After a week, sumama si Nika nang bisitahin nina Diana at Beth si Troy sa condo unit nito at ni Melissa. Miss na miss na niya ang binata kaya naman halos maging emosyonal na naman siya nang finally ay makita niya ulit ito. Wala pa ring improvement sa mga paa ni Troy pero mas maliwanag na ang mukha nito. He looked happy. Mas masigla na rin. "Nasa duty pa si Melissa, mama." Narinig niyang sabi ni Troy nang hanapin ng ina nito ang girlfriend nito. "Hindi ka ba nahihirapang mag-isa rito?" Ani Beth na inusisa agad ang kusina kung may kinakain bang maayos ang anak nito. "Not really," tugon ng binata. "Nagtatrabaho na ulit ako, Ma. Work from home. Pinayagan na ako ng boss ko." "Mabuti kung gano'n. Pero 'wag kang magpapagod." "Hindi naman nakakapagod ang makinig lang sa reports at magsu

