“Nika, kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reached ang number mo. What is wrong with you?” Parang asar na tanong ni Therese sa kanya nang sa wakas ay ma-contact siya nito. Past eleven PM na no’n at matutulog na siya nang mapansin niyang dead battery pala ang cellphone niya. Hindi na nga alam ni Nika kung kailan ‘yon namatay. Since breaking up with Brian and losing Troy, wala ng gamit sa kanya ang naturang aparato. MInsan pinagtitinginan na lang niya ng oras kapag nakakalimutan niyang may wristwatch pala siya. “Gabing-gabi na. Hindi na ba ‘yan makapaghihintay ng bukas, Therese?” Walang ganang tanong niya. “This is important, Nika. May buyer na ang bahay ni Troy. They’re willing to pay in cash kahit ngayon na mismo.” “What?” Nanghina siya sa narinig. Pagod na pagod siya sa maghapon

