"Troy? Troy!" She pressed the buzzer beside his bed when he slowly opened his eyes. "Troy!" Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman when the doctors and nurses rushed in to check on Troy. "He's awake!" Umiiyak sa tuwang sabi niya kay Beth. "Salamat sa Diyos!" Nika was beyond happy. Finally, Troy was awake. Ligtas na ito! Makakahinga na siya nang maluwag. ----- "Troy, anak," si Beth, maluha-luha pa rin ito pero sinikap nitong 'wag ipakita iyon kay Troy kahit pa tears of joy na ang mga iyon. "Kumusta ang pakiramdam mo? 'Andito kami lahat, anak." Troy acknowledged everyone except Nika at nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib ang dalaga. Galit sa kanya si Troy. Hindi niya alam kung napapansin ng mga magulang nila pero hindi pa siya tinatapunan ng tingin ni Troy mula nang pumasok sila s

