Chapter 1

1771 Words
Katatapos ko lang hanguin mula sa oven ang cookies na ginawa ko. Sakto namang bumaba si Kyro na gulo-gulo pa ang buhok at nakasando lang. Umupo agad siya sa tapat ko at kumuha ng isa. Hindi pa nga yata nagmumumog ang gago. Tinitigan muna niya iyon bago dahan-dahang kinagat. Nakatitig lang ako sa kaniya, hinihintay kung ano’ng sasabihin niya. Nang malunok niya ito, umiling siya nang seryoso. "Kulang sa tamis, Nique. Tapos matigas 'yong gilid. Tsk! Hindi masarap." Sinamaan ko siya ng tingin. Akmang kukuha pa siya ng isa pero mabilis kong hinampas ang kamay niya saka ko hinila ang plato at inilayo sa kaniya. "Ito naman, joke lang," reklamo niya habang hawak ang kamay niyang hinampas ko. "Pahingi." Mabilis na kumumpas ang mga daliri ko para mag-sign language. 'Sabi mo hindi masarap tapos hihingi ka pa? Lumayas ka rito!' Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang sunod-sunod kong ihatid sa huling hantungan sina Mommy, Daddy, at Lola. Doon din tuluyang nawala ang aking boses. Nilamon ng trauma ang aking kakayahang magsalita, na tila ba may nakasusi sa aking lalamunan. Ayon sa doktor, Psychogenic Aphonia ang tawag sa aking kondisyon. Ang sarili ko mismong utak ang nagdikta sa aking katawan na ang pananatiling tahimik ang tanging paraan upang protektahan ako mula sa matinding sakit. "Joke nga lang ’yon. Pahingi pa,” maktol niya ulit. Inirapan ko siya bago muling kumumpas. Itinuro ko muna siya, saka ko inilapit ang kamay ko sa bibig ko na para bang hinihintay ang sasabihin niya. Pagkatapos, ginawa ko ang please sign habang nakatingin sa kaniya nang may bahagyang ngiti. Sinundan ko iyon ng sign para sa master. 'Sabihin mo muna. Please, master.' “Gusto mong sabihin kong please, master?” Humagalpak ng tawa ang hayop. “Baka master pandak kamo!” dagdag niya pa. Sa inis ko ay malakas ko siyang binatukan bago tumalikod, pero hindi ko rin napigilang mapangiti nang bahagya dahil sa huling hirit niya. “Ang sungit naman. Sayang ganda.” Ito namang puso ko, pasaway! Tumibok na naman nang napakabilis. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya. Nakakainis! Pasalamat ka talaga, Kyro. Mahal kita! Noon pa mang mga bata kami, iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Noong una ay hindi ko pa maintindihan kung bakit bigla na lang bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya. Saka ko lang naamin sa sarili ko nang sabihin niyang crush niya ’yung classmate namin noong first year high school kami. Halos isang linggo ko ring iniyakan 'yon dati. Pero siyempre, hinding-hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil magkaibigan kami. After losing everything, I couldn't risk losing him, too, nang dahil lang sa punyetang nararamdaman ko. "Umagang-umaga, nag-aaway na naman kayo," ngiti ni Ninang Haylene habang pumapasok sa kusina hawak ang kape niya. "Ikaw, Kyro, inaasar mo na naman siguro si Nique.” "Nagbibiro lang naman ako, Ma," depensa ni Kyro. Inabot ko kay Ninang ang choco crinkles at mabilis na kumumpas ng sign language. 'Para sa 'yo po, Ninang. Huwag mong bigyan si Kyro.' "Salamat, anak," tumatawang sabi ni Ninang sabay haplos sa buhok ko. Nang nalaman nilang nawala ang boses ko, silang tatlo ni Kyro ay nag-enroll din sa sign language classes kasama ko so I would never feel isolated at para na rin maintindihan nila ang mga gusto kong sabihin kahit na hindi na ako magsulat sa notepad. At dahil hindi na rin ako makakasabay sa regular na klase, nag-home schooling ako para matapos ang high school. Ilang sandali pa ay tiningnan ni Ninang ang relo niya matapos isubo ’yung isang crinkle. "Magbihis na kayo. Baka mahuli kayo sa appointment kay Dr. Santos." Nagrereklamo pa si Kyro pero dinilaan ko lang siya. Wala rin naman akong nagawa nang kunin niya kay Ninang ’yung plato ng cookies sabay takbo paakyat sa kuwarto niya. Parang bata talaga! Napangiti na lang ako. Simula nang mawala ang pamilya ko, pakiramdam ko, may parte sa akin na namatay kasama nila. Para akong masisiraan ng bait noon trying to make sense of a life that suddenly had no place for the people I called home. For almost a year, I was nothing but a living dead. Breathing, moving, eating, sleeping, and waking up every morning, but never really living. Naalala ko pa noong mismong lamay ni Daddy. Habang nakatulala ako sa tabi ng kabaong niya, pumasok ako sa kuwarto ng mga magulang ko para kumuha ng damit. Doon, sa ilalim ng cabinet nila, nakakita ako ng isang lumang sobre at isang bank book na nakapangalan mismo sa akin. Nang buksan ko ang sobre, bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala ang sulat-kamay ni Daddy. Para sa aming mahal na Dominique, Kung binabasa mo ito, gusto naming malaman mo kung gaano ka namin kamahal ng mommy mo, anak. Lahat ng sakripisyo at pagsusumikap namin ay para sa 'yo. Ang bank book na ito ay bunga ng aming ipon para sa iyong kinabukasan at pag-aaral. Patawarin mo sana ang daddy kung naging mahina ako, anak, ha. Pero huwag mo kailanman maiisip na nag-iisa ka. Baunin mo ang pagmamahal namin sa bawat hakbang mo sa buhay. Mahal na mahal kita, anak. Love, Daddy Hawak ang bank book na 'yon at ang sulat, doon ako tuluyang naiyak. Noong magkasakit si Mommy at naibenta ang bahay at coffee shop namin dito sa Isabela, akala ko naiwan akong walang-wala. But my parents were reaching out from the past to protect me. Pagkatapos ng lahat ng 'yon, pumasok sa buhay ko sina Ninang Haylene at Ninong Angelo. They took me in when I had nowhere else to go. Inalagaan nila ako, pinakain, at minahal na parang sarili nilang anak. And then there was Kyro, my best friend, who never left me even when I became someone I barely recognized. Tatlong taong hindi sumuko sa akin kahit ilang beses akong sumuko sa sarili ko. They stayed through the nights when I couldn't stop crying. They sat with me in the silence when I couldn't find my voice to express what I was feeling. They let me grieve without rushing my healing, reminding me, again and again, that I still had a reason to keep going. Hindi naging madali dahil hindi rin naman biglang nawala ang sakit. There were days when I thought I was finally okay, only to wake up the next morning with the same emptiness in my chest. May mga araw na tanggap ko na. May mga araw naman na galit ako sa mundo dahil kahit ano’ng gawin ko, hindi ko na sila maibabalik. But little by little, I learned to accept what happened. Hindi dahil tumigil na akong masaktan. Hindi dahil nakalimutan ko na sila. Tinanggap ko na lang dahil kailangan. Kailangan kong mabuhay dahil may tatlong taong hindi ako iniwan at sinukuan. May tatlong tao na minahal ako, at piniling manatili kahit ang hirap kong intindihin. They never asked me to forget the family I lost. They simply taught me that losing them didn't mean I had to lose myself, too. So I learned to love myself again. I learned to wake up without wishing the day would end. I learned to smile, even when it still hurt. And eventually, I understood that acceptance doesn't mean the pain disappears. Sometimes, it simply means learning how to carry it without letting it destroy you. And because three people refused to give up on me, I slowly found my way back to life. *** Malamig ang buga ng aircon at amoy alcohol ang clinic. Nakaupo ako sa examination chair habang si Kyro ay nakatayo sa likod ko, his hand resting gently on the back of my seat. Si Dr. Santos naman ay nakaupo sa desk habang tinitingnan ang huling brain scan ko. "Physically, everything is normal, Dominique," nakangiting panimula ni dok. "The physical ability to speak is still there, as I always say. Don’t worry, you’ll get your voice back once your mind feels safe again.” Inabot niya ang reseta. "I’m updating your meds, pero ipagpatuloy pa rin natin ang therapy, okay?” Ngumiti ako at tumango. Si Kyro naman ay hinagod ang aking balikat para pasimpleng magbigay ng lakas ng loob. Dalawang taon na rin ang lumipas. The family I have now always makes me feel loved and safe, pero bakit kaya hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang boses ko? Babalik din, Dominique. Babalik din. Iyon na lang ang paulit-ulit kong itinatatak sa isip ko. In God’s perfect timing. Blurred pa rin sa akin ang nangyari bago ako mahimatay sa sementeryo noong araw na 'yon. Ang naaalala ko lang, nakaluhod ako sa putik habang tumatama ang ulan sa mukha ko, trying to scream for my parents—a scream that died in my throat. Then, pitch black. Nagising na lang ako sa ospital. Pero may isang memoryang nananatiling malinaw. Ang isang pares ng mainit na kamay na sumalo sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay, a deep voice whispering to me to just breathe. Inisip ko na lang na baka hallucination lang 'yon. *** After weeks of packing, bumiyahe na kami patungong Maynila dahil isang linggo na lang ay pasukan na sa college. Kasama ko sina Ninang at Kyro habang si Ninong naman ay naiwan muna dahil sa isang business trip. Bago dumiretso sa lilipatan naming apartment malapit sa university, dumaan muna kami sa bahay ng mga lolo at lola ni Kyro sa Bulacan. Pagbaba pa lang namin ng kotse, nandoon na ang dalawang matanda sa balkonahe. "Nandito na ang mga apo ko!" masayang bati ni Lola Carmen sabay yakap sa amin. Tumingin naman si Lolo Vicente sa amin at ngumiti. "Kaibigan lang ba talaga? Baka sa huli, kayo rin pala nitong si Dominique, Kyro." Ang dalawang ’to talaga! My heart was pounding so hard. Their words struck a quiet, foolish hope inside my chest. Uminit tuloy ang mukha ko kaya napayuko ako. Pero si Kyro? Hayan, tulad pa rin ng dati, tumatawa na parang isang napakalaking joke no’n kapag iyon ang nagiging topic. "Naku, pinagtutulungan n’yo na naman ako. Iniirapan tuloy ako ni Nique," natatawang sabi niya saka ako inakbayan. "Para ko nang baby sister itong si Nique.” Baby sister. Pinilit kong ngumiti at tumango na lang ng pagsang-ayon sa sinabi niya na parang hindi nawasak ang puso ko. I knew it all along. Para kay Kyro, isa lang akong nakababatang kapatid na kailangan niyang alagaan, kahit isang taon lang naman ang agwat namin. Nothing more, nothing less. Hanggang doon lang talaga. I stood there in my silence, feeling that familiar ache bleed through my chest. Ang hirap naman nito... Ang hirap magmahal, lalo na kung best friend mo ang mahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD