Chapter 77: Is it him? Ang binatang Adventurer sa Blood Clan na naiwang buhay ay walang iba kundi si Rain Goodman. Sa binabalak niyang paghahanap sa kayamanan ay pumili siya ng misyon na may posibilidad na magbigay ng nakatadhanang Adventurer na dapat makakahanap nito. Ang misyon na iyon ay ang bumuo ng grupo na balak sumugod sa Niarich Forest, wala silang ibang dapat gawin bukod sa pumaslang ng mga kalaban. Hindi rin nilagyan ng limitasyon at bilang ang misyon bago ito matapos, kahit na isa lang ang tapusin nila at sa oras na isumite nila ito, maaari na nilang kuhanin ang gantimpala. Pero ang mga gantimpala ay nakadepende sa dami ng mga napatay. Malaki ang ngiti sa labi ni Rain Goodman na nasa katawan ng binatang Adventurer ng Blood Clan. Hindi niya mapigilan ang sarili na paglaruan si

