Kabanata 14

2966 Words
KINABUKASAN hindi maiwasang lingonin ng pamilya Santos si Carol pagkatapus niyang sumabay sa kanila mag-almusal. " Kuya gising naman po ako diba? " ani Anika habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Carol. " kumain ka na nga diyan " ani Josh at pasulyap ding tumingin kay Carol pagkwan inabot nito ang tubig pero dahil masyadong malayo sa kaniya kaya tumayo ito para abotin at ganon na lang ang asar niya ng sabay sabay nilang iabot rito pero agad rin silang umupo ng mapansin ang nangyari sa kanila kaya si Josh na lang ang umabot rito dahil siya ang pinakamalapit sa kaniya. " Anong ginagawa niyo? " nakakunot nitong tanong wala namang may nagsalita pa. " Tsssst! " pag-inom nito. " Alam mo hija masaya siguro ang bawat umaga kung ganito tayo palagi " sabi ng daddy nito. " Totoo yon Anak " masayang sabi ng mommy niya. " sa totoo niyan sumabay ako sainyo dahil may gusto akong sabihin " napalingon naman sila rito. " Mag-aaral ako ng mabuti " napalingon naman ang lahat sa pag-ubo ni Josh pagkatapus siyang bilaokan sa sinabi ni Carol. " sir uminom po kayo " pagbibigay rito ng katulong sa tubig habang si Anika ito nagpipigil ng tawa. " Seryoso ako sa sinabi ko! " naaasar nitong sabi kaya tuloyan silang nagising sa sinabi nito. " Maganda yon hija, natutuwa ako at naisipan mo yan? " alanganin pang sabi ng daddy niya habang iniisip kung totoo ba ang mga narinig niya mula rito samantala ang mama niya umiinom ng tubig habang hindi makapaniwala sa mga sinabi nito. " MAG-AARAL NGA AKO NG MAAYOS AT TATAASAN ANG GRADO KO!!! " natapon naman ang iniinom na tubig ng mama niya sa sinabi nito kaya ganon na lang ang inis niya. " tsk! " paghawi nito sa buhok niya at pinatong ang isang paa niya sa upuan saka nito nilagay ang mga braso niya sa tuhod senyales na naiinis na ito kaya sumeryoso na din sila. " Pasinsya kana Anak nakakagulat kasi ang mga sinasabi mo " tingin rito ng mommy niya " Pagkatapus mong sumbay saamin e naisipan mo pang mag-aral Hindi ba't nakakagulat yon? " sabay sabay naman silang tumango. " Wala naman kayong kuwentang kausap e " pagtayo nito mabilis naman itong pinigilan ng mommy niya. " I'm sorry " ngiti niya rito " Hindi mo naman kami masisisi " naupo naman siya sa sinabi nito. " Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa sinabi mo Anak " abot tenga nitong ngiti agad namang hinawakan ng asawa niya ang kamay nito at masayang tumingin rito at mga ilang minutong nanatili sa kanila ang kasiyahang iyon ng putolin din ito ni Carol. " Mag-aaral akong mabuti pero sa isang kondisyon kay Lola ako titira " tumahimik naman ang lahat sa sinabi nito at naalis ang mga ngiti sa mommy niya kaya mahigpit na hinawakan ng asawa niya ang kamay nito para pakalmahin. " Papasok na po ako " pag-suot nito sa bag niya at tumalikod saka naglakad pagkwan huminto siya sa may pintuan. " Pag-isipan niyo ang mga sinabi ko " paglabas nito. " Sinasagad na ng batang yan ang pasinsya ko!!! " dinig nitong sigaw ng mommy niya pero patuloy pa rin itong naglakad pagkwan tumayo na rin itong si Josh at mabilis ritong sumunod. " Teka hintayen mo ako! " sigaw nitong si Anika pero dahil wala pa siyang nakakain kaya napilitan itong huwag sumunod at ganon na lang ang pagtataka niya nang makitang daladala ni Josh ang baso nito. " BAKIT NAMAN ANG WEWEIRD NG MGA TAO NGAYONG UMAGA? " nagtatakang pagnguya nitong si Anika. " Ano pang ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kunin ang sasakyan at sundan si Carol! " lingon ni Josh sa personal driver ni Carol. " Ho?! " pagkaklaro niya sa sinabi ni Josh pero tumingin lang ito sa kaniya kaya natataranta itong umalis. " MUKHANG MAY NAKAIN NA NAMAN ANG AMO KO PARA PUMASOK SA SCHOOL " bulong nito. " Carol sandali " habol rito ni Josh habang iniingatang matapon ang tubig sa may baso. " Puwedi bang huminto ka? " lumingon naman ito sa kaniya " Dalii hawakan mo " pagbibigay niya rito sa baso kaya ganon na lang ang pagtataka niyang inabot ito habang may kinukuha ito sa bag niya. " Inomin mo " pagbibigay niya rito sa gamot para sa hilo " makakatulong yan sa pagsakay mo " pero tumingin lang ito sa kaniya. " Inumin mo na " sabi pa nito pagkwan nakita niya ang sasakyan niya kaya ganon na lang ang pagkakakunot noo niya pagkatapus maramdamang nahihilo na siya kahit hindi pa nakakasakay rito. " Ano bang dahilan at gusto mong pumasok ngayon? " ani Josh pagkatapus nitong kunin ang gamot at ininom. " Ano naman sayo? " sabi nito tsaka niya binigay rito ang baso agad naman yon tinapon ni Josh sa kinatatayuan nila at saktong huminto ang sasakyan sa harapan nila tsaka bumaba ang driver para pilitin na naman itong si Carol na sumakay kagaya ng madalas sa kanilang mangyari. " Ma'am sumakay na po kayo pakiusap " napangiti naman si Josh sa sinbi nito at naunang sumakay. " Sainyo ako sasabay " sabi pa nito. " Nakasakay na po si Sir kaya sumakay na din kayo " pangungulit rito ng driver pagkwan napalingon sila sa pag-upo nito at pinulot ang basong iniwan ni Josh. " Manahimik kana okay?! " pagsakay nito kaya ganon na lang ang ngiti ng driver at mabilis ding sumakay pagkwan hindi maiwasang ngumiti ni Josh pagkatapus mapansin ang paglagay nito sa baso sa bag niya. " Ano ba talagang dahilan nang mga disisyon mo kaninang umaga? " tanong rito ni Josh pero hindi siya pinansin nito. " Alam mo kung inaalala mong ibully nila Ken si Paulo malabo naman yon " sabi nito " pagkatapus ng mga sinabi mo nong isang araw iniisip na niyang may namamagitan sainyo ni Paulo kaya wala na siyang dahilan para pagselosan si Paulo kay Anika " ani Josh pero parang hangin ang kausap niya kaya napangiti na lang ito at dahil hindi nakatulog si Carol kagabi dahil sa kaiisip sa mga naging disisyon niya kaya nakatulog ito buong byahe kaya hindi ito nahilo at syempre dahil na rin sa gamot na ininom niya. Samantala ilang minuto namang naghintay sa labas si Paulo kay Anika para sa usapan nila tungkol sa ID at kagaya kahapon kapag malapit na sila sa kanilang classroom nauuna si Anika at pawang hindi maalis ang mga ngiti sa labi nila. " Good morning Paulo " bati rito ng mga kaklase niya pagkwan dumako ang mata niya sa direksyon ni Anika kung saan nandoon si Ken kaya tumuloy na ito agad namang kumaway rito si Stell habang nakangiti kaya umaliwalas din ang mukha niya pero bumagsak ito sa floor ng makita niya ang babaeng nasa likuran ni Stell habang nakahalukipkip ritong nakatingin. " KAYA NAMAN PALA PARA AKONG LALAGNATIN NONG PUMASOK AKO " bulong pa nito at tumayo agad nang mapansin nito ang tawanan ng mga kaklase niya sa nangyari sa kaniya. " Ganon ba talaga ang epekto ni Carol sayo at nawawalan ka ng lakas pagnakita mo siya " pang-aasar rito nila Ken mabilis naman siyang umupo at hindi yon pinansin. " Ken kung nandito ka para mang-asar umalis ka na lang " naaasar ritong sabi ni Anika. " Sorry na binibini ko " ngiti niya rito " syempre nandito ako para makita ka " titig niya rito. " Dre okay ka lang? " ani Stell habang nakikita ang mga pawis nito. " Oo, medyo nilalamig lang ako " alanganin pa nitong ngiti. " E bakit ka pinagpapawisan? " pagpunas pa rito ni Stell at ganon na lang ang gulat nitong si Paulo ng sipain ni Carol ang upuan niya kaya agad itong na napatayo. " Ano na naman yon? " naaasar niyang lingon rito pero ni pagtingin hindi ginawa nitong si Carol at napalingon siya kay Stell ng hilain siya nitong paupo habang nakatingin sa teacher nilang pumasok at pinapanood nito kanina ang pagpunas ni Stell rito ng pawis na akala mo mga bakla. " Good morning class " sabi agad nito ng maupo si Paulo at lumabas sina Ken pagkwan nasundan pa siya ng nasundan ng ilang teacher " good morning class, ako ang substitute teacher niyo sa ethics " sabi agad ng last period nila sa umaga at mabilis nitong inumpisahan ang lecture. At nagsimulang magtanong at ganon na lang ang kaba ng lahat dahil subrang strict nito pagkatapus niyang patayohin ang mga hindi nakasagot. " Okay who can help them? " tanong nito " ang sino mang makasagot sa tanong then makakaupo na sila " pag-upo nito agad namang nagtaas ng kamay si Anika kaya naka-upo silang lahat at nagtanong ulit ang teacher at isa si Justin sa nakatayo kaya agad sumagot si Josh para makaupo ito. " those who have already called whither tama ang sagot niyo or Hindi you've your points and hindi na kayo puweding sumagot, give chance to others " ganon naman ang ngiti ng mga nakasagot na. " Okay next question " pagtingin nito sa kanila isa isa " Miss at the back what's your name? " turo nito kay Carol new teacher ito kaya Hindi siya kilala. " Carol Santos " pagtayo nito kaya ganon na lang ang pag-aalala ni Stell " Okay Miss Santos here's your question "pagtatanong ng teacher at dahil wala naman siyang alam dahil hindi siya pumapasok kaya ito nakatyo siya gusto sana itong tulongan nila Josh pero nakasagot na siya. " Dre tulongan natin siya " bulong ni Stell kay Paulo " Daliii na matalino ka naman e " pangungulit rito ni Stell. " Hayaan mo siya uupo din naman yan kahit hindi siya paupoin " ani Paulo kaya kumalma na din si Stell pero ilang minuto na pero hindi pa rin siya umuupo kaya ganon na lang ang pagtataka ng lahat. " May sakit ba si Carol? " ani Rohan. " bakit naman ata ang weird niya? " bulongan pa nila Hindi kasi umuubra sa kaniya ang mga ganitong ugali ng mga teacher kaya ganon na lang ang pagtataka ng lahat.. " Yes, anyone? " tanong pa ng teacher pagkwan napatingin si Paulo sa pagtayo ni Stell. " Ma'am ako po! " confident pa nitong sabi. " Okay " ngiti rito ng teacher pero ganon na lang ang inis niya ng hindi makapagsalita si Stell. " Pinagluluko mo ba ako?! " naaasar niyang tanong rito pero hindi na umimik itong si Stell at ngumiti kay Carol. " Hindi man kita mapaupo sasamahan na lang kita " masaya pang pag-iisip nito. " Wala ba talagang nakakaalam? " tanong pa ng teacher nakatingin naman ang ilan kay Paulo pero tahimik lang itong nakatingin sa harapan, Isa kasi siya sa matalino sa loob ng klase nila. Pagkwan pinalitan ng teacher ang tanong. " Ma'am can I answer again? " pagtayo ni Josh pero nireject ito ng teacher. " give chance to others okay? " mataray nitong sabi pagkwan nilingon ni Paulo itong si Stell at namamanhid na nga ito sa katatayo kaya tumayo na rin siya at sumagot. " Okay very good Mr. Nase " masayang sabi ng teacher kaya nakaupo na din sila at natapus ang klase. Pagkwan lumingon si Stell kay Carol ng matapus ang klase nila at napalunok siya ng makitang ang sama ng tingin nito ganon din si Paulo ng masulyapan Ito pagkwan naglakad na ito palabas. " Ikaw kasi Dre antagal mong sumagot " pagligpit ni Stell sa gamit nito. " Ano namang kinalaman ko sa pagkakatayo niya at saka hindi ko naman kasalanan kung hindi siya nakasagot " pagsuot ni Paulo sa bag niya. " Alam mo sa tingin ko ginagantihan mo siya dahil sa mga ginawa niya sayo pero Dre mabait talaga si Carol " akbay pa rito ni Stell. " Kaya ba tumayo ka rin ng kusa? " Ani Paulo. " Hindi ko siya matulongan kaya sasamahan ko na lang " pagngiti nito. " Buang! Sa tingin ko gusto lang tumayo ng Carol na yon sus! ayaw kaya nong inuutosan pero kanina nakita mo naman hindi man lang siya nagsalita kaya ikaw ang kawawa damang dama mo ang parusa e siya kagustohan niya yon " Mahabang sabi nitong si Paulo. " Sa tingin mo? Kaya naman pala hindi ka agad sumagot " tumahimik naman si Paulo sa sinabi niya pagkwan pumunta na din silang canteen. " Dre pakilagay muna sa bag mo sayang kung itatapon e " paglalagay ni Stell sa burger sa bag nitong si Paulo pagkatapus niyang iwan ang bag niya. " Wala na ba kayong pambili ng pagkain para iuwi Ang pagkain dito sa canteen? " ani Ken habang nasa iisang mesa sila. " Ang sabi niya sayang, hindi walang pambili " sarcastic na sabi ni Justin pero agad rin siyang pumiyok ng masama ritong lumingon si Ken. " Mauna na ako " pagpapaalam ni Paulo tapus na kasi itong kumain at nagtungo ito sa may banyo pagkwn lumabas na din siya at naglakad papunta sa classroom. " MINSAN NA NGA LANG MAGING MABAIT NAPARUSAHAN PA AKO TSK! KAYA AYAW KONG MAGING MABAIT EH! " sumilip naman si Paulo sa tambayan ni Carol pagkatapus niyang marinig kung saan nadaanan niya ito. " Kapag nag-aral ka ng maayos yon ang totoong mabait at kung pag-aaralan mo ang mga lesson natin hindi ka mapaparusahan " pagtabi niya rito. " tsk! Sino ka naman para sabihan ako? " masama niyang tingin rito. " Dapat ginamit mo yang tapang mo kanina para hindi ka nakatayo " ani Paulo. " e kung putolin ko kaya ang mga tuhod mo ng hindi kana makatayo? " agad namang umawat rito si Paulo " tsk! Tuwang tuwa ka nga sa pagkakatayo ko kanina tsssst! E kung baliktarin kaya natin Hindi na din kita patayuin? " napalunok naman itong si Paulo. " Hoy po! Puwedi kitang kasohan diyan sa iniisip mo ah " paglayo niya rito ng upo " At saka hindi naman ako ang nag-utos na tumayo kayo " kinakabahan pa nitong sabi. " Manahimik ka na nga lang mas nagugutom ako sayo e " Naaasar nitong sabi kaya agad kinuha ni Paulo ang nilagay na pagkain ni Stell sa bag niya sa sinabi nito. " Walang lason yan___ " natahimik ito pagkatapus kunin ni Carol ang pagkain ng walang alanganin. " Kapag namatay naman ako mumultohin din kita " pagkain nito. " Alam mo hindi ko maisip kung bakit ka pumapasok hindi ka naman nag-aaral tas nagpapakamatay ka pa sa katatambay rito bakit ayaw mong magtungo sa canteen? " tanong nito. " DAHIL AYAW KO AT SAKA NAGUGUTOM LANG NAMAN AKO KAPAG HINDI SI LOLA ANG KASAMA KO, E PALAGI NAMAN AKONG PINAGHAHANDA NG BAON NON NOH " Parang bata pa nitong sabi at tumahimik itong si Paulo pagkatapus maramdaman ang lungkot sa mga sinabi niya. " Si Lola palagi kang tinatanong saakin e dahil puro p*******t ang ginagawa mo saakin at hindi kita makita rito sa campus kaya wala akong makuwento " pagkukwento nito hindi naman umimik pa itong si Carol. " Sige, mauuna na akong pumasok " ani Paulo at tumayo " tsk! Hindi ko pa nakakalimotan ang mga ginawa mo nong isang araw! " pagtalikod nito para umalis. " TUBIG!!! " napalingon naman siya sa pagsasalita nito " Magbibigay ka ng pagkain pero walang tubig? " dugtong pa nito na parang hindi narinig ang sinabi nito. " Kailangan pala kapag nagbigay kompleto? " paghalukipkip rito ni Paulo habang nakatingin sa kaniya ng sarcastic pagkwan nagkunwari itong nabilaukan kaya agad nataranta itong si Paulo. " Te-teka!! Sandali kukuha lang ako!!! " pagkaripas nito ng takbo. " tsk! Ang dali niyang lukohin " bulong nito at pagkailang minuto dumating ito pero wala na rito si Carol. " ANG CARRRRRROL NA YON!!! " naaasar nitong pag-alis at nagtungong classroom nakasabay naman niya pabalik sa daan ang ilan sa mga kaklase niya at sina Stell. " Akala ko ba nauna ka? " ani Stell. " May ginawa ako kanina " ngiti nito napaatras naman si Josh ng makasalubong nila si Andy sa may pinto na magtatapon ng papel at si Anika, Rohan, at Carol lang ang nasa loob. " Andito na pala si Carol " mahinang sabi ni Stell at nagsipasok na din ang lahat at naupo pagkwan kinuha ni Stell ang bag niyang nakapatong sa upuan niya para maupo at natigilan siya ng may card ritong nahulog. " Ano 'toh? " pagtingin niya rito " LOVE LETTER?! " Napatingin naman ang lahat sa medyo malakas niyang pagsasalita maging si Carol. " Well kanino naman ito? " pag-upo niya at binuksan niya pero agad niya itong tiniklop ng para ito kay Paulo ng mabasa niya. " Iwan ko bakit sa bag ko nakalagay pero para sayo Dre " nagtataka naman niya itong tiningnan at may ilang lumapit sa kaniya para makisilip. " mga tsismoso 'toh " ani Stell kaya tinago rin ni Paulo ng mabasa ang laman nito pagkwan mariing nakatingin si Josh kay Anika at Carol at pawang Hindi mabasa ang mga mukha nila. At hangga't sa natapus ang klase hindi maalis sa isipan ni Paulo ang love letter pagkatapus niya itong mabasa. " May nagbigay saakin ng love letter at gusto niya akong makausap tungkol sa nararamdaman niya saakin at Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nagkita kami " pagsusulat nito sa diary niya " Kanina, Hindi ko talaga alam ang sagot kaya Hindi ako sumagot " sulat pa nito " Yong totoo gusto kong magalit kay Carol dahil napaka pasaway niya pero hindi ko alam kapag kausap ko siya parang ang daming nakatagong lungkot sa matatapang niyang mata at nilalamon nito ang pagkatao ni Carol kaya siguro ganon ang ugali niya " pagsusulat nito tsaka nahiga at tuloyang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD