bc

Sunshine Through My Window

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
second chance
badboy
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
campus
disappearance
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sunod-sunod na nawala kay Dominique ang tatlong taong pinakamamahal niya—ang mama, papa, at lola niya. Dahil sa nangyari ay nawala nang tuluyan pati ang kaniyang boses.

Since then, Dominique learned to live in silence.

Until one night, she accidentally texted the wrong number.

Imbes na water boy na naghahatid ng tubig sa apartment nila, si Kieffer ang nasendan niya—ang notorious bad boy ng Metro Horizon University na kilala sa gulo, pagiging babaero, at pagiging walking red flag.

And somewhere between their late-night messages, quiet conversations, and moments by the window, something changed.

They became friends.

The problem?

Dominique is already in love with her best friend, Kyro. The person who has always been there for her, but will never see her as anything more than a friend and a baby sister.

While Kieffer?

He falls for her.

Hard enough to make him question the kind of man he has always been.

For the first time, the campus bad boy wants to become a good man—not for everyone, but for the girl who never asked him to change.

chap-preview
Free preview
Prologue
Maliwanag ang sikat ng araw sa kusina namin noong umagang iyon. Iyong uri ng liwanag na tila pumapasok sa bintana para lang maghatid ng init at saya sa aming tahanan. Seven in the morning, the aroma of Mom’s fried rice filled the entire house, mixed with the comforting scent of brewed coffee. “Nique, tama na muna ’yang pagi-scroll sa phone mo at tulungan mo ’ko rito,” tawag ni Mommy habang nakatayo sa harap ng kalan, hawak ang sandok at nakatitig sa akin nang may malambot na ngiti. Lumapit naman si Daddy mula sa likod at niyakap si Mommy sa baywang, sabay halik sa pisngi nito. Akala mo talaga parang mag-jowa lang ang dalawa. “Eto na nga po, Mommy,” ngingiti-ngiti kong sagot habang ipinapasok ang phone ko sa bulsa ng aking shorts. Kinuha ko ang mga plato at baso upang ayusin ang hapag-kainan. Tahimik namang inilapag ni Lola ang gatas at kape sa mesa, nakatitig sa aming tatlo habang bakas sa kaniyang matandang mukha ang walang kapantay na kaligayahan. Iyon ang mundo ko. Puno ng lambing at ng liwanag na halos hindi magkasya sa aming tahanan. Pero isang araw, ang liwanag na dating nagbibigay ng init at saya sa aming tahanan ay mabilis na nilamon ng isang madilim, malamig, at walang awang bagyo. Bigla na lang unti-unting pumutla si Mommy. Ang dating matining at masayang boses na gumigising sa akin sa umaga ay naging isang mahinang bulong. Ang dating masigla niyang ngiti ay naging pilit at puno ng pagod. Stage four pancreatic cancer. Ang tatlong salitang iyon ang naging unang dambuhalang alon na sumira sa aming pundasyon at pumatay sa ilaw ng aming tahanan. I held her bony, cold hand on the hospital bed. The mechanical ticking of the heart monitor felt like a cruel countdown to doom. “Mommy, kapit lang, ha?” hagulhol ko habang nakasubsob ang mukha ko sa gilid ng kaniyang kama. She forced a weak, painful smile, using all her remaining energy to stroke my hair gently. “Kahit nasaan si Mommy... palagi mong tandaan na mahal na mahal kita, anak.” Umiling ako nang paulit-ulit. Basang-basa na ang mukha ko dahil sa mga luhang ayaw paawat sa pagbagsak. “Don’t say that, Mommy kasi gagaling ka. You’re a fighter, ’di ba?” But two days later, the line went flat. A sharp, continuous beep echoed through the sterile room, and with it, my mother’s soul departed, taking half of my life with her. At the funeral, the world grayed out for the first time. But the real, agonizing nightmare was watching my dad unravel right before my eyes. Si Daddy, na dating puno ng lakas at ang lalaking itinuturing kong haligi ng aming buhay, ay biglang natuyo na parang dahon sa tag-init. He didn’t eat. He barely slept. He stayed in his office for endless hours, burying himself in mountains of paperwork to numb the grieving void in his heart. Heavy stress, guilt, and exhaustion devoured him from the inside out, turning him into a hollow shadow of the father I once knew. Gabi-gabi, tatayo ako sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto, marahang kakatok habang may hawak na plato ng pagkain. “Daddy... please, lumabas ka naman diyan. Kumain ka kahit konti lang, oh. Para sa akin, Dad. Nag-aalala na kami ni Lola sa ’yo. Please, magpahinga ka naman.” Pero bibihira siyang sumagot. At kapag sumagot siya, ang boses niya ay parang galing sa ilalim ng lupa. Basag, walang buhay, at puno ng labis na pagdurusa. “Nique... pakiusap, iwan mo muna ako, anak.” Habang sinasabi niya iyon, naririnig ko ang kaniyang paghagulhol mula sa loob. Masakit para sa isang labinlimang taong gulang na tulad ko ang makitang nadudurog ang sarili niyang ama habang wala man lang magawa para buuin ito ulit. Pero paano naman ako? Nagluluksa rin naman ako sa pagkawala ni Mommy. Two weeks after Mom was buried, the inevitable collapse came. Pumasok ako sa kaniyang study room para maghatid ng kape, ngunit nadatnan ko siyang nakasubsob sa ibabaw ng kaniyang mesa, hindi na humihinga, at wala nang t***k ang puso. Cardiac arrest due to severe stress and overfatigue. Dead on arrival nang dalhin namin sa ospital. “Daddy! No! Daddy, gising! Huwag mo kaming iwan ni Lola! Daddy, please, gumising ka!” sigaw ko habang niyayakap ang malamig na bangkay ni Daddy. Ang boses ko ay halos mapatid sa tindi ng pagmamakaawa. Baka sakaling maawa siya sa akin. O kaya baka... baka sakaling marinig ng Diyos ang hinagpis ko at muling ibalik ang hininga ni Daddy. Pero walang nangyari. Ang sarili kong boses na umaalingawngaw sa apat na sulok ng kuwarto lamang ang naririnig. Naiwan kami ni Lola. Wala na ang dating tahanan na puno ng tawanan. “Nique...” bulong ni Lola habang nakaupo kami sa sala, parehong nakatitig sa dalawang litratong nakahilera sa ibabaw ng fireplace. “Lola is here. Hindi kita iiwan, apo. Kakayanin natin ’to.” Pero maging ang huling pangakong iyon ay winasak ng tadhana. Traumatized, heartbroken, and grief-stricken by the sudden loss of her own son and daughter-in-law, Lola’s fragile body gave out just three weeks after Daddy was buried. Severe stroke. A broken heart that simply refused to beat any longer. In a span of less than two months, my whole universe was completely shattered. The pillars of my life crumbled into dust, leaving me standing alone in the middle of the ruins. Ang kanina’y maliwanag na sikat ng araw ay tuluyang napalitan ng isang madilim, maulan, at walang habas na buhos ng langit ngayong umaga. Ang kalangitan ay tila nakikiramay, umiiyak nang walang patid habang ang malamig na patak ng ulan ay gumagapang sa aking balat. Nakatayo ako sa basang damuhan sa harap ng tatlong sariwang puntod na magkakatabi. Unang puntod para kay Mommy, sa gitna si Daddy, at sa kanan ang bagong tabon na lupa para kay Lola. Tatlong puntod. Tatlong pangalan. Tatlong buhay ng mga mahal ko ang kinuha mula sa akin. “Nique, halika na, hija... kailangan na nating umuwi. Lalamigin ka diyan. Baka ikaw naman ang magkasakit, anak,” pakiusap ni Ninang Haylene. Ang kaniyang boses ay basag at nanginginig sa matinding awa habang hinahagod ang nanlalamig kong likod. Si Ninong Angelo naman ay nakatayo sa likod nito, tahimik na nakapayong, at may mga matang puno ng lungkot at pakikiramay. Sa tabi ko, hawak-hawak ni Kyro ang isang malaking itim na payong sa ibabaw ng ulo ko. Nakatitig siya sa akin nang may matinding pag-aalala. He held the umbrella steady over me, utterly unmindful that his own right shoulder was already completely soaked in the heavy rain. “Nique, please... lumalakas na ’yong ulan. Baka magkasakit ka,” pakiusap ni Kyro. His voice was soft, fragile, almost begging me to move. He reached out and gently wrapped his fingers around my forearm. “Uwi na tayo, Nique. Kami na nina Mama at Papa ang bahala sa 'yo. Hindi ka namin iiwan.” Sinabi rin sa akin ni Lola iyon, pero iniwan din niya ako sa huli. Unti-unti akong umiling. Tumingin ako sa kaniya, at sa mga mata ng bestfriend ko, nakita ko ang repleksyon ng sarili kong pagkawasak. “Ninang... Ninong... Kyro... please,” basag na basag ang boses kong salita. Ang bawat pantig ay parang basag na bubog na pumupunit sa aking lalamunan. “Puwede po bang... magpaiwan muna ako? Kahit sandali lang po. Gusto ko lang munang mapag-isa kasama sila. Please po...” Nagkatinginan sina Ninang Haylene at Ninong Angelo. Baka natatakot silang iwan ako, ngunit nakita nila ang matinding pakiusap sa aking mga mata. “Sige, anak... pero huwag kang magtatagal, ha? Lalong lumalakas ang ulan,” malungkot na sang-ayon ni Ninang Haylene. “Maghihintay kami sa loob ng sasakyan sa may gate. Kyro, iwan mo muna ang payong sa kaniya.” “Nique... kapag kailangan mo ako, tawagin mo lang ako, ha?” bulong ni Kyro bago marahang inilagay ang hawakan ng payong sa aking kamay. Tumingin siya sa akin nang may malalim na pag-aalala bago sumunod sa kaniyang mga magulang patungo sa nakaparadang kotse sa ’di kalayuan. Nang makalayo sila, ibinaba ko ang payong at hinayaan ang sarili sa buhos ng ulan. Napaluhod ako sa gitna ng tatlong puntod. Ang sakit sa dibdib ko ay hindi na maipaliwanag. It was a crushing, suffocating agony, as if an iron fist had reached inside my ribcage and shattered my heart into a thousand jagged fragments. Three people. My mother, my father, and my lola were all gone. I was left alone in a cold, merciless world. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas ang galit, ang ingay, ang matinding sakit na sumasaksak sa buo kong pagkatao. Gusto kong itanong sa kalangitan kung ano ba’ng ginawa kong kasalanan para gawin sa akin ito. Why take everyone I love? Why leave me behind?! Binuksan ko ang aking bibig. I drew a deep, ragged breath, pulling the freezing air into my lungs, preparing to shatter the silence of the graveyard with a loud scream that would echo across the dead. I wanted to scream their names! I tried. I pushed with all the remaining strength in my soul. Pero walang tunog na lumabas. Naramdaman ko ang biglang panlalamig sa aking lalamunan, na tila ba ang bawat natitirang tunog sa katawan ko ay tuluyang naubos kasabay ng huling hininga ng tatlong mahal ko sa buhay. Sinubukan ko muli. Binuksan ko muli ang aking bibig, pilit na humihila ng hangin, at pilit na ibinubuga ang buong lakas ng aking emosyon, ngunit hangin lamang ang lumalabas. A soundless gasp. A silent, agonizing sob. Gusto kong magmura, gusto kong humiyaw, pero walang kahit anong ingay. Napahawak ako sa sarili kong leeg. Bakit ayaw lumabas ng boses ko?! It felt as though the sadness I felt had physically locked my vocal cords, sealing all my anguish inside my chest with no way out. My voice was stolen by the sheer magnitude of my agony, buried deep alongside my mother, my father, and my lola. Wala na akong maiyak. Tila natuyo na ang mga luha ko at napalitan ng malamig na tubig-ulan na dumadaloy sa aking mukha. Natulala na lang ako sa tatlong lapida, nakaluhod sa putik, hindi na mahanap ang sariling boses, habang ang ulan ay patuloy na gumugupo sa akin. My world turned completely pitch-black, silent, and motionless. Ang katawan ko ay nagsimulang manginig sa lamig at sa labis na panghihina. The world around me started to spin dangerously. My consciousness began to slip away, like sand running through trembling fingers. Nanghihina ang aking mga binti, at unti-unting bumabagsak ang katawan ko. Habang nakaluhod ako, tila mawawalan na ng malay at walang mabigkas na kahit anong salita, biglang may naramdaman akong init. Isang mainit at matatag na kamay ang marahang humaplos sa aking likod. “Hey... breathe. You’re going to be okay,” a deep, raspy, yet incredibly gentle voice spoke above the sound of the heavy rain. “I know it hurts... I know it feels like the end of the world. But you have to keep breathing.” It was a voice filled with its own hidden pain, yet it offered a strange, comforting warmth in the middle of my freezing nightmare. Unti-unti kong pilit na inangat ang aking ulo para lingunin ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Pilit kong inaninag ang kaniyang mukha. Sa sandaling iyon, biglang tumila ang malakas na buhos ng ulan. Ang madilim na ulap sa kalangitan ay tila nahawi sa isang iglap, at biglang sumilay ang sinag ng araw mula sa likurang bahagi ng lalaki. Ang liwanag ay direktang nakatutok sa kaniyang likod. Dahil sa silaw ng araw, sa mga luhang lumalabo sa aking mga mata, at sa kawalan ng lakas ng aking katawan, naging malabo at madilim ang aking paningin. Hindi ko naaninag ang kaniyang mukha. Ang tanging nakikita ko lang ay ang anino ng kaniyang hugis sa gitna ng liwanag. “Hold on...” iyon ang huling bulong na narinig ko. Bumagsak ang katawan ko nang tuluyan, ngunit bago pa ako matumba, nasalo ako ng kaniyang mga bisig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
852.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
391.5K
bc

Not just, the Beta

read
365.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook