Chapter 75

1281 Words

Chapter 75: Disappointment! Lahat ng naiwang buhay sa Blood Clan ay walang takot na sumugod sa sumisigaw na binata. Hindi, may naiwang isa sa malayo na kasalukuyan pa ring nanginginig sa takot. Walang kamalay-malay si Soren Orlando na sa simpleng mensahe na binitawan nito, ang determinasyon ng mga kalaban niya ay tatalon ng ganito kataas na kahit ang takot nila ay kinalimutan na nila. Ang tatlo na may makapigil hiningang sama ng tingin ay sumunod sa kasama nilang nauna na kumagat sa mata ng binata. Hindi sila nag-alinlangan, kung kanina ay wala silang problema na tumakas upang mabuhay, ngayon ay wala na silang pakialam kung masawi man sila sa labang ito. Tangi lang mahalaga sa kanila ay ang masiguro na mapapatay nila, o mabigyan ng malalang pinsala ang kalaban na bumastos sa pangalan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD