”Nique, gising na. Nandito na tayo."
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. The afternoon sunlight was the first thing that hit my vision, but it was quickly replaced by a familiar face. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha ni Kyro sa akin.
Doon ko lang narealize na nakasandal pala ang ulo ko sa balikat niya sa buong biyahe. Hindi naman gano’n kalayo ang biyahe mula Bulacan hanggang Quezon City pero namamahay kasi ako kagabi kaya halos hindi ako nakatulog.
For a few seconds, I just stared at him.
Ang haba ng pilikmata niya. Ang linaw ng panga. There was always this effortless charm about Kyro. At sa bawat pagtitig ko sa kaniya, I quietly reminded myself how much I adored him. Kung gaano kalalim ang pagmamahal na itinago ko noon pa man.
Bahagyang kumunot ang noo niya bago dahan-dahang lumabas ang pamilyar na nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Alam kong gwapo ako, Nique, pero baka matunaw na 'ko sa titig mo," pabiro niyang bulong, slightly leaning in with that playful smirk.
Natauhan ako agad.
“Gaga ka talaga, Dominique!” I scolded myself, wanting to slap my own face in utter embarrassment. Bakit ko ba siya tinitigan nang gano'n?
Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na kumumpas ng sign language.
'Feeling! Lumayo ka nga sa akin at baka masapok kita!'
Natawa nang malakas si Kyro. Bahagya pa niyang inayos ang akbay sa akin bago lalong nang-asar.
"Baka nafo-fall ka na sa 'kin niyan, Nique, ha? Alam kong gwapo ako pero ngayon pa lang, basted ka na."
He was laughing. It was just a joke to him. A harmless, stupid banter between best friends.
Pero sa loob-loob ko, parang may sumaksak na naman sa dibdib ko. That familiar, dull ache. Ito 'yong mahirap kapag nakatago ang feelings mo. Kahit biruan lang, bawat salita, tumatama sa totoong sugat.
Para hindi mahalata ang nararamdaman ko, tinampal ko nang malakas ang noo niya.
"Aray! Simula noon ang hilig mong manakit. Love language mo talaga ’yan, ano? Ang sakit-sakit mo namang magmahal, Nique!" reklamo niya habang hawak ang noo.
Mabilis akong nag-sign. ‘Yuck! Kadiri ka!’
Tinulak ko siya palayo sa akin habang nakaakbay pa rin siya.
"Kayo talagang dalawa kahit kailan,” ani ni Ninang Haylene mula sa driver's seat sabay iling. "Bumaba na nga kayo riyan.”
Pababa na kami ng van habang iginala ko ang paningin ko sa lugar. May sariling condo sina Ninang Haylene na puwede naman sana naming tuluyan pero mas pinili naming mag-apartment ni Kyro dahil walking distance lang itong apartment papuntang Metro Horizon University. Ang kupad pa namang gumalaw nitong si Kyro lalo na sa umaga at baka araw-araw na lang kaming ma-late dahil sa kaniya.
Hindi pa rin tumitigil si Kyro sa pagtawa habang inaasar ako. To cover up my feelings so he wouldn't suspect a thing, humarap ako sa kaniya at mabilis ulit na nag-sign language para makaganti.
'Kakaganyan mo, baka ikaw ang ma-fall sa 'kin, Kyro, ha! Sinasabi ko sa ’yo, masasaktan ka lang kasi hindi kita type!'
Pero lahat nang ’yon, kasinungalingan. Sabihin nga lang niya sa akin na mahal niya ako higit pa sa kaibigan, kahit walang ligaw-ligaw, oo na agad ang sagot ko.
Pero ang gago, natawa lang lalo. Nakahanda na sana siyang magpakawala ng panibagong pang-asar ’nung biglang bumukas ang bakal na gate ng compound sa harap namin.
Isang matandang babae na siguro'y nasa late 50s ang lumabas. May katabaan ito, at naka-duster. Sa likod niya ay isang binata na parang ka-edad lang namin ni Kyro.
Lumapit si Ninang Haylene para makipag-kamay. "Magandang hapon po. Ako po si Haylene. May pinareserve po akong kwarto para sa mga anak ko."
Bumaling si Ninang sa akin at inakbayan ako nang malambot. "Ito po si Dominique. At ito naman po si Kyro."
"Ah, oo. Naaalala ko. Ikaw ’yung tumawag kanina?” nakangiting turan ng matanda.
“Ako nga po,” pagsang-ayon naman ni Ninang.
“Naku, kanina ko pa kayo hinihintay.”
Ngumiti ako nang bahagya. She reminds me of... lola. Parang gusto ko tuloy umiyak. Pinigilan ko lang.
"Pasok kayo, pasok!" alok ni Aling Lita habang pinagbubuksan kami nang malapad.
Pagpasok namin sa gate ng compound, iginala ko ang paningin ko. Ang bungad agad sa harapan ay ang isang three-story building na may sturdy cream and brown finish. Maayos ang maintenance at malinis ang paligid. May dalawang katamtamang laking kubo rin sa magkabilang gilid. Siguro tambayan ng mga tenant iyon.
Pinalapit kami ni Aling Lita sa isang kwarto sa first floor, kung saan naroon ang administrative office at ang mismong tirahan niya.
"Dito muna kayo maupo," alok niya nang makapasok kami sa maliit na silid.
Tinawag ni Aling Lita ang binatang kasama niya kanina pagkaraan ng ilang minuto matapos nilang mag-usap ni Ninang.
"Anton, ihatid mo na 'yong mga gamit nitong si Kyro sa kwarto niya para makapag-ayos na siya roon."
Agad namang tumalima ang lalaki.
Nang mailabas na ang mga gamit ni Kyro, lumapit siya sa akin habang seryoso ang mukha.
"Nique, 'yong gamot mo sa gabi, 'wag mong kakalimutan inumin, ha? Chat ka agad sa 'kin kapag may kailangan ka. Isang tawag o chat mo lang, pupuntahan agad kita.”
Sige, Kyro. Ilubog mo pa ako lalo. Masiyado na akong nalulunod sa pagmamahal ko sa ’yo tapos ganiyan ka pa nang ganiyan, bwisit ka!
"O siya, Kyro, sumunod ka na kay Anton doon para maayos mo na ang kwarto mo. Aalis na rin ako at gagabihin na ako sa daan,” sabi ni Ninang Haylene bago tumingin sa akin at kay Aling Lita.
"Mag-ingat kayo ni Kyro dito, anak, ha? Lalo ka na. Kapag may kailangan ka. Kapag may masakit, chat mo ako agad. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. ’Yung mga gamot mo, huwag mong kalimutang inumin. ’Yung sessions mo through online kay dok huwag mo ring kalimutan," sumenyas ako ng tango at mahigpit siyang niyakap bago siya tuluyang umalis.
"Halika na, Dominique, ihahatid na kita sa kwarto mo," masayang aya ni Aling Lita.
Habang papaakyat kami sa sementadong hagdan patungo sa open corridor ng 3rd floor kung saan naroon ang kuwarto ko, kwento nang kwento si Aling Lita.
"Naku, karamihan ng tenant dito, mga estudyante rin diyan sa MHU," kwento ng matanda habang hinihingal nang bahagya sa pag-akyat. "Karamihan naman mababait pwera diyan sa boy's building. Hindi nawawalan ng pasaway. Ay sows! palaging lumalabag ang mga lintis na ’yan sa rules dito. Sumasakit ang ulo ko sa mga ’yan.”
Natawa ako nang tahimik sa hitsura niya habang nagkukwento. Parang isang nanay na stressed na stressed sa mga anak.
Nang makatuntong kami sa open corridor ng 3rd floor, napahinto ako sa paglalakad at sumandal sa barandilya na nakaharap sa kalsada. From where I stood, I could see the entire bustling street below.
Hanay-hanay ang mga karinderya, maliliit na coffee shop, computer shops, at may convenience store pa sa kanto. May maliliit ding talipapa at mga street food stall.
And just a short walk away, the grand entrance gate of Metro Horizon University stood in plain view. Kaya nga mas pinili naming mag-apartment kaysa mag-condo dahil napakalapit lang nito sa unibersidad.
Metro Horizon University offered inclusive classes for speech-impaired students, which was a relief. Inaalala ko lang kasi na baka hindi na bumalik kahit kailan ang boses ko. Kumuha ako ng entrance exam para sa Industrial Design, and fortunately, I passed kahit hindi naman talaga ito ang pangarap kong kurso. Pero kung sakaling bumalik na bigla ang boses ko, pwede naman akong mag-shift ng ibang course. ’Yung course na pangarap ko talaga. Ang broadcasting.
Si Kyro naman, nakapasa sa Marine Transportation. Gustong maging Ship Captain. Pangarap na niya iyon noon pa mang mga bata kami.
Kwento pa rin nang kwento si Aling Lita tungkol sa iba pang tenants, pero bahagya nang nawala ang atensyon ko sa kaniya. I was captivated just staring at the university signage as the afternoon breeze blew past.
Nabalik lang ako sa realidad nang may marinig akong tunog ng bumukas na pinto mula sa kwartong katabi mismo ng nakalaan para sa akin.
Isang babae ang lumabas. Nanlaki ang mga mata ko. Si TJ! Classmate namin siya noong 1st year high school at siya rin ’yung naging matinding crush ni Kyro noon! Nag-transfer si TJ sa Maynila noong 2nd year kaya bigla silang nawalan ng komunikasyon.
Alam kaya ni Kyro na narito si TJ? May kumirot bigla sa dibdib ko.
"Hello po, Aling Lita!" bati ni TJ na may malapad na ngiti bago napalingon sa pwesto ko.
Nang magtama ang mga mata namin, biglang napahinto si TJ. Nanlaki rin ang mga mata niya at napasinghap.
"Dominique?!" gulat na gulat na bulalas ni TJ habang nakatitig sa akin. "Oh my god, ikaw nga! Kamusta na?”
Alanganin at pilit akong ngumiti. Hindi naman niya alam na nawalan ako ng boses. Mula sa bulsa ng suot kong pantalon, inilabas ko ang notepad ko. Hindi naman niya ako maiintindihan kapag sinagot ko siya ng sign language.
‘Okay lang ako. Nice to see you, TJ!’
Bagama't mahahalata sa mukha niya ang kaguluhan kung bakit sinulat ko ang sagot ko sa papel, hindi na siya nagtanong.
“Kumatok ka lang sa pinto ko kapag kailangan mo ng kasama, ha?" Tumango na lang ulit ako at ngumiti nang tipid.
“TJ, maggagabi na, ah? Saan naman ang punta mo at nakaporma ka nang ganyan?" singit ni Aling Lita.
"Ay, may kikitaing kaibigan lang po sa malapit, Aling Lita. Mabilis lang po ako!" sagot ni TJ sabay mabilis na tinakpan ang jacket niya nang mapansin niyang nakasilip ang pusod niya.
"Tandaan mo ang curfew, ha!"
"Opo! Sige po. Nique, mauna na ako!" paalam ni TJ bago mabilis na bumaba sa hagdan.
Pumasok na kami ni Aling Lita sa pinto ng kwarto ko. Ibinaba ni Aling Lita ang breaker at isinindi ang ilaw. A clean, air-freshened studio-type room welcomed us. May sarili itong mini kitchen sa gilid, hiwalay na banyo, isang double-sized bed, at study table na katabi ng malaking bintana.
Nang makalabas na rin si Aling Lita at masarado ang pinto, katahimikan ang bumalot sa kwarto. Iginala ko ang paningin ko sa bawat sulok.
Huminga ako nang malalim at ibinagsak ang sarili sa kama. Sa sobrang pagod ng katawan at isip ko sa buong araw, hindi ko namamalayang nakatulog na ako.
Nagising ako sa gitna ng kadiliman dahil sa ingay. Bwisit akong kinuha ang phone ko sa tabi ng unan.
12:05 AM.
May 12 missed calls at 10 messages si Kyro. Hindi ko na muna binasa dahil sumasakit ang tainga ko sa ingay na naririnig.
Hatinggabi na. There were loud male voices laughing and music echoing from outside.
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kisame. Rubbing my sleepy eyes, I looked for the source of the noise. Sinundan ko ang tunog hanggang sa makarating ako sa may exit door sa bandang mini kitchen na patungo sa mini balcony kung nasaan ang laundry area.
Binuksan ko ang pinto at lumabas. At doon ko narealize kung saan nanggagaling ang ingay. Dahil magkatalikuran ang All-Girls at All-Boys Apartment sa loob ng compound, direktang magkatapat ang mini balcony at laundry area ng mga kwarto sa likod! Mga tatlong dipa lang ang pagitan ng dalawang gusali, kaya kitang-kita at rinig na rinig mula sa balcony ko ang ginagawa ng mga nasa boys building.
And there were guys on the other side.
They were throwing a wild party. From here, maliwanag na nakikita ang loob dahil nakabukas ang kurtina sa sliding door nila. Hindi iyon tinted kaya kitang-kita sa loob. Halos mapuno ng usok doon sa loob na akala mo’y may mga kapreng naninigarilyo doon. Ito na ’yung sinasabi ni Aling Lita na sakit ng ulo niya.
But what made it worse, may isang babaeng nakatayo sa gitna ng sala nila na nakasuot lang ng pulang bra at panty habang sumasayaw sa harap ng limang lalaki!
Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat nang humiyaw ang mga lalaki dahil tinanggal ng babae ang maskara niya. At nang maalis iyon sa mukha ng babae, muli akong napasinghap. Si TJ!
Hindi rin nagtagal nang bigla nalang may isa sa mga lalaki ang tila galit na tumayo mula sa sofa. Lumapit ito kay TJ, mabilis na binalot ng jacket ang katawan ng babae, at binuhat ito nang pilit na parang isang sako ng bigas para ilayo sa gitna.
Nang tumama ang ilaw sa mukha ng lalaking iyon, parang huminto ang mundo ko.
Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa kanila. It was Kyro. Ang sakit-sakit sa dibdib na makitang gano'n ang reaksyon niya. Ang matinding pag-aalala at galit sa mga mata niya para kay TJ. Bawat segundo na nakikita ko silang dalawa, mas lalong sumisiksik sa puso ko ang katotohanang hindi kailanman magiging ako ang papahalagahan niya nang ganoon.
Nasa gitna ako ng ganoong matinding sakit at pagkabigla nang biglang bumukas ang sliding glass door mula sa balcony ng kwartong iyon sa tapat at may panibagong lalaking lumabas.
He carried a raw, unbothered bad-boy aura that immediately commanded the room's energy. Matangkad siya at walang suot na damit paitaas. Naka-low-slung black pants ito na bahagyang nakababa, sapat para sumilip ang garter ng kaniyang brief mula sa waistline.
Under the faint balcony light, every contour of his toned physique was visible. From the sharp alignment of his collarbones down to the cut of his rock-hard abs. The boy was effortlessly sexy. Napalunok ako nang sariling laway habang nakatitig sa kaniya.
Intimidating ang kaniyang kaanyuan. Dark hair slightly tousled, sharply defined jawline, and a face so stoic and cold that it felt like he had never smiled a day in his life. May hawak siyang kalahating bote ng alak sa kanang kamay at isang itim na vape sa kabila.
Dahil medyo madilim sa kinaroroonan ko, hindi niya siguro agad ako napansin.
Dahan-dahan akong humakbang paatras para sana pumasok na sa loob. Pero sa sobrang taranta ko, bahagyang tumama ang siko ko sa nakasabit na sampayan.
The small metal click made a sound.
Dahan-dahang nagawi ang tingin ng lalaki sa pwesto ko kaya napahinto ako sa paggalaw. Sa tatlong dipa lang na agwat namin, ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya.
Pinaningkit niya ang kaniyang mga mata para siguro’y mas makita ako habang nakadampi pa rin ang labi niya sa bibig ng bote ng alak.
The guy looked at me completely emotionless, calm, and dangerously composed. Napalunok ako sa uri ng pagkakatitig na iyon sa kaniya.
Ibinaba niya nang mabagal ang bote ng alak nang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. Inangat niya ang vape sa kaniyang mga labi, humipak nang malalim, at dahan-dahang binuga ang makapal at mabangong usok sa hangin. The smoke swirled slowly around his sharp features before drifting into the cold night air.
"Hi, neighbor. Wanna join us here?" sabi niya sa malalim at medyo raspy na boses.
Then, his cold expression broke just a fraction as he let out a slow, dangerously sexy smirk.