Chapter 8.1

1909 Words
Lumipas ang mahigit isang linggo na nagpagaling si Lyra sa natamo niyang sugat. Agad naman iyong naghilom at hindi na naka-bandage pa, siyempre dahil iyon sa mahusay at walang sawang pag-aalaga ng asawa niyang si Marco. Nag-file na nga ng leave si Marco para maalagaan nang mabuti si Lyra. Si Marco na ang gumagawa ng mga gawaing-bahay at hindi hinahayaang magtrabaho si Lyra. Siya na rin ang nagdi-dressing at nagba-bondage sa sugat nito sa nakalipas na mga araaw. Nagagalaw na nang maayos ni Lyra ang kaniyang braso at balikat kaya naman nagyaya na sa asawa niyang pumunta ng talon. Madalas din nilang mag-asawang pinapasyalan 'yon. Kahit ayaw sana ni Marco kasi hindi pa talagang tuluyang naghihilom ang sugat nito, sa huli napapayag din siya kasi 'di rin niya magawang matanggihan ito. Gusto rin sumama ng dalawang bata dahil walang pasok sila ngayon. Itong araw na kasi ang simula ng piyesta sa Isla nila. Tatlong araw na pinagdiriwang ang piesta sa Isla, at sa loob ng tatlong araw na 'yon, wala rin pasok. Siyempre, gustong-gusto rin ni Lyra isama ang dalawang bata, naisip nga niyang pati sina Nanay Minda at Tatay Fred ay isama na rin. Kung si Marco naman ang masusunod, gusto niyang silang dalawa lang ni Lyra ang pumunta sa talon para naman masolo niya ang asawa. Kahit na araw-araw na silang magkasama, iba pa rin 'yong pupunta nang sila lang dalawa sa talon. Espesyal din kasi ang talon na 'yon sa kanilang dalawa ni Lyra. Pero dahil nakiusap si Lyra na pumunta na silang lahat, wala na siyang nagawa kundi pumayag na naman. Wala, e, talagang marupok siya pagdating sa asawa niya. Dala-dala ang basket na may lamang pagkain habang hawak-hawak ang kamay ng asawa niya, si Marco ay pasipol-sipol na binabagtas ang daan papuntang talon. Nasa unahan naman nila ang dalawang bata at ang matandang mag-asawa. Biglang huminto naman si Tin-tin. "Kuya Marco, buhat mo ako. Sakit na po kasi paa ko," sabi nito sa malambing na boses habang hinihila ang mahabang shorts ng kuya niya. "Ako na lang magbubuhat sa 'yo, anak," pagboboluntaryo naman ni Tatay Fred. "Ayaw, gusto ko Kuya Marco lang," giit pa ng bata nang nakatingin kay Marco na tila nagsusumamo. Para kay Marco, parang si Tin-tin ay mini version lang ni Lyra, hindi niya rin kayang matiiis kaya kahit ayaw sana niyang bitawan ang kamay ni Lyra ay ginawa niya pa rin sa huli. Binuhat na niya si Tin-tin na siya namang kinatuwa ng bata. Pagkabitiw ni Marco kay Lyra, aga-agad namang inabot ni Totoy ang kamay nito at siya naman ang humawak. Ngumiti naman si Lyra habang napailing naman si Marco. Para-paraan din itong mga bata na ‘to. Nang nakarating na sila sa talon, nilatag ni Marco ang dala nilang tela sa may damuhan at nilagay ro’n ang basket. Iniisa-isang kunin nina Nanay Minda at Lyra ang baon nilang nasa loob ng basket habang nakaupo sa tela. Nag-uunahang tumakbo ang dalawang bata papunta sa talon habang tumtiili na parang mga ibon na nakalabas sa hawla. Biglang napasunod sa kanila si Marco. Si Totoy lang kasi ang marunong lumangoy sa dalawa. Naisip ni Marco na mas mabuti na ‘yong nakabantay siya sa kanila para maiwasan ang anumang aksidente. Akmang kukuha ng chicharon si Tatay Fred nang tinampal ni Nanay Minda ang kamay nito. Bawal kasi ‘yong chicharon dahil baka tumaas daw ang altapresyon nito lalo na’t may highblood ito. Habang nagtatalo ang dalawang matanda, nakatingin naman si Lyra sa tatlo na nasa talon. Lumalangoy na sina Tin-tin at Totoy pero sa mababaw lang habang nakaupo sa kabatuhan si Marco at pinagmamasdan ang dalawa. Parang musika sa pandinig ni Lyra ang mga malulutong na paghalakhak ng dalawang bata. “Kuya Marco, ligo ka na,” yaya ni Tin-tin sa matinis na boses. “Mamaya na.” sabi naman ni Marco. Bigla namang napatili si Tin-tin nang may naramdaman na may humawak sa paa niya. Si Totoy pala ‘yon na sumisid sa ilalim ng tubig. Pagkaahon nito ay agad naman siyang tinapunan ng tubig ni Tin-tin. Gumanti naman si Totoy pero tumigil ito nang may naisip. Lumapit siya kay Tin-tin at may binulong. Parehong tumingin ang dalawang bata kay Marco habang nakangisi. Sa mga hitsura nito, alam na ni Marco na may hindi magandang balak itong dalawa sa kaniya. Bago pa niya maiisip kung ano ‘yon, binasa na siya ng tubig ng dalawang bata habang nagtatawanan. Tumayo na si Marco at hinubad ang suot niyang damit bago lumusong sa tubig. Kaniya-kaniya namang lumangoy nang palayo ang mga bata mula kay Marco, pero nahuli rin niya sila. Una niyang nayakap si Tin-tin na nagpupumiglas pero tawa nang tawa, si Totoy naman ay sinakyan ang likod ni Marco habang nakapalupot ang mga kamay niya sa leeg nito. Lumipas pa ang ilang sandali at umahon na ‘yong tatlo. Nagsitakbuhan na naman ‘yong dalawang bata papunta kina Lyra habang nakasunod lang sa likod si Marco. Diretso silang kumain no'ng puto at suman. Binalatan muna ni Lyra ang suman baga binigay sa mga bata. Nang bumaling si Lyra para yayain si Marco para kumain, natulala naman siya dahil diretso ang mga mata niya sa katawan nito. Wala na man itong abs katulad noon at medyo malaki na ang tiyan nito, pero 'yong malapad nitong balikat at mga naglalakihang braso na matipuno pa rin ang nagpalunok ng laway ni Lyra nang wala sa oras. Hindi maiwasang mapangiti si Marco nang makita ang reaksiyon ng asawa niya. Yumuko nang bahagya si Marco para magpantay ang mukha nila. "May tumulong laway, mahal," anas niya sabay haplos sa gilid ng mga labi nito na kunwaring nagpapahid ng laway nito. Medyo natauhan naman si Lyra at agad na bumawi ng tingin at bumaling sa mga bata. Medyo nakahinga siya nang maluwag nang makitang abala sa pagkain ang dalawa. Hinawakan ni Marco ang baba ng asawa para tumingin ito ulit sa kaniya. "Tara na maligo," sabi niya. Bago pa makasagot si Lyra, binuhat na siya ni Marco na parang bagong kasal sila. Awtomatikong pumulupot ang mga kamay ni Lyra sa leeg ni Marco. Medyo napatili pa nga si Lyra dahil sa biglaan nitong pagbuhat sa kaniya. Dinig na dinig naman niya ang kantiyaw na pagsigaw ng dalawang bata habang papunta na sila sa talon. Pinalo ni Lyra si Marco sa balikat. "Nakakahiya sa mga magulang mo," sabi niya nang medyo namumula ang mga pisngi. "Kinikilig din ang mga 'yon," sabi ni Marco sabay nakaw ng halik sa mga labi ng asawa. Nakatalikod naman sila kaya hindi kita ng dalawang bata. Kahit mabilis na halik lang 'yon, may hatid na kakaibang kiliti iyon kay Lyra. 'Yong tipong kiliti na umaabot hanggang sa kaibuturan niya. Nang nasa tubig na sila at umabot hanggang baywang na, karga-karga pa rin ni Marco si Lyra. "Ibaba mo na ako, mahal," sabi ni Lyra nang mapagtanto kung saan siya dadalhin ng asawa. Sinunod naman siya ni Marco. "Do'n tayo, mahal," sabi ni Marco habang tinuturo ang pareho nilang paboritong lugar dito sa talon. Sa likod ng nagbabagsakang tubig mula sa talon, naroon ang may maliit na guwang. Magkasamang nilangoy papunta roon nina Lyra at Marco ang kumikinang na kulay asul na tubig dahil sa tumatamang liwanag rito mula sa sikat ng araw. Sa sobrang linaw ng tubig, kitang-kita nila Marco at Lyra ang isa't isa sa ilalim ng tubig nang magkasabay silang sumisid nang malapit na sila sa b****a ng guwang. Magkasabay rin silang umahon nang marating na nila ang guwang. Medyo madilim at ang marahas na paglagaslas ng tubig ang sumalubong sa kanila. Walang inaksayang oras si Marco, pagkaahon nila ay agad niyang kinabig papalapit sa kaniya si Lyra at inangkin nang buong alab ang mga labi nito. Kinawit naman ni Lyra ang mga braso niya sa leeg ni Marco at walang pasubaling tinugunan nang magkapantay na alab ang mga halik nito. Hindi nagtagal naghiwalay ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang katawan na sobrang magkadikit na kahit hangin ay hindi makakaraan sa pagitan nila. Pareho silang hinihingal, naghahabol ng hininga dahil sa masidhing paglalapat ng kanilang mga labi na may kasamang paglalasap ng mga dila. "Naalala mo ba, mahal, dito rin tayo unang naghalikan?" tanong ni Marco nang malamlam ang mga mata. "Oo naman, mahal. Dito nga kita sinagot, 'di ba?" sabi ni Lyra nang hinahaplos ang basang buhok ng asawa. At 'yon mismo ang dahilan kaya espesyal ang talon na ito sa kanilang mag-asawa. Nakailang punta na rin dito si Lyra bago pa niya nakilala si Marco. Ngunit nang magkasmang pumunta sila rito ni Marco nang unang beses, ito ang unang nakapansin ng guwang na 'to. Ganito rin halos ang eksena nila nang sinagot niya si Marco -- mahigpit na magkayap silang habang naghahalikan Naalala pa ni Lyra na walang kaalam-alam si Marco na sasagutin na niya ito sa araw na 'yon. Halos hindi pa no'n makapaniwala si Marco nang sinagot niya ito. Saglit pa itong natulala bago tinanong pa siya ulit kung totoo 'yong sinasabi niya. At nang tumango siya, doon lang yata tumatak sa isip nito na talagang sinasagot na niya ito kung kaya't siniil na siya nito ng halik. Pagkatapos, naghihiyaw ito na akala mo'y nanalo ng milyones na pera sa Lotto. "'Isa iyon sa pinakamasayang sandali ng buhay ko, mahal," sabi ni Marco sa malambing na boses habang kumikislap ang mga mata. 'Yon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng nag-uumapaw na kaligayahan. Kahit pa sa promotion, sa matagumpay na misyon, o pagpupuri at parangal na natanggap niya sa trabaho, hinid siya nakaramdam ng gano'n katindi na kasiyahan. Lumipas ang ilang araw at linggo mula nang araw na 'yon, pero hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi niya. Kahit nga ngayon o sa bawat pagkakataon na naaalala niya ang araw na 'yon, ramdam pa rin niya ang walang pagsidlan na kaligayahan. "Salamat, mahal," buong pusong sabi ni Marco. Simula ng dumating si Lyra sa buhay niya, maraming bagay siyang napagtanto. Isa na ro'n ang kasiyahan na tanging ang pamilya lamang ang makapagbibigay. Ang pamilya na mayroon siya kasama si Lyra. "Salamat din, mahal. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko at pinuno mo 'yon ng kulay, sigla, at kabuluhan. Ang makasam ka ang pinakamasayang mga sandali ng buhay. At salamat dahil sa 'yo naranasan ko 'yon kahit sa maikling panahon lang," sabi ni Lyra sa garalgal na boses. Pinipilit niyang 'wag maiyak dahil ayaw na ayaw ni Marco na nakikitang lumuluha siya "Hindi maikli kundi habang-buhay, mahal. Sabi ko nga sa wedding vow natin, ikaw ang habang-buhay ko," sabi ni Marco at siniil na niya ito ng marubdob na halik. Kahit malamig ang tubig, ramdam na ramdam nina Marco at Lyra ang pag-aapoy ng kanilang mga katawan. Hindi na nga makatiis si Marco at naglalakbay na pababa sa baywang ni Lyra ang mga kamay nito. Ang mga matitinis na boses na tumatawag sa kanilang dalawa ang nagpatigil sa kanilang paghahalikan. Pareho silang natawa dahil sigurado silang mga boses 'yon nina Tin-ton at Totoy. Napabuntong-hininga si Marco samantalang ginawaran naman siya ni Lyra habang nangingiti. "Mamaya na lang sa gabi, mahal," sabi ni Lyra. Tumango si Marco. Maigi na nga ang gano'n para wala silang disturbo. "Humanda ka mamayang gabi, mahal. Wala tayong tulugan mamaya," tudyo nito nang may kasamang pagngisi. "Game, mahal," matapang na sabi ni Lyra. Lumangoy na pabalik ang mag-asawa para samahan ang dalawang bata na kanina pang naghihintay sa kanila at sabik na makatampisaw kasama ang Kuya Marco at Nanay Lyra nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD