c7

2102 Words
"Babe, we're here." Nagising si Nika sa bahagyang pagyugyog ni Brian sa kanya. "We are?" Humihikab na tanong niya. She actually slept habang nasa byahe sila. Somehow napagaan no'n ang pakiramdam niya. "Salamat sa pagsundo sa akin, Brian." "My pleasure." Ngumiti ito. "After all, you are going to be my wife. I have to get used to this," he cupped her face and slowly bent his head. "I love you, Nika." She smiled. She wondered why she couldn't bring herself to say I love you too. She closed her eyes, she knew he was going to kiss her ----  Beeeeeeeep! Sabay silang napaigtad ni Brian nang bigla silang businahan nang pagkalakas-lakas. Nasilaw din sila sa headlight ng kotseng papalabas sa garahe nila. Nagmamadali ito like sasagasaan talaga sila kung hindi pa sila aabante ni Brian. "Is that Troy again?!" Yamot na yamot si Brian habang iniaalis ang kotse nitong nakaharang sa labasan. "No," aniya. Hindi na 'yon kotse ni Troy, matagal na nitong ibinigay iyon sa papa nito. "Bakit sila nagmamadali? Dis oras na ng gabi." Sinipat niya ng tingin ang suot na wristwatch, madaling araw na pala. "Sige na babe, magpahinga ka na," sabi ni Brian na wala ng balak ituloy ang plano nitong halikan siya kanina. "Salamat ulit." Bumaba na siya sa kotse at kinumbinse ang sarili na okay lang 'yon.  Pero nagtataka pa rin siya kung bakit humaharurot na umalis ang isang kotse sa garahe nila. Tinted iyon at madilim din kaya 'di niya alam kung si Troy nga ba ang sakay no'n. "Nika! Anak!" Papasok pa lang siya sa gate ay sinalubong na siya nang umiiyak na si Diana. "Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinihintay!" "Mama!" Nagulat siya. "Bakit po gising pa kayo? Bakit po kayo umiiyak? May nangyari po ba? Sino po yung umalis?" Sunud-sunod at kinakabahang tanong niya sa ina. "Anak, 'wag kang mabibigla..." Hinawakan nito nang mahigpit ang mga kamay niya. "Naaksidente si Troy." She burst into tears once more. "Malubha ang kalagayan niya!" "What?!" Halos usal lang niya na mistulang tinakasan ng dugo ang buong katawan niya, bigla siyang nanlamig at nanghina. "Hindi po totoo 'yan -- " he was just with her earlier that night, hindi pwedeng naaksidente ito... Hindi pwede dahil wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. "Sa may SLEX, Nika. Pumailalim siya sa isang truck." Sukat sa narinig ay umiyak na siya, si Troy ang naaksidente sa nadaanan nila! How did it happen? Nakauwi na ito two hours bago siya umuwi. At kung sa expressway, ibig sabihin bumalik ito? Naalala ba ni Troy na wala siyang sasakyan kaya bumalik ito? "Bilisan mo anak, susunod tayo sa ospital." "Noooooooo! It can't be!!!!!!!" umiiyak na patakbo niyang binalikan si Brian, she had to ask him na ihatid sila kay Troy. "Halika na, ma!" "I'm sorry, Troy... Please be well... I'm coming..." She whispered following a prayer that she hoped would reach heaven. "Please not now, don't leave me!" ----- Matindi ang tinamong pinsala ni Troy. Bagamat tagumpay na masagip ang buhay ng binata, wala pa ring kasiguraduhan na magsusurvive ito sa mga susunod na mga oras at araw. Hindi pa rin kasi ito nagkakamalay.  And every second na hindi ito kumikilos ay halos ikamatay din ni Nika. Kapag hindi nagsurvive si Troy, kasalanan niya. Wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya. If she didn't break his heart, dapat wala ito sa piling ng mga life support machines ngayon.  Dapat gising ito at punumpuno ng buhay, dapat nakatayo ito at kinukulit siyang tugunin ang pagmamahal nito. Kung pwede lang niyang irewind ang lahat, hindi niya hahayaang umalis itong masama ang loob. Sana hindi niya sinabi noon dito na engaged na siya kay Brian. Sana, sana, sana... "Aren't you going home?" Brian gently asked her from her side, inaabutan siya nito ng panyo. Ni hindi niya naramdaman ang presensiya nito. "Hindi ko kayang iwan si Troy ngayon," she answered. That's the least she could do for him now, 'yong manatili lang doon baka hanapin siya nito kapag nagkamalay ito. "Look, Nika. I'm sorry for what happened with Troy. Pero you have a schedule with Aunt Clarisse today. Babe, you have to be there." "Troy needs me here," she said firmly. Her wedding was not her priority right now. Ang pinakaimportante ay mabigyan siya ng assurance na mabubuhay si Troy. Iyon ang priority niya. Iyong matiyak na humihinga pa rin ito. "Nika - " gusto pa sanang makipag-argue ni Brian pero tumahimik na lang ito. Na-guilty tuloy siya. Hindi dapat madamay si Brian. But she couldn't help it, kailangan siya ni Troy. "I'm sorry," she told Brian. "I promise, pupuntahan ko ang Tita mo once Troy wakes up." She forced a smile.  "It's okay, I understand." Inakbayan siya ng binata at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. "I'm sure Troy will overcome this. He has to wake up and stop our wedding!" He laughed at his joke pero tumigil din agad nang marealize nitong 'di niya nagustuhan ang sinabi nito. "I'm just kidding," bawi nito. "I've already hurt him enough, Brian." Naipagtapat na niya dito na si Troy talaga ang nagdala at nag-iwan sa kanya sa Tagaytay. It was just good na hindi ito nagalit. In fact natutuwa raw umano ito that she stood up for their love at ito umano ang pinili niya. "It's not your fault, Nika," sabi nito. "Hindi natuturuan ang puso na magmahal. Like it learned to love me from the very start." Now wasn't he a bit confident with that? But Nika didn't want to push the issue. She just smiled a little, baka isipin naman ni Brian na hindi niya ito totoong mahal kapag kumontra pa siya. "Halika na, kain muna tayo." Hinayaan niyang alalayan siya nito. Pero hindi pa sila nakalalayo nang nagmamadali ang mga doctor at nurses papunta sa ICU kung saan naroon si Troy. Awtomatiko siyang binalot ng takot at nagmamadali ring bumalik. "Troy, please lumaban ka!" Inabutan nilang kakapalabas lang kay Beth na nasa tabi ni Troy kanina. She was crying like a baby. She rushed to her and hugged her very tight. 'Please hold on, Troy... Please, please, please..........' Nika cried. ***** Troy survived. At ang good news, naging stable ang lagay nito ng mga sumunod na mga oras. But what kills Nika was the fact that he was still in coma. Natatakot siya na baka hindi na ito magising. Sabi ng doktor milagro na nakaligtas si Troy.  Na kahit comatose ito, dapat na silang magpasalamat. Kung hindi naman ito kusang nahulog sa pagkakahimbing, the doctors would have to put him into a medically induced coma para magkaroon muna ng pagkakataong maghilom ang mga sugat ng binata. 'Troy... Please, don't be so engrossed in your sleep... I need you to come back to me...' piping hiling ni Nikahabang nakatingin sa kinakapatid mula sa salamin na parte ng pintuan ng ICU. Kalunos-lunos ang itsura ni Troy at ang kaalamang siya ang dahilan ng sinapit ng binata ay sapat na para lamunin siya ng konsesya niya sa bawat oras na lumilipass. 'Please, wake up, Troy. I will not be able to forgive myself kapag 'di ka gumising...' ***** Pangalawang araw na, thirtieth birthday ni Nika and her supposed to be wedding day. But since Troy was not showing any sign that he was waking up anytime soon, Nika and Brian had to postpone their wedding for at least a week. "Happy birthday, babe," Brian greeted her from the other line. "I am sorry I can't be there, may importante lang akong kailangang ayusin." "Thanks, Brian. It's okay. I am not celebrating anyway." How could she? Unang-una sa lahat, hindi niya kayang magcelebrate na wala si Troy, it would be the first time in so many years and she couldn't afford to celebrate while he was in coma.  Pangalawa, wala sa tabi niya ang fiancé niya. He flew to Singapore for some business matter. Must be very important that Nika thought Brian had no problem agreeing to postpone their wedding and leave her alone on her birthday. Troy would never do that, never did he miss her birthday for some more important things, ngayon lang, while he was fighting for his very life. "I will make it up to you once I get back... And please, don't forget to drop by Aunt Clarisse, okay? She is expecting you later this afternoon." "Yes, babe." "I love you." She ended the call instead of saying she loves him too. One day, masasabi rin niya 'yon. Mahal naman niya talaga ito. Baka nahihiya pa lang siya. ***** Hindi pa nakakapunta si Nika sa bridal shop ng Tita ni Brian kaya naman nahirapan siyang hanapin ang address na binigay ng fiance niya. Papasok na siya sa mga iskenita when finally she spotted the shop.  Clarissa's Bridal Shop, she read sa pulang signage. May inaalikabok na wedding gown na makikita mula sa glass wall nito. She gently pushed the door and was wandering inside when a fat woman in her fiftys suddenly appeared behind her. "Nika?" Pahulang sabi nito. "That would be me." She smiled. "Tamang-tama ang dating mo. Ako si Clarisse." Nakangiti rin nitong tugon at iginiya siya sa loob pa ng shop. May kinuha ito mula sa rack ng mga iba't ibang gown, nakahanger iyon ngunit nababalot ng plastic. "Ito ang napili nina Brian at Eunice na susuotin mo." "What?!" Nadisappoint siya. Silang dalawa ba ang magpapakasal para sila ang mamili ng isusuot niya? "Nagpunta sila noong isang araw, busy ka kaya nagmagandang loob na lang si Eunice. Sa tingin ko naman magkasukat kayo," inilapit nito sa kanya ang gown. "Napakaganda ng batang iyon." Gusto nang magwalkout ni Nika. Lahat ng lumalabas sa bibig ni Clarisse ay nakakapagpasama ng loob niya. Besides, how could Brian allow such a thing? Si Eunice ba ang bride nito? "Naku, hindi mo ba nagustuhan?" Mukhang nahalata nito ang inis na nararamdaman niya. "Ang sabi kasi ni Brian, okay sa'yo ang RTW..." "Wala pong problema." Pilit na ngumiti siya at inabot ang gown. The first thing that she wanted to do ay sirain iyon but she managed to stay calm as she gently removed the plastic. She should agree na maganda ang napili ni Eunice. Ang problema, masyadong sexy iyon sa gawing dibdib. But if Brian agreed with the design, he must have wanted to see her wearing it. Kaya nagpaalam siyang isusukat muna iyon. Hindi kumasya sa kanya. It was as if the gown was made to fit Eunice. But she was sure na kaunting alterations lang naman ang gagawin doon at pwede na niyang isuot sa civil wedding ceremony nila. It's a civil wedding but they decided na magbibihis pa rin siya ng simpleng wedding gown. "Nagustuhan mo ba?" Alanganing tanong ni Clarisse, marahil napansin nitong walang excitement sa mukha niya. "Opo. Pakikuha na lang po ang sukat ko para maayos na." Nagpilit siya ulit ng ngiti.  "Naku, oo naman. Handa na agad ito bukas," she assured her habang sinusukatan siya. "Salamat po." Pagkatapos niyang makuhaan ng measurement, dumiretso siya ulit sa ospital. Wala siyang ideya kung kailan magkakamalay si Troy. Ang sigurado lang niya, kinakain na siya ng guilt by just looking at his almost lifeless body. Kung sana pwede niyang ulitin ang mga pangyayari, hindi niya sasaktan nang gano'n si Troy. Siguro kung alam niyang mangyayari ang sinapit nito, baka kahit ayaw niya tatanggapin na lang niya ang marriage proposal nito. Kaya niyang tiisin ang kaligayahan niya pero hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Espesyal ito sa kanya at habambuhay na itong may uukupahing espasyo sa puso niya.  Hindi man niya ito mahal in a romantic way, mahal na mahal naman niya ito bilang nakababatang kapatid. ***** Mag-aapat na araw nang comatose si Troy. Bukod pa roon, napinsala nang husto ang mga paa ng binata at sinabi ng mga doktor na kakailanganin nito ng therapy kapag nagkamalay na ito. That he would not be able to walk for some time. Habang tulog ang binata ay pumailalim na rin ito sa ilang reconstruction surgery. Napatingin siya sa kanang kamay ni Troy na hawak-hawak niya. Evident pa rin doon ang ginawa nitong pagsuntok sa pader. He chose to hurt himself than hurt her. "I'm sorry, Troy." She cried once again, hawak niya ang kamay ng binata habang nakasubsob sa gilid ng kama nito. "Mahal kita. Hindi man 'yon sapat para pakasalan kita, sapat naman 'yon para hindi ko kayaning mawala ka. Patawarin mo na ako, Troy..." "Gumising ka na," pakiusap niya. "Kailangan ka namin. Kailangan kita. Ate Nika misses you a lot already, Troy." She was in that position when his hand moved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD