Dahil ayaw pa umuwi nina Tin-tin at Totoy, doon na rin nananghalian ang pamilyang Tibayan. Si Tatay Fred ang umuwi muna para magsaing at bumili na lang na ulam malapit sa kanila. Pagbalik niya, dala-dala na niya ang pangtanghalian nila kaya kumain na sila lalo na't gutom na ang dalawang bata.
Hapon na nang umuwi ang mag-anak sa kanilang tahanan. Pagkatapos naligo ng dalawang bata, agad ding nakatulog ang mga ito. Kahit si Marco ay nakaramdam din ng pagod kaya paglapat ng likod nito sa kama ay nakatulog agad. Tumabi si Lyra sa kaniya at tinitigan lang ang asawa na natutulog habang medyo nakaawang ang mga labi nito. Pinaglabanan niya ang antok at pagod dahil sa matinding pagnanais na pagsawain ang kaniyang mga matang pagmasdan ang asawa.
Umalis lang si Lyra sa tabi ng asawa nang kailangan na niyang magluto. Gusto sana siyang tulungan ni Nany Minda pero nakiusap siya na hayaan lang siya nito na ipagluto silang lahat. Hindi na tumutol pa si Nanay Minda at iniwanan si Lyra sa kusina.
Nagluto si Lyra ng kaniya-kaniyang paborito ng pamilya niya -- fried chicken para kina Totoy at Tin-tin, Pakbet para kina Nanay Minda at Tatay Fred, at Tinolang manok para sa asawa niyang si Marco.
Nang nagising si Marco, pinipilit niyang tumulong kay Lyra dahil sa dami ng niluluto nito pero hindi siya pinayagan nito at tinaboy sa kusina. Wala na lang nagawa si Marco kundi sundin ang asawa. Nang natapos na si Lyra, kumain na silang mag-anak. Katulad ng dati, masaya silang nagsasalo-salo lalo na't ang paborito nilang ulam ang kanilang hapunan. Si Lyra ang pinakamasaya sa lahat dahil nagawa niyang pasayahin ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Natapos ang kanilang pagsasalo-salo at sa wakas nasolo na rin ni Marco ang asawa. Hindi maipagkakaila ang pananabik ni Marco sa bawat maalab na paghalik nito na siya namang sinusuklian ni Lyra. Matagal-tagal na rin ang huling pagsisiping nilang mag-asawa. Ayaw ni Marco angkinin ang asawa na may iniindang sugat sa katawan. Mahalaga kay Marco ang kapakanan ng asawa bago ang pansarili niyang kagustuhan.
Nakahiga na silang dalawa sa kama, si Marco ay nakapatong kay Lyra habang magkalapat ang mga labi ng isa't isa. Mabagal ngunit madiin ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi. Umangat mula sa pagkakadagan kay Lyra at hinubad ang lahat ng kaniyang saplot.
Bago pa madaganan ni Marco si Lyra, bigla itong naupo at nilapat ang kaniyang palad sa dibdib nito. Parang naestatwa si Marco, naguguluhan sa kung bakit siya pinigilan nito.
Hindi umiimik habang marahang tinutulak ni Lyra si Marco na tila pinapalayo sa kaniya at pinapaalis ito. sa kama. Hindi man maintindihan ni Marco ang biglaang pagbago ng isip ng asawa, minabuti pa rin niyang sundin ito. Hinding-hindi niya pipilitin ang asawa kung ayaw nitong magsiping ito.
Bago pa maatras si Marco, lumapit sa kaniya si Lyra at binulungan ito sa mabining boses. "Gusto kong pagmasdan ang kabuuan mo, mahal."
Parang may kuryenteng dumaloy sa mga kalamanan ni Marco na siyang nagpanginig sa katawan niya at nagpapiglas sa kahandaan niya. Napalunok pa siya ng isang beses bago inalis ang isang paa na nakatukod na sa kama. Umatras siya nang tuluyan at nilayo ang sarili kay Lyra kahit na labag iyon sa sarili niyang kagustuhan.
Hindi inaalis ni Lyra ang kaniyang pagtitig sa mga mata ni Marco. Nang nakatayo na si Marco sa harapan niya, naglakbay ang naglalagablab niyang mga mata mula sa mukha nitong bakas na bakas ang matinding paghahangad nito sa kaniya, sa mahabang leeg nitong tila naninigas, sa mga naglalakihan nitong braso kung saan nagsisilabasan ang mga ugat, sa medyo katabaan nitong tiyan na mabilis ang pagtaas-baba nito, hanggang sa mga matatayog nitong mga binti na tila kayhirap mabuwal ng kahit alinman.
"Mahal," pagsusumamo na bulong ni Marco. Sobra siyang nagtitimpi habang pinanatili ang sariling nakatayo sa harapan ng asawa. Hindi na yata niya kaya pang magtimpi lala na sa nagbabagang pagtitig ng asawa sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Narinig naman nang malinaw ni Lyra ang pagsusumamo ng asawa kung kaya't tumayo na rin siya. Una niyang hinaplos ang mukha nito at saka dahan-dahan na binaba ang kaniyang kamay. Pakiramdam niya'y parang nagbabagang apoy ang balat ni Marco sa kaniyang palad.
Nang dumapo ang palad ni Lyra sa balikat ni Marco ay kumawala ang mainit na daing mula sa bibig nito. Gustong-gusto man niyang hawakan si Lyra, minabuti niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamay at pinikit ang mga mata habang dinadama ang bawat paghagod ng kamay nito sa kaniyang katawan. Kakaibing init at kiliti ang hatid ng haplos nito sa kaniya.
Hindi na nakatis si Lyra at dalawang kamay na niya ang humahaplos na may kasamang pagpisil sa mga braso ni Marco. Pagkatapos, naglakbay ang mga kamay niya sa dibdib nito, pababa tiyan hanggang sa naabot niya ang kahandaan nito na siyang nagpasinghap dito. Madulas, madiin, mabagal niyang hinahagod ang kahandaan nito.
Nakatingala, nakapikit ang mga pata, at nakaawang ang mga labi ni Marco habang nilalasap ang ginagawa paghagod ng asawa sa kaniya. Nang imulat niya ang mga mata, hinawakan niya ang batok ng asawa at hinagkan ito.
"Mahal... mahiga na tayo," nahihirapang sambit ni Marco.
"Ang ilaw, mahal," paos na sambit ni Lyra.
Pinatay naman agad-agad ni Marco ang ilaw habang naghubad naman si Lyra. Pareho nang walang saplot nang mahiga sina Marco at Lyra. Mas lalong sumilab ang init ng katawan nila nang magkadikit ang mga balat nila.
Walang pasubaling pinasok na ni Marco si Lyra, na siyang magkasabay na nagpaungol sa kanilang dalawa. Dahan-dahan ngunit punong-puno ng lakas ang bawat pag-indayog ni Marco sa ibabaw ni Lyra. Sa lakas ng puwersa ni Marco, nababaon na sa kama si Lyra, na tila hindi naman alintana sa kaniya, bagkus ay napapahiyaw ito nang impit at mas lalong humihigpit ang kapit sa mga braso ng asawa.
Tuluyan nang dumagan si Marco kay Lyra at buong suyong hinahalikan at hinahaplos ang mga dibdib nito. Sa patuloy nilang maiinit na pagniniig, walang namutawing mga salita sa kanilang dalawa, tanging mga pag-ungol at pag-daing lamang.
Saglit na tumigil silang dalawa at nagkatitigan. Sa kabila ng dilim na pumapalibot sa kwarto nila, ang mga mata nilang nagkikislapan ang tila nagbigay ng liwanag upang maaninag ang mukha ng bawat isa.
Masuyong hinaplos ni Lyra ang pisngi ng asawa. "Mahal kita, Marco," buong-puso niyang sabi sa garalgal na boses. Kusa ng naglandas ang mga luha ni Lyra na buong araw niyang pinipigilan.
"Mahal na mahal kita, Lyra," tugon ni Marco bago marubdob na inangkin ang mga labi ng asawa.
Gumalaw na muli ang mga katawan nina Lyra at Marco. Sa pagkakataong ito, matulin at may pagmamadali ang pag-indayog ng mga katawan nila. Ang malalakas nilang ungol at pagsasalpukan ng mga pinakamaseselan nilang laman, pati na ang paglangit-ngulit ng kama ang tanging maririnig sa apat na sulok ng kanilang kuwarto. Hanggang sa magkasabay na daing ang umaalingawngaw nang maabot na nila ang pinakaaasam na rurok ng kanilang pag-iisa.
Sumandaling katahimikan ang nanaig habang magkaparehong naghahabol ng hininga sina Lyra at Marco. Hindi na umalis pa si Marco sa ibabaw ng asawa. Nang mabawi na ang lakas ay nagsimulang umindayog na si Marco na siyang namang sinabayan ni Lyra sa saliw ng tugtog na sila lamang dalawa ang nakakaalam.
Nakailang beses pa ang paniniig nina Lyra at Marco bago natulog nang magkayakap sila. Matapos ang dalawang oras, nagising na si Lyra. Ang payapang natutulog na mukha ni Marco ang unang natunghayan ni Lyra pagkamulat ng mga mata niya. Gusto niyang haplusin ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili kasi ayaw niyang magising ito.
Pagkatapos niyang pagsawaang titigan ang asawa, bumangon na siya at nagbihis. Binuksan niya ang drawer kung saan niya kinuha ang inihanda niyang kapirasong papel at ballpen. Napagdesisyonan niyang mag-iwan ng liham ng pamamaalam para kay Marco.
Nangako si Lyra kay Marco na hindi siya aalis nang hindi nagpapaalam. Hindi naman niyang gawin 'yon nang personal, o sa madaling sabi, baka hindi na siya magkaroon ng lakas ng loob at mapanindigang iwan ito at ang pamilya niya.
Hinid gumalaw ang ballpen na hawak niya habang nakatutok sa papel dahil hindi niya alam kung papaano simulan ang liham. Sa kalaunan, kahit nanginginig ang kaniyang kamay, tuloy-tuloy ang kaniyang pagsulat sa papel ng mga salitang hindi niya magawang bitiwan nang harapan kay Marco. Binuhos niya lahat ng damdamin sa liham na 'yon sa kaisipang maramdaman ni Marco na taos-puso ang bawat salitang nakapaloob sa liham na ito.
Hindi na napigilan pang maiyak ni Lyra nang sinusulat na niya ang katagang "paalam". At ang luhang 'yon ay tumulo sa kung saan nakalapat ang katagang "patawad" na para bang ibig ipahiwatig sa makakatanggap ng liham kung gaano katindi ang sakit na dulot ng isang salitang iyon para kay Lyra.
Hindi na maawat ang mga luha ni Lyra na tila ulan na sunod-sunod na nagsipatakan. May ilang hikbing kumawala sa bibig niya at medyo gumalaw ang ulo ni Marco kaya pinigil niya ang buhos ng kaniyang damdamin. Hindi dapat siyang maging mahina. Kailangan niyang maging matapang at matatag para sa mga mahal niya sa buhay.
Pinahid ng sariling kamay ang mga bakas ng luha sa kaniya pisngi. Tinapos niya ang liham habang nanginginig ang kaniyang mga labi. Tiniklop niya 'yon at nilagay doon sa mesa. Para hindi liparin, inipit niya 'yon sa maliit at mumurahing lampshade.
Tumayo na si Lyra at pinagmasdan ang asawa sa huling pagkakataon. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinagkan niya ito nang mabilis ngunit madiin sa mga labi nito.
"Salamat, Marco," ang huling binulong niya sa asawa na nanatiling mahimbing ang pagkakatulog.
Tama, wala siyang dapat ikalungkot dahil napakadaming magaganda at masasayang alaala siyang babaunin sa kaniyang pag-alis. Iilan lamang ang masuwerteng makatagpo ng tunay at wagas na pag-ibig bago bawian ng buhay. At isa na siya ro'n. Hindi man sila nagkatuluyan ni Marco, malaki ang pasasalamat niyang naramdaman niya at pinaramdam sa kaniya iyon ni Marco. Higit sa lahat, ang pag-alis niyang ito ang magsasalba sa buhay ni Marco at ng pamilya niya.
Tumalikod na si Lyra at hindi na lumingon pang muli hanggang sa makalabas siya sa tahanan nila. Madilim pa sa labas dahil madaling araw pa lamang ngunit agad naanigan ni Lyra ang isa sa mga miyembro ng Pahimakas na si Ramos. Nabaril na ni Ramos ng tranquilizer 'yong tatlong bantay sa labas ng tahanan nila. Limang oras silang makakatulog, sapat na para maisagawa nila ang misyon ngayong araw. Isa pa, mamayang alas nuebe pa ang susunod na rerelyebo sa kanila kaya walang may makakatunog sa mga agent o pulis na nakaalis ng bahay ang minamanmanan nila.
Naka-itim na long sleeves at pantalon na hapit sa katawan niya, ang karaniwan niyang suot sa tuwing nasa misyon siya. "Handa na ba ang lahat?" tanong niya kay Ramos.
"Handa na'ng lahat, Reyna," sagot naman nito.
"Tayo na," utos niya at sumunod na ang lalaki sa kaniya. Upang magtagumpay siya, kailangan niyang maging si Reyna ngayong araw, pero hindi ang walang pusong si Reyna, kundi ang may kunsensiya na Reyna.