Chapter 74: Take it back! Pinatay ni Soren Orlando ng walang kahirap-hirap ang tatlong kalaban niya. Ang huli sa tatlong kaharap niya na humiwa ng espada sa leeg niya ay tumanggap din ng malakas na suntok sa mukha, wala itong kamalay-malay na ang nahiwa pala nitong laman ay ang katawan ng walang buhay niyang kasama. Hindi rin naman kasi sasapat ang antas ng talim ng espada nito para humiwa ng malalim sa kahit anong bahagi ng katawan niya. Ang mas kinatakot ng mga naiwang nasa paligid ay nalaman nilang ginawa niya ito sa paraan na hindi masiyadong gumagamit ng pisikal na lakas. Sa mga huling atake na pinakawalan niya ay nalaman nilang hindi pala talaga niya binubuhos ang tunay na kapangyarihan, sa halip, isa pala itong patibong upang mabigyan sila ng pinsala nang hindi na makatakas pa sa

