Chapter 76: I'm here! Pinaslang na ni Soren Orlando ang walo sa kaninang mga buhay na kalaban. Hindi naman ito naging kasing dali ng inaasahan niya, dahil sa natamong pinsala sa mata ay lumikha ito ng mabigat na presyur sa balikat niya. Bagay na pumagod sa kaniyang mentalidad habang lumalaban, kaya ang katawan niya na hindi pa dapat hinahabol ang hininga ay matiwasay na nakatingin sa natirang binata sa malayo habang humihinga ng malalalim. Tumingin siya ng mata sa mata rito at muling nagsalita, "Wala ka talagang balak na protektahan ang karangalan ng angkan niyo kahit sa huling sandali?" Ang nanginginig sa takot na mga braso at paa ng kalaban sa malayo ay unti-unting huminto. Taimtim niyang tiningala ang medyo nakayukong ulo at tumingin ng mata sa mata kay Soren Orlando. Kahit ang binat

