AVEL
Mabilis na pinalibutan ako ng mga guards. Pinadapa ako ng mga ito sa lupa at tulad din sa mundo ng mga tao, pinosasan ng mga ito ang kamay ko. Kitang-kita ko ang pagaalala sa mukha ng mga kababaihan at mga bata. Hawak hawak ng mga ito ang anak na tila natatakot sa akin.
Napakarami nila. Naririto ang lahat na para bang lilitisin na ako.
Pagkatapos ay tinayo ako at pilit dinala sa gitna, kung saan makikita ako ng lahat.
"Makinig kayong lahat! May isang taong nilalang na nakarating sa ating mundo!" Sabi ng tila pinakahead sa guard.
Nagkarinig ako ng mga bulungan at mga boses na tila natatakot. Ang mga ibang bata at umiiyak. "Hindi namin alam kung paano nangyari ito, pero sisiguraduhin naming hindi magwawagi ang nilalang na ito! Wala kayong dapat ikabahala!"
Napalunok ako. Ni hindi ko mahanap ang dila ko para magsalita.
Tinignan ako nang matiim ng guard na mukhang malalim ang galit sa akin. "Paano ka napasok dito? Isa ka lamang hamak na tao. Paano ang tulad mo ay magkakaroon ng kakayahan pumasok dito? Panganib ka ba?"
Sumagot ang isang guard. "Malamang panganib! Kailangan pa bang tanungin 'yan? Atsaka, meron bang biktima na sasabihin ang totoong pakay niya?"
Nainis ang isa. "Manahimik ka! Huwag mong pakialamanan ang diskarte ko!" Nagangilan ang mga ito.
Muli akong tinignan ng lalaking may napakagandang mukha. "Alam mo bang nasa teritoryo ka ng ibang nilalang? At hindi lang basta nilalang. Dahil kayang-kaya ka namin patayin dito. Kung isa kang panganib sa mundo namin at buhay ng mga tagarito, hindi ako mangingiming patayin ka sa harap ng lahat,"
Napalunok ako nang matindi. Sinasabi ko na nga ba. Dapat talaga sinamahan ako rito ni Cygnus. Nakakainis talaga!
Tumikhim ako at nilinis ko ang bara sa lalamunan ko. Kailangan ko maging matapang.
"H-Hindi... Hindi niyo ako kailangang patayin," nanginginig na sambit ko.
"At bakit?" Nakita ko ang namumuong bilog na kuryente sa palad nito. Natakot ako. Alam kong kapag dumampi 'yon sa balat ko ay mamamatay ako. Diyos ko!
"H-Hindi ako banta sa Ereve... at sa mga tao niyo rito," malumanay na paliwanag ko.
Narinig ko ang mga pagsinghap ng mga nilalang. Kumunot ang noo ng guard. "Alam mo ang kaharian namin? Alam mo ang Ereve? Kaya kitang amuyin. Hindi ka Enchanted. Hindi ka rin ibang nilalang na may kapangyarihan. Isa kang purong tao. Paano ang taong katulad mo ay makakapasok sa lagusan ng Ereve?"
Ngumiti ako at pilit na nagrelaks. "Tama ka. Walang sinumang tao ang kayang pumasok dito sa Ereve. At ngayong nakapasok ako ay iisa lamang ang ibig sabihin n'yon. Nakita ko ang pagkapukaw ng interest ng lahat.
"At ano naman 'yon?"
"Dinala ako rito ni Cygnus," maikling sagot ko na nakapagpalaki ng mga mata nito.
Galit ang itsura ng guard. "Dinala ka ni Cygnus! Ang misteryosang manghuhula na 'yon! Hindi lang weirdo, traydor pa! Hala, sige! Hanapin at dakpin ang babaeng 'yon!" galit na galit na sigaw ng guard.
Naalarma ako. Hindi. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Hindi ko gusto na madamay si Cygnus. Dapat kong malusutan 'to.
"Inuulit ko, hindi ako banta sainyong buhay. Naririto ako dahil si Cygnus mismo ang kusang nagsundo sa akin sa mundo ng mga tao. Pinasok niya ang panaginip ko at pinakita sa akin ang premonisyon niya,"
Napasinghap ang lahat at natigilan. Nakita ko na napukaw ko rin ang interest ng guard. Huminga ako nang malalim. "Alam kong mahirap paniwalaan, at hindi ko kayo masisisi. Pero gusto kong ipanatag niyo ang loob niyo sa akin. Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kunin niyo pa si Cygnus dito, 'yon at 'yon ang sasabihin niya,"
"At bakit ka naman kukunin ni Cygnus? Eh hindi nga lumalabas sa lungga niya ang babaeng 'yon!" Sikmat sa akin ng lalaki.
Nagkibit-balikat ako. "Siya ang tanungin mo sa bagay na 'yan. Sa totoo nga lang, ako ang naistorbo dahil sa mundo namin, napakarami kong obligasyon na dapat gawin. Pero nakiusap sa akin si Cygnus na sumama pabalik sa Kaharian niyo,"
"At bakit nga?" Mukhang nanggigigil na talaga sa akin 'yung guard.
"Dahil ayon sa kanyang balintataw, merong isang makapangyarihang grupo ang lulusob at pupuksa sa buong mundo. Ang karagatan ay magiging pula. Ang lupa ay mababalutan ng mga patay na katawan. Ang mga matatanda at iyak ng bata ay maririnig sa kahit saan. Katapusan na ng mundo, ayon sa premonisyon ni Cygnus,"
Lahat ay nabahala at nagsi-iyakan. Napalunok ng matindi ang guard. Mukhang natakot din. "Mukhang kilala niyo naman si Cygnus dito at ang kapangyarihan niya,"
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kung ano ang ginagawa mo rito,"
"Dinala ako ni Cygnus dito dahil ayon daw sa kanyang hula, ako daw ang lalaking magiging tagapagligtas ng sanlibutan. Ako daw ang tatapos sa kaguluhan na 'to,"
Akala ko ay maniniwala sila pero bigla silang bumunghalit ng tawa!
"Hindi ko akalain na magaling ka magbiro!"
"Hindi ako nagbibiro!" Inis na giit ko.
"Hindi nagbibiro? Pero anong pinagsasabi mo? Masyado ka yatang nanaginip pa. Paanong ang tulad mong hamak na isang mortal ang magliligtas sa sanlibutan? Kung kami ngang may kapangyarihan ay hindi mo kaya at nanginginig ka na sa takot, paano pa sila?"
"Iyon ang hindi ko rin alam. Bakit ba sa akin kayo nagagalit? Bakit hindi niyo dalhin dito si Cygnus at siya ang tanungin niyo?" Inis na sagot ko.
"Hindi na kailangan. Tama ang lahat ng sinabi ni Avel. Malapit na ang takdang panahon. Malapit na ang pagpuksa ng mundo at pagdating ng kalaban. Kinakatakutan ko ang mangyayari sa hinaharap. Walang makakasurvive. Lahat tayo ay mamamatay. At ang tanging paraam lamang para hindi tayo mamatay ay sa tulong ng isang purong tao at siya nga si Avel. Sana pagtiwalaan niyo ako sa sinasabi ko. Siya ay mabuting tao at dinala ko siya rito dahil sa mahalagang misyon niya. Sana at huwag kayong matakot sakanya. Hindi siya isamng kaaway,"
Natahimik ang lahat.
Malapit na ang pagpuksa ng mundo at pagdating ng kalaban. Kinakatakutan ko ang mangyayari sa hinaharap. Walang makakasurvive. Lahat tayo ay mamamatay. At ang tanging paraam lamang para hindi tayo mamatay ay sa tulong ng isang purong tao at siya nga si Avel. Sana pagtiwalaan niyo ako sa sinasabi ko. Siya ay mabuting tao at dinala ko siya rito dahil sa mahalagang misyon niya. Sana at huwag kayong matakot sakanya. Hindi siya isamng kaaway,"
Natahimik ang lahat.