Kabanata 17

4251 Words
BINUKSAN na rin Carol ang pinto pagkatapos nang hindi mabilang ritong katok ng katulong. " Ma'am sorry po pero kakain na daw po kayo " natatakot ritong bungad ng katulong tahimik naman niyang isinara ang pinto at pumunta sa kinaroroonan ng pamilya niya. " NAKAKAINIS ANG TIGAS NG ULO NIYA TSK! AKALA MO NAMAN TOTOONG ANAK PARA MAGPAKATOK NANG ILANG BESES " dinig niyang sabi ng katulong na gumising sa kaniya. " Tama ka " usapan pa nila ng kasama niya nang mahina " si ma'am Anika nga at Sir Josh mas nauuna pang gumising saatin pero siya kung umasta akala mo siya ang amo natin " bulongan pa nang mga katulong. " Kung sa bagay hindi naman siya totoong Santos kaya natural lang na naiiba siya ng ugali " usapan pa ng mga ito habang sumusunod sa kaniya at binibigyan nila nang malaking distansya para mapag-usapan nila pero tama na ang pandinig niya para marinig yon. " Iwan ko ba bakit pa yan dinala ni Sir rito " usapan pa ng mga ito. " Tsssst! Nilandi ng mama niya si Sir____ " Ganon na lang ang paglaki ng mata ng katulong sa takot nang bigla itong hilahin ni Carol dahilan para matigil ito magsalita. " GUSTO MONG MAWALAN NANG BIBIG?! " pagtaas nito sa kamao niya para suntokin ito habang nanlilisik ang mata niya. " ba-bakit po-po? " nauutal ritong tanong ng katulong sa takot. " wag mo nga akong tingnan na akala mo sinaktan na kita!!!! " titig niya rito at kikilabotan ka sa sobrang lamig ng boses niya. " Carol ano bang ginagawa mo!!! " takbo rito ng mama niya pagkatapus makita ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ng damit ng babae " Bitawan mo siya! " pagpalo ng mama niya sa kamay nito dahilan para bitawan niya ito takot na takot namang umatras ang katulong at nagdrama habang umiiyak. " Ano bang nangyari? " titig nito kay Carol pero tahimik lang ito na halatang naiinis. " E ma'am pinuntahan ko po kasi siya pagkatapos niyo akong utosan na puntahan siya para sumabay sainyo mag-almusal pero mukhang nainis po siya " drama ng katulong habang nakayakap rito ang kasama niya. " Totoo ba yon Carol? " tanong pa rito ng mama niya pero tahimik lang itong naglakad na para bang walang narinig. " Makinig ka ikaw ang may gusto nito kaya kailangan mong panindigan! " pagsunod rito ng mama niya. " Oo na desisyon kong sumabay sainyo kumain, pakisamahan kayo, at sundin ang mga gusto mo! " malakas nitong sabi sa mga kondisyon nang mama niya habang naglalakad kaya hindi na rin nagawang magsalita ng mama niya pagkatapus maramdaman ang inis nito at gaya nang inaasahan nakatingin na naman sa direksyon nila ang lahat pagkatapus marinig ang pagtatalo nila. " Ang aga naman po para magtalo " sabi nitong si Anika nang maupo ang dalawa " Dali na Mommy, daddy kumain na po tayo " minsan kasi tumatawag na tita si Anika pero madalas mommy talaga. " Kuya dali na bigyan mo kami ni Carol ng pagkain " tingin rito ni Anika nasa gitna kasi nila ito. " Sige " paghahanda niya sa dalawa at nagsimula na silang kumain pero hindi sila makakain ng maayos sa tuwing nasusulyapan nila si Carol habang mataman lang itong nakatingin sa pagkain. " Ayaw mo ba sa pagkain? " tanong rito ni Josh pagkwan linagok nito ang isang basong tubig. " tapos na ako! " pagtayo nito pero natigilan siya ng paloin ng mama niya ang mesa. " TALAGA BANG SINUSUBOKAN MO AKO?! BAKA NAKAKALIMOTAN MO ANG MGA NAPAG-USAPAN NATIN?! " sigaw rito ng mama niya. " Kaya nga ako aalis dahil gagawin ko yon " natigilan naman ang mama niya " gagawa ako ng assignment para gawin ang una mong kondisyon total nagawa ko naman ang pangalawa " pag-alis nito at tuloyan namang natahimik ang mama niya sa sinabi nito. " talaga po bang gagawa ng assignment yon? " tanong pa ni Anika pero tahimik lang ang mga ito habang si Josh iniisip ang mga sinabi ni Carol at nakatingin sa mama nitong pilit na ngumingiti. " Naku! mas mabuti pang kumain na tayo pasensya na kung pati kayo nadadamay kay Carol " mahina nitong sabi at bahagyang ngumiti habang nakikita sa mga mata niya ang lungkot. " Ano kayang mga napag-usapan nila ni Carol? Ano yong tinutukoy niyang kondesyon? " pagmamasdan rito ni Josh at pagkatapus nang ilang oras pumasok na din ang daddy nila sa trabaho. JOSH POV " mommy mag shopping po tayo ngayon " pangungulit nitong si Anika kay tita hindi ko alam pero mas komportable akong tawagin siyang tita siguro dahil imposibleng magkaroon siya nang tatlong anak na kasing lalaki namin mas bata si tita kay daddy o sa totoo naming mommy kaya hindi talaga ako komportableng tawagin siyang mommy. " Sige na tita tas subokan niyo pong isama si Carol " pagtabi pa rito ni Anika kaya ito nadadamay na din ako habang nagbabasa tumabi kasi saakin ng upo si tita. " Sige na magbihis kana at susubokan kong kausapin si Carol kahit imposibleng sumama siya " nangislap naman ang mata nitong kapatid ko. " Kapag sinabi niyo ang napag usapan niyo paniguradong mapipilitan siyang sumama " masaya pa nitong sabi saka umalis " kung ganon alam niya ang tungkol sa napag-usapan nila ni Carol? " pag-iisip ko habang nakatingin kay tita at dahil hindi naman siguro masama kung aalamin ko yon kaya agad kong isinara ang binabasa ko. " Tita puwedi po ba akong magtanong? " pagsisimula ko. " Ano yon? " lingon nito saakin at yong totoo napakaganda ng mga mata niya lalo na kapag ngumingiti magkapareho kasi sila ni Carol ng mata pero hindi ko pa nakikitang ngumiti yon panigurado kasing ganda rin nang mga ngiti ni tita. " Ano po bang napag-usapan niyo ni Carol at saka paano pong nakikinig na siya sainyo e dati kahit gibain ang kwarto niya hindi talaga yon sasabay saatin kumain " sabi ko rito kahit tubig lang naman talaga ang ginalaw niya sa nakahanda sa mesa kanina. " sa totoo niyan hindi ko maitindihan ano bang dahilan bakit ayaw na ayaw niyang sumasabay saatin " malungkot nitong sabi pagkwan kinuwento nito ang mga napag-usapan nila. " Kung ganon aalis na naman siya rito? " pagtingin ko rito " Pero Tita hindi ba't mas maganda kung nandito siya? Paano siya mapapalapit saatin kung lalayo siya saatin at saka akala ko po ba kaya niyo pinagbawalan pumunta sa Lola niya e dahil gusto niyong makita niya kung bakit kailangan niyang tanggapin ang buhay niya rito? " mahaba ko ritong sabi paniguradong malabo na kaming magkita kung uuwi siya sa Lola niya. " Ayaw kong tuloyan niyang pabayaan ang pag-aaral niya, ang sarili niya " mahina nitong sabi " Kaya kahit ayaw ko kailangan kong gawin dahil siya lang ang nag-iisa kong Carol at saka dadalaw naman siya rito " pagngiti nito pero nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot. " O sige na kakausapin ko siya baka mapilit naming sumama saamin ni Anika " pagtayo nito at nagtawag ng katulong. " Magmadali kang maghanda ng pagkain ni Carol at dalhin mo saakin " utos nito sa kasambahay. " Mukhang tatahimik na naman itong buong bahay " pagbuklat ko sa libro at nagbasang muli. SAMANTALA ilang minuto nang nagtititigan si Carol at nang assignment niya. " SABIHIN MO SAAN KO MALALAMAN ANG SAGOT? " pagkausap niya pa rito " Hindi, malalaman mo din Carol! ang sabi ng nabasa ko kailangan ko lang basahin ng maayos ang tanong, itindihin ng maayos, at malalaman ko na ang sagot " pagkalma nito pagkatapus maalala ang mga search niya on Google sa kung ano ang tamang pagsagot ng assignment. " KAYA LANG HINDI KO NA MABILANG ILANG BESES KONG BINASA ANG DIRECTION PERO WALA PA RIN AKONG MAITINDIHAN NAKAKAINIS NAMAN " pagbagsak nito sa ulo niya sa study table niya " Pakiramdam ko ulo lang mayron ako at wala talagang utak! " paghawak nito sa noo niya pagkatapus masaktan at hindi lang unang beses niya itong ginawa. At napalingon ito sa may pinto ng may kumatok rito saka nagbukas. " Kuwarto ko pa ba ito o sainyo? " pagharap nito sa mama niya " Wala naman akong sinabing pumasok ka " Masungit nitong sabi. " Kung hinintay ko ba yon sasabihin mo din? " paglapag nito sa pagkain ng dalaga " Kumain kana ang payat payat mo na " paghawak niya rito sa braso. " tumigil nga kayo " pag-iwas nito sa mama niya pero ngumiti lang ito rito habang masaya niya itong pinagmamasdan. " Ano na naman ba ang kailangan niyo? " pagpunta nito sa pagkain at naghandang kumain. " Wala naman, kumain ka na lang muna " pag-upo ng mama niya at pinagmasdan ito. Ganito talaga ang relasyon nila madalas magtalo pareho kasi nilang hindi maitindihan ang isa't isa pero ang relasyon nila bilang Ina at anak ay nananatili. " e ano ba yon? " tanong nito habang kumakain. " Kapag sinabi ko paniguradong titigil siyang kumain at maiinis na naman " natutuwa nitong pag-iisip habang pinapanood ito. " Pasensya na mama pero kailangan kong mag-aral kaya kung ano mang iniisip niyo huwag niyo nang ituloy " sabi nito pagkatapus hulaan ang pagpunta ng mama niya sa kwarto nito palagi kasi siyang niyaya nitong lumabas o makabonding. " Mabilis lang naman tayo " agad natahimik itong mama niya nang ilapag nito ang kutsara niya. " Busog na ako " pag-inom nito, mabilis namang nagpunta rito ang mama niya sa sinabi niya. " Te-teka hindi mo naman kailangan tumigil kumain kung ayaw mong sumama edi sige pero pakiusap kumain ka, ubosin mo ang pagkain mo " agad namang napatingin ang mama niya sa plato nito ng tingnan nito ang tinutukoy niyang ubosin niya. " Sa-sandali ubos na? " Hindi pa nito makapaniwalang tanong. " Gaya ng sabi ko gagawin ko ang mga kondisyon niyo kaya kailangan niyo din tuparin ang kahilingan ko " pag-upo nito sa study table niya " sige po mag-aaral na po ako, mag-enjoy kayo! " Hindi naman napigilang mapangiti ng mama niya sa mga sinabi nito at sa pagpoporsige nitong mag-aral. " Sige kung yan ang gusto mo " ngiti nito " Sandali kanina ka pa nandito baka puwedi kong makita ang mga natapus mo na? " paglapit nito mabilis namang tiniklop ni Carol ang notebook niya. " Puwedi ba Ma? umalis na kayo ginugulo niyo ako eh! " naaasar nitong sabi " Sige na po kailangan ko pang sagotan ang iba " Pagtakip niya rito kaya agad nabasa ng mama niya ang pagsusungit nito kaya ganon na lang ang tawa niya. " Nang aasar ba kayo? " masama niyang lingon rito. " Pasensya na " pagkuha nito sa mga pinagkainan nito " Para sa tulad niyang pagtulog lang ang alam hindi nakakapagtakang wala siyang alam kaya paniguradong mahihirapan siya " pasulyap ritong tingin ng mama niya at palihim itong napangiti nang makita niyang namumroblema ito habang nakatingin sa papel niya at gaya ng inaasahan wala ngang nakasulat rito. " Siguro hindi masamang humingi ka nang tulong kay Josh " agad naman siyang lumingon sa mama niyang naglakad palabas. " At sino bang nagsabing kailangan ko ng tulong?! " pagtayo nito " Lumabas na nga po kayo ginugulo niyo pag-aaral ko " pagbubukas nito sa may pinto. " Humingi ka nang tulong sa kanila para hindi kana mamroblema " sabi pa nito. " tumigil na nga lang po kayo! Kaya ko naman sagotan e!!! " malakas nitong sabi pagkwan naglakad na din ang mama niya at natigilan ito sa pagsara sa pinto ng marinig niya ang mga katulong. " ANO BANG MASAMA KUNG HIHINGI SIYA NANG TULONG KAY SIR JOSH? TSSST! ANONG GUSTO NIYA SI SIR PA ANG LUMAPIT SA KANIYA AT TULONGAN SIYA? " " tsk! pacenter of attraction dito sa bahay e yong totoo sampid lang naman rito " " Nakakainis talaga siya, siguro kung hindi siya naging anak ni ma'am edi wala siya rito at tahimik itong buong bahay " bulongan ng mga ito, tahimik naman niyang isinara ang pinto at naupo sa study table niya at kinuha ang barya niyang nakapatong rito. " KAYA KO! " pagtapon niya rito saka sinalo at hinulaan kung anong lalabas rito at kasabay ng pagbukas niya sa mga palad niya pumatak sa mga barya ang luhang namuo sa mga mata niya. " tsk! Pati ikaw ayaw mong maniwalang kaya ko " ngiti nito habang dumadaloy ang mga luha sa pisngi niya " Nakakainis naman " tawa pa niya habang kumakawala ang mga luha sa mata niya pagkwan pinaandar nito ang music at pinatay ang mga ilaw tsaka naupo sa may sulok at doon nag-tago pero natigilan ito nang tumunog ang phone niya. " Totoo bang dito kana titira Apo? Yong sinabi mo saakin noon ay totoo yon? " tanong agad rito ng Lola niya sa kabilang linya mga ilang segundo naman bago siya nakasagot pagkatapus pigilan ang mga luha niya para itago ang nararamdaman niya. " Opo Lola pero ang hirap naman po dahil kailangan kong mag-aral " naaasar nitong sabi. " Ang ganda naman pala kung ganon " Masaya pa nitong sabi kaya napangiti na lang itong si Carol pagkatapus marinig ang masisigla nitong boses. " Kung ganon hindi na muna kita gugulohin sa pag-aaral mo kaya sige na Apo, paalam na, galingan mo! " sabi nito at pinutol ang linya kaya agad siyang napatingin sa phone niya. " Si Lola talagang pinutolan ako? " Hindi pa niya makapaniwalang tanong pagkwan namutawi sa kaniya ang katahimikan at sumandal ito at pumikit para erelax ang sarili nito. " Carol kaya mo yan " pagtayo nito at pinaandar ang ilaw at nagtungo sa study table niya at pagkalipas ng ilang oras. " *hrrk *hrrrk " manga hilik nito at nagising ito pagkatapos niyang tumihaya at bumagsak sila ng upuan niya sa may floor. " aray natutulog yong tao e " pagmamaktol nito at mabilis siyang tumingin sa relo niya ng maalala niya ang assignment niya " Pambihira talaga bang matatapos ang oras na ito ng pagtititigan lang ang nangyayari saamin ng mga assignment ko? Minsan nakakatamad na rin maging bobo " pagpunas nito sa bibig niya pagkatapus niyang maglaway. " Nauuhaw ako " paglabas nito at nagtungo sa kusina para uminom at natigilan ito sa pagbalik sa kwarto niya nang may marinig siyang tao sa may sala pagkwan marahan siyang nagtungo para tingnan kung sino itong mga naririnig niya. " Kung ganon yon pala ang hinihingi niya? " Ani Justin kay Josh habang gumagawa sila ng assignment. " Kung ganon nandito siya? " panonood sa kanila ni Carol pero mabilis itong umayos nang tayo ng makita ito ni Justin. " tapus kana ba sa assignment mo? " tanong agad rito ni Josh nang malingon niya ito " Kung gusto mo puwedi kang sumali sa group study namin " dugtong nito agad gusto namang kumawala ng puso ni Carol sa tuwa sa sinabi nito. " Tama yon, alam mo nandito ako dahil hindi ko masagotan at nagpapatulong ako kay Josh " nakangiti ritong sabi ni Justin kaya ganon na lang ang pag-aliwalas ng mukha niya. " Halika na " ngiti pa rito ni Josh habang si Justin kumakaway. " WALA NAMAN SIGURONG MASAMA KUNG SUMALI AKO SA KANILA TOTAL NAGPAPATULONG DIN NAMAN SI DE DIOS " tingin nito kay Justin pero natigilan ito ng makita niya ang tingin sa kaniya ng ilang katulong " ANO BANG MASAMA KUNG HIHINGI SIYA NG TULONG KAY SIR JOSH TSSST! ANONG GUSTO NIYA SI SIR PA ANG LUMAPIT SA KANIYA AT TULONGAN SIYA? " agad namang naalis ang maaliwalas niyang mata sa mga naisip niya. " TSK! SINO BANG NAGSABING KAILANGAN KO NANG TULONG?! KAYA KO NAMAN YON SAGOTAN! " masungit nitong sabi saka umalis. " Grabe napaka weird talaga niya biroin mo yon akala ko sasali na siya saatin dahil ang aliwalas ng mukha niya " paghawak ni Justin sa mukha niya habang naka gummy smile " tas sa isang iglap napalitan yon ng masusungit niyang tingin " pagkunot noo nito habang ginagaya si Carol. " Kailan pa ba yon nangailangan ng tuloy e ikaw lang naman itong walang hiya at paulit ulit ritong pumupunta " pagbibiro rito ni Josh at lumingon sa kinatatayuan kanina ni Carol " Ano kayang dahilan at ang bilis nagbago ng awra ng mukha niya? " pag-iisip nito. " GRABE KA NAMAN DRE SINASAKTAM MO AKO " paghawak ni Justin sa puso niya pero hindi Ito napapansin ni josh habang iniisip si Carol. " Sumagot na nga tayo nang makauwi kana " tawa pa nito habang nakasimangot ritong nakatingin si Justin. " NAKAKAINIS SAAN BA AKO PUWEDING HUMINGI NANG TULONG? PANIGURADONG ZERO NA NAMAN AKO AT KAPAG NANGYARI YON HINDI NA MATUTULOY ANG PAGTIRA KO KAY LOLA " pagsasalita nito " Totoo bang dito kana titira Apo? Yong sinabi mo saakin noon ay totoo yon? " pag-alala nito sa masiglang boses ng Lola niya na halatang excited sa muli nilang pagsasama. " e saan ba ako puweding magpatulong? " pag-iisip pa niya pagkwan naisip nito si Paulo " Ang baklang yon? " agad niyang kinagat ang bibig niya nang maisip ang mukha nito " Pero tutulongan ba ako nun? " pag-upo nito pagkwan hinawi niya ang buhok niya " Bahala na nga! " pagkuha nito sa bag niya at nilagay ang notebook at ballpen niya " Nasa lakad si mama kaya hindi niya rin naman malalaman na wala ako rito at saka babalik din naman ako bago siya makabalik kaya sa ngayon kailangan ko lang makalabas ng walang nakakaalam at babalik nang ganon din " pagkwan madali itong lumabas at kumuha ng maraming pagkain. " ITO ANG PLANO NATIN CAROL KAILANGAN MALAMAN NG LAHAT NA KUMUHA TAYO NANG MARAMING PAGKAIN AT DINALA SA KWARTO NATIN PARA SABIHING KUMAIN TAYO PARA WALA NG MAGTANGKANG PUMUNTA SA KWARTO NATIN AT SA GAGAWIN NATIN IISIPIN NILANG LAHAT NA MAG-AARAL TAYO NG SUBRA " pag-iisip nito at malakas na naglalakad kaya halos lahat din lumingon sa kaniya. " Josh bakit parang ang weird ata ni Carol? Kailan pa siya nawili kumain ng marami e diba nagpapakamatay yan sa gutom? " ani Justin kaya napatango na din si Josh habang iniisip kung anong nangyayari kay Carol. " Sandali hindi kaya naglilihi siya? " agad naman ritong lumingon ng masama si Josh kaya agad itong tumawa ng mahina " E kasi diba ang mga buntis mahilig kumain? " dugtong nito ng alanganin habang punapairan nito ang kabobohan niya. " Hindi lahat ng buntis mahilig kumain pero may pinipili silang gusto at saka walang boypren yon " sabi nito agad. " sa bagay pero paano pala kung totoo yong kuwento niya sa pantalon? " makulit pang sabi ni Justin. " Paghindi ka tumigil hindi na tayo sasagot at saka nakuwento ko na sayo ang tungkol doon Hindi ba? " nanahimik naman ito saka ngumiti sa kaniya. Samantala agad naman nilapag ni Carol ang mga kinuha niyang pagkain. " sa ngayon paglabas ko na lang ang problema " pagkwan mabilis nitong binuksan ang cabinet niya at kinuha rito ang uniform ng isang katulong at sinuot ito " Sa wakas magagamit na din kita pero Hindi ko akalaing isusuot kita para sa pag-aaral ko ng mabuti " bulong nito matagal na kasi niyang may mga planong ganito. " At ang pinakahuli, ito!!!! " pagkuha niya sa plastic ng basurahang kinuha niya sa kusina kanina pero malinis ito pagkwan pinanglagay niya ang bag niya at sa isang plastic ilang damit niya para magmukhang basura " sa tingin ko uubra naman ito para makalabas ako " ngiti nito at dahil kilalang siya lang ang may pinaka may mahaba at magandang buhok sa bahay na ito agad niya itong tinali at pinaikot para hindi halata. " Tayo na self at magtapon ng basura " ngiti nito at dumaan ito sa likod para kunti lang ang makakita sa kaniya at napalunok ito ng makita niya ang gate at nakasara ito. Ang gate lang kasi ang puweding daanan at mas mahuhuli siya kung aakyat siya sa pader sa likod dahil may mga CCTV rito. " Sandali Josh katulong ba yon? " tanong agad ni Justin ng makita si Carol habang nakatalikod " Grabe ang weweird talaga nang mga tao sainyo biroin mo tirik na tirik ang araw may nagtatapon ng basura " pag-iling pa nitong si Justin habang pinagmamasdan si Carol na pinahinto nang security guard. " NGAYON KO LANG NAKITA ANG GANYANG PIGURA NG MGA KATULONG RITO " pagmamasdan ni Josh sa katawan ni Carol " BAKA BAGONG HIRED " pagiisip pa niya. " Anong gagawin mo sa labas? " tanong ng security habang tinitingnan ito at dahil nakayuko si Carol hindi niya ito makilala at dahil naka maid uniform naman siya kaya hindi na niya ito pinagsususpensyahan. " Magtatapon ng basura " pagiiba nito sa boses niya. " Nang ganitong oras? " tumango naman siya dahil baka tuloyan na siyang mahuli kung magsasalita pa ito. " o sige pero bilisan mo lang alam mo namang ayaw ni Mr. Santos na labas pasok ang mga katulong " pagbubukas nito sa gate marahan namang tumango si Carol at mabilis na lumabas. " Alam mo yong mga ganong katawan familiar saakin " ani Justin habang tinitingnan ang pinagmamasdan ni Josh " Tama pareho sila ng katawan ni Carol " tuloyan namang nagising si Josh sa sinabi ni Justin nang tuloyan ng makalabas si Carol. " SANDALI SIYA BA YON? " mabilis itong nagtungo sa kwarto ni Carol ng maisip yon " Hindi siya puweding lumabas lalo na't siya lang " bulong pa nito. " NAKU ANG WEIRD NA DIN NI JOSH PANAHON NA SIGURO PARA MAGING WEIRD NA DIN AKO " pagsunod niya rito. " Bakit Sir? " paglapit ng katulong kay Josh ng makita itong nagtungo sa kwarto ni Carol habang hinihingal pagkatapus itong talbohi . " si Carol? " tanong nito agad. " Ah nag-aaral po ang sabi nga niya bawal daw pong gulohin nagdala nga po siya ng maraming pagkain diyan sa loob para hindi na daw po siya maisturbo sa pag-aaral niya " sabi rito ng katulong. " Ganon ba, sige makakaalis kana " agad naman ritong sumunod ang katulong pero dahil hindi siya nakombinse nito kaya marahan niyang binuksan ang kwarto ni Carol pagkatapus niyang kumatok rito. " Siya nga yong umalis " pagpasok nito " Kung ganon niluko niya ang mga katulong gamit ang mga pagkaing ito para makalabas " pag-iling nito habang tinitingnan ang mga pagkaing nasa kama nito pagkwan agad nitong hinawakan ang pinto para lumabas at sundan ito pero natigilan siya sa biglang pumasok sa isip niya " Kung susundan ko siya paniguradong nalayuan na siya kaya huli na din ang lahat at paniguradong malalaman ng lahat kapag sinundan ko siya at pagnangyari yon malalaman ni tita ang pag-alis niya kaya panigurado papagalitan siya nito " pag-iisip nito pagkwan nilingon nito ang loob ng kwarto ni Carol at mabilis siyang nagtungo sa study table niya ng may papel ritong nakapatong. " WAG KANA MAGALIT MAMA UMALIS AKO DAHIL GUSTO KONG MATAPOS ANG ASSIGNMENT KO " pagbasa nito sa sulat kamay ni Carol. " Pasaway talaga sinabi namang sumali saamin " ngiti nito " pero kanino naman siya magpapatulong? " natahimik naman siya ng maisip si Paulo kaya agad na din siyang lumabas. SAMANTALA mga ilang minuto dumating din si Carol at gaya ng madalas mangyari kapag sumasakay siyang sasakyan para itong zombieng naglalakad. " BUWESIT TALAGA KUNG SINONG NAKA IMBENTO NG SASAKYAN! KAINISSS! PUWEDI NAMANG MAGLAKAD NA LANG ANG LAHAT TSK! DAHIL SA SASAKYAN NAKAKAHIYANG MAGLAKAD MAG-ISA! BUWESIT!!! " nagagawa pa nitong magwala habang wala ng lakas habang nahihilo " Lumabas ka na! " sabi nito habang nakahawak sa may poste sa daan habang hinihintay na masuka sa pagkahilo nito " Ayaw lumabas " paglalakad nitong muli habang halos nakalagay sa harapan niya ang buhok nito kaya yong mga nakakasalubong niyang iilan akala mo si Sadaku ang nakakasalubong nila sa takot ng tingin nila rito habang naglalakad ito ng parang zombie. " assignment... Assignment " paulit ulit nitong sabi pagkwan dumating din ito sa bahay nang kapitbahay nitong si Paulo. " Carol ikaw ba yan?!!! " paghawi ni Aling Lusin sa buhok nito pagkatapus niyang buksan ang maliit nilang gate at bumungad rito si Carol habang nakatayo rito. " Magandang tanghali Aling Lusin " tingin niya rito nang akala mo nakailang case ng beer sa mukha nito na akala mo nakipag inuman kaya naman ganon na lang ang paglunok nitong si Lusin sa takot at pagtataka sa kung ano bang nangyari rito habang nakauniform ng pangkatulong at nakapantalon pagkatapos niya itong suitin sa daan pabistida kasi ang uniform nang mga maids nila at dahil hindi ito sanay magsuot nang papalda kaya nagpantalon ito sa daan. " si Jampawlo? " tanong pa niya. " Huh? " nagtataka nitong tingin rito sa tinanong niyang pangalan " Sandali lasing ka ba? Sinong Jampawlo? Wala akong kilala, naka inom ka ba talaga? Ang aga pa para uminom pero hindi ka naman amoy alak " pag-amoy niya pa rito. " Yong alaga niyo pong hotdog? " sandali namang nagloading si Aling Lusin pero mayamaya naisip niya din itong tinutukoy niya. " Naku wala dito ang alaga ko may binili pero babalik din yon agad " sabi nito agad " Sandali okay ka lang ba? " tanong niya pa rito. " Sige po " pag-alis nito at nagtungo sa bahay ng Lola niya habang hinihintay ang pagdating ni Paulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD