"Brian," tinawagan niya ang kasintahan dahil lumipas na ang magdamag ay hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya gayong nakauwi na ito galing sa Singapore. At that point, sinukuan na niyang umasa na baka nga isosorpresa siya nito kagaya ng sinabi ng kanyang ama. It wasn't happening and her patience was growing thin. "Nika... I was about to call you," sabi ni Brian. "Nakauwi ka na pala. Bakit hindi mo sinabi sa akin--" she wanted to get mad pero base sa marahas na paghingang ginawa ni Brian sa kabilang linya ay tila ito pa ang na-badtrip. "Eh 'di sana nasalubong man lang kita," sa halip ay dagdag niya. "Actually, I only stayed for one day. Paalis na ulit ako ngayon." "Ha? Nasa bahay ka pa ba? Ihahatid kita--" "Nika, Nika," he cut her. "I'm already at the airport. I'm boarding in fe

