Chapter 78: The Hidden Monster of Blood Clan! Tumalon ng ilang beses palayo si Rain Goodman at tinago niya ang kaniyang presensiya bago maglaho. Hindi pa naman niya planong lumisan, hihintayin niya munang lumipas ang ilang minuto bago umalis upang makita kung isa ba sa kasama niya kanina na natirang nabuhay ang Adventurer na nakatadhana. Maliit lang ang tiyansa at masasabing halos tatlo hanggang limang porsiyento lang ang posibilidad na tama ang kaniyang hinala. Gayunpaman, sa maliit na tiyansang iyon ay wala pa rin siyang balak na palagpasin ito. Kasalukuyan siyang nakatago sa sanga ng isang puno. Sa kinaroroonan niya ay malinaw niyang nakikita ang binata at ang Adventurer na nawalan ng malay matapos tumanggap ng pinsala sa marahas na paghagis ni Soren Orlando sa kaniya. Maliit lang ang

