Chapter 9: Suicidal Girl.

1923 Words
Chapter 9: Suicidal Girl. Written By: CDLiNKPh Napamura si Christian sa isip niya nang biglang tumirik ang makina ng truck na ginagamit niya para sa pag-pick up ng mga products na kailangan nila sa grocery. Naiinis na lumabas siya ng sasakyan at tiningnan ang makina ng truck. Naiinis siyang aminin sa sarili na wala siyang alam sa pagkumpuni niyon. Hindi pa naman kasi siya tinuturuan ng tiyuhin kung paanong mag-ayos no’n. Gustuhin man niyang magpaturo ay halos palaging nauubos ang oras niya sa sunod-sunod na utos ng mga ito. Lumingon siya sa paligid. Medyo madilim na rin. Halos wala rin namang tao roon. Kinuha niya ang cellphone na 3310 sa bag niya pero mas lalo lang nag-init ang ulo niya nang makitang lowbatt iyon kaya hindi siya makakahingi ng tulong para sunduin siya. Naghintay pa siya ng kaunti sa pagbabakasakali na mayroong dumaan na sasakyan pero talagang wala. Pakiramdam niya tuloy ay siya lang ang tao roon. Badtrip talaga. Kinakabahan man siya na baka manakaw ang laman ng truck ay wala siyang choice kundi ang maghanap ng kahit na sino’ng makakatulong sa kanya. Naglakakad-lakad siya. Hindi pa siya masyadong nakakalayo mula sa pinanggalingan niya nang biglang manlaki ang mata niya nang makitang mayroong isang babae ang akmang tatalon sa tulay na naroon! Para itong hopeless at wala sa sarili kaya mabilis na hinawakan niya ito nang muntik na itong malaglag. “Sino ka? Bakit mo ako pinigilan? Huwag mo akong pakialaman! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang tumalon dito!” Ito pa ang galit sa pagliligtas niya rito. Natulala rin siya dahil tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata nito na para bang wala na itong kapag-a-pag-asa sa mundo. “Miss, kung anuman ang problema mo ay hindi solusyon ang pagpapakamatay. Wala ka bang takot sa Diyos? Labag sa kalooban Niya ang gusto mong gawin." Kinakabahan man ay nagtangka siya na pigilan ito. “Huwag kang magsalita dahil wala ka namang alam! Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki na manloloko!” Siya pa ang napagbuntungan nito saka ito muling lumayo sa kanya at tumayo na naman sa gilid ng tulay. "Sabihin mo nga sa akin kung bakit hindi ako mangingialam dito? Hindi lang ang lalaking mukhang nang-iwan sa iyo ang mamamatay sa pagkakunsensya kapag hinayaan kitang mamatay sa sariling mga mata ko. Saka bakit mo ba sasayangin ang buhay mo para lang sa isang tao na nangloko sa ’yo? Sa tingin mo ba, magbabago ang lalaking iyon kapag namatay ka na? Baka pagtawanan ka pa no'n dahil nagawa mo pang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kanya. Hindi lang dapat sa kanya umiikot 'yang mundo mo." “Maaaring hindi siya magbago! Pero hindi siya patatahimikin ng kunsensya niya kapag namatay ako! Sa ganoong paraan ay hindi rin siya mabubuhay ng normal at makakaganti rin ako!” pagmamatigas na sabi ng babae. “Makakaganti ka nga, pero paano naman ang ibang taong nagmamahal sa iyo? Magagawa mo bang iwan na lang basta-basta ang mga magulang mo, mga kaibigan mo at kakilala mo? Lahat ba sila ay kakalimutan mo na lang at magpapadala ka sa galit mo? Sa tingin mo ba ay magiging masaya sila kapag nawala ka? Sa tingin mo ba ay worth it ang buhay mo para lang sa isang walang kwentang lakaki na iniwan ka?” Natahimik ang babae sa sinabi niya. "Makinig ka, miss. Maraming tao ang may sakit na nakikipaglaban sa sarili nilang buhay at handa pang gumastos ng malaki para lang mabuhay. Pagkatapos ikaw, nang dahil lang sa isang lalaki ay itatapon na lang iyon ng basta-basta? Marami ka pang magagandang bagay na makikita at mararanasan kung aalisin mo lang ang tingin mo sa mga taong wala namang ibang dinulot sa 'yo kundi ang saktan ka. Marami pang taong mas worth it para sa pagmamahal mo. Hiniram lang natin ang buhay natin sa Diyos, kaya walang ibang kahit na sinuman ang may karapatan— Kahit na tayo pa, para tanggalin ito," malumanay nang sabi niya saka unti-unti itong nilapitan at inabot niya ang kamay dito. Napatitig sa kamay niya ang babae. Sa umpisa ay parang nag-aalangan itong abutin iyon pero maya-maya ay umiiyak na kinuha rin ang kamay niya saka ito humagulgol ng iyak sa bisig niya. Inalo naman at niyakap niya ang hindi kilalang babae saka ito dinala sa truck niyang kasalukuyang nakatirik sa gitna ng kalsada. “Matagal na kaming magkasintahan ni George. Malaki ang tiwala ko sa kanya at inakala ko na talagang mahal niya ako pero nagkamali ako..." Nag-umpisa itong mag-kwento nang maiupo niya ito sa loob ng truck at binigyan niya ng maiinom. "Nakatakda na ang kasal namin nang bigla kong madiskube na ginagamit lang pala niya ako para makuha niya ang lahat ng kayamanan ng pamilya namin. Narinig ko pa na sinabi niya sa matalik kong kaibigan na si Wendy na kahit kailan ay hindi naman daw niya ako minahal at pera lang daw ang habol niya sa akin. May matindi pala siyang galit sa daddy ko dahil karibal ng daddy niya ang daddy ko sa promotion noon sa trabaho. Napangasawa ng daddy ko ang mommy ko na naging dahilan para patuloy pa itong umangat sa buhay. Napag-iwanan ang daddy niya. Mahal pala ng daddy niya ang mommy ko kaya hindi ito naging mabuting ama para sa kanila. Kaya nasira ang buhay nila dahil naging miserable ang daddy ni George. Kaya naman lumaki si George na sumumpa siya sa sarili niya na gaganti siya sa pamilya namin. At iyon na nga, ako ang napili niyang gamitin. Ako ang pinagdusa niya sa hinanakit niya na wala namang basehan. Walang ginagawang masama ang daddy ko. Kung anuman ang yamang mayroon kami ngayon ay galing iyon sa dugo't-pawis niya. Kaya walang karapatan ang George na iyon na saktan at paikutin ako!" Muling tumaas ang boses ng babae at umiyak na naman ito. "Ang pinakamasakit lang sa lahat ay hindi lang siya ang nag-traydor sa akin, kundi maging ang best friend kong si Wendy. Nalaman ko pa na matagal na pala nila akong niloloko. Sila na pala kahit na kami pa ni George. Tinraydor nila ako at pinagmukha nila akong tanga! Hinding-hindi ko sila mapapatawad! Sinayang nila ang pagmamahal at tiwala na ibinigay ko sa kanila! Mga hayop sila!” Lalo lang lumakas ang pag-iyak ng babae. Para bang wala na iyong katapusan. At siya bilang isang lalaki— Isa sa kahinaan niya ang luha ng isang babae. Kahit na hindi pa niya naranasang pagtaksilan dahil NGSB siya kung hindi pa dumating si Nikki sa buhay niya ay naramdaman pa rin niya ang sakit na pinagdadaanan ng hindi niya kilalang babae. Niyakap niya ito at inalo kahit pa hindi pa rin sila magkakilala. May mas malalim na dahilan din naman pala ito kung bakit nito gustong patayin ang sarili nito. Hindi lang ito basta iniwan. Ginamit, tinraydor at pinagmukha pa itong tanga. "Sige lang, miss. Ilabas mo lang ang lahat ng 'yan. Lahat ng galit, sama ng loob at hinanakit diyan sa puso mo ay pakawalan mo lang lahat. Para mamaya ay wala ka nang iluluha pa. Para bukas ay mamanhid na lang iyang puso mo sa sobrang pag-iyak hanggang sa tuluyan ka nang makalimot..." malumanay na sabi niya habang hinahagod ang likod nito para suportahan ito. Ilang minuto pa silang tumagal sa ganoon. Hinayaan lang niya itong umiyak nang umiyak sa bisig niya. Maya-maya ay ito pa mismo ang lumayo at siya naman ay inabutan ito ng panyo. "Okay ka na?" concern na tanong niya. Pilit itong tumango. "Salamat, ha? Hindi naman kita ka-ano-ano pero nagmalasakit ka sa akin ng ganito. Hindi ko akalain na magagawa kong mag-kwento sa isang tao na ni hindi ko naman kilala," sabi pa nito. "Then, let's just be friends. Para hindi na tayo maging 'stranger' sa isa't-isa," nakangiting sabi niya. Natigilan ang babae. "Sigurado ka ba talaga na gusto mong makipagkaibigan sa akin? Nakakahiya. Nakita mo ako na ganito kadesperada." Nagawa na nitong ngumiti. "You're not desperate, miss. Nagmahal ka lang. At walang masama sa ginawa mo. Ang tanging pagkakamali mo lang na nagawa ngayong araw ay tinangka mong patayin ang sarili mo." "Wow, ha. At nagawa mo pa akong sermunan." Siya naman ang natawa sa sinabi nito. "So, friends na tayo?" nakangiting tanong niya. Nangiti na rin ito. "Yeah. Friends." Saka nito inabot ang kamay at nagkatitigan pa sila. NAKAUWI rin siya sa bahay ng tiyuhin nang dahil sa estrangherang babae na nagngangalang 'Nathalie.' Tinawagan nito ang driver nitong si Manong Esteban para magdala ng mekaniko at ayusin ang truck na gamit niya. Nang makarating ang driver na may kasamang mga mekaniko ay nagawa rin ang sira niyang sasakyan. Si Manong Esteban ang nag-drive ng kotseng dala ni Nathalie at sa truck naman niya ito sumakay. Mas gusto sana niya na siya ang maghatid sa bahay ng babae para masigurong safe ito pero tumanggi ito saying na pinasundan naman sila nito sa driver nito kaya ang labas ay parang siya pa ang hinatid nito. "Thanks, Nathalie. Pasensiya ka na at hindi kita mapapapasok sa loob. Sigurado kasi ako na mapapagalitan ako ni Tito Victor at baka isipin pa na nangbabae ako kaya late na akong umuwi. Ayaw ko namang mapahiya sa 'yo kapag nakita mo kung paano akong sermunan no'n," nahihiyang paliwanag niya. "No, it's okay. I'm the one who should be thanking you. You saved my life, Christian. Parang kanina lang, halos nawawalan na ako ng pag-asa sa mundo, but I'm full of life again because of you." Hinaplos nitong bigla ang mukha niya saka siya tinitigan. Hindi niya alam pero may na-se-sense siyang kakaiba rito pero binalewala na lang niya iyon dahil baka nga naman natutuwa lang sa kanya si Nathalie dahil sa pagliligtas niya sa buhay nito. Ginulo niya ang buhok nito. "Basta sa susunod ay huwag mo na ulit pagtatangkaang patayin ang sarili mo, okay? He's not worth it. Huwag ka na ring maghiganti at magtanim ng poot sa kanila dahil ikaw lang ang mas masasaktan sa bandang huli. Alam ko rin na mahirap na basta na lang lumimot pero subukan mong mag-move on at ibaling ang pansin mo sa ibang bagay. Sa ganoong paraan ka lang magiging masaya, Nathalie. Ipakita mo sa kanila na matatag ka at hindi ka magpapaapekto sa ginawa nila," seryoso at nakangiti pa ring payo niya. Ngumiti na rin ito. “See? Mas bagay pala sa 'yo ang nakangiti, e. Kung ganyan ba naman, I’m sure mas mabilis kang makakahanap ng maipapalit sa George na iyon. Isang lalaki na mas karapat-dapat at mamahalin ka ng totoo. Iyon ang kailangan mo, Nathalie...” sinserong sabi pa rin niya. Nang dahil doon ay lalong napatitig na naman sa kanya ang babae. Para bang nagniningning ang mga mata nito at dahan-dahan pang naglapit ang mga mukha nila. Nagulat siya nang bigla itong napapikit. Mukhang nag-e-expect yata ito na hahalikan niya ito! Bago pa tuluyang magdikit ang mga labi nila ay umiwas na kaagad siya. Mukhang nami-misinterpret yata nito ang kindness niya. "A-ah, kailangan ko nang pumasok sa loob, Nathalie. Siguradong galit na galit na ngayon si tito. Pasensya ka na talaga, ah!" pag-iwas niya. Para namang na-disappoint si Nathalie. "It's okay, Christian. Magkikita pa naman tayo ulit, hindi ba?" malambing na tanong nito. At dahil ayaw naman niyang mapahiya ito ay tumango na lang siya at ngumiti rito saka na pumasok sa loob. Bigla siyang nakaramdam ng kunsensiya. Kahit hindi iyon ang intensyon niya ay mukhang inakala yata no'ng Nathalie na iyon na nakikipag-flirt siya rito. It can't be. Dahil walang ibang babae siyang mamahalin kundi si Nikki lamang..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD