 'Pag nasa tabi niya ito at nag-uusap sila ng harapan ay hindi niya magawang ipakita iyon dito. Natatakot kasi siyang mabisto nito ang totoong kalagayan nito sa puso niya. She's afraid that JJ might use it to tease her or worst he might push her away. For the past three years. She saw ho

