Kabanata 8

1004 Words
AVEL Tila may kakaibang pwersa ang mga talampakan ko at paunti-unti akong ibinaba nito. Nang makababa ay nawalan pa ako ng balanse kaya napangudngod ang mukha ko sa lupa. "Hanggang dito na lang muna ako, Avel. Babalik na ako sa lugar ko," Paalam ni Cygnus. Nanglaki ang mga mata ko. "H-Hoy! Teka lang! Iiwan mo ako rito?! Akala ko ba taga rito ka, eh bakit babalik ka sa lugar mo?" Takang sigaw ko. Natawa ito. "Oo nga, taga rito ako sa Ereve. Ngunit tulad sa mundo ng mga tao, may sariling bahay din ako. At gusto ko ng personal space," Napatango ako. "Oh, edi isama mo ako," Umiling ito. "Hindi ka maaari sa lugar ko, Avel. Hindi ako sanay na may kasama sa bahay. Isa pa, alam dito sa Ereve na ako ang misteryosang babae na hindi nagpapakita. At kung oo, ay madalang na madalang. Tinuturing dito ang tahanan ko bilang templo. Isa pa, kailangan mong makahalubilo ang mga nilalang rito sa Ereve. Hindi mangyayari 'yun kung saakin ka lagi bubuntot," paliwanag nito. Napanguso ako. "Eh, s'yempre, sayo lang ako aasa. Ikaw lang naman ang kakilala ko rito eh," "Naniniwala ako na walang gagawin sayong masama ang mga kauri ko, Avel. Magtiwala ka. Hindi ka pwedeng tumira sa akin. Mawawala ang bisa ng kapangyarihan ko. Kailangan ko lagi ang mapag-isa," Napakamot ako sa ulo ko. "Bahala ka. Kapag ako pinatay ng mga kasama mo, konsensya mo rin 'yun. So, anong gagawin ko ngayon?" "Alam kong gagabayan ka ng instinct mo, Avel. Kailangan mong gumalaw sa sarili mo. Ako lang ang nagsundo sayo sa mundo ng tao. Pag-gabay lang ang magagawa ko sayo. Ang mga panaginip ko at ang aking propesiya, 'yan lamang ang tanging tulong ko. At kung kailangan mo ng premonisyon sa hinaharap ay susubukan kong gawin. Pero kung tungkol sa pakikihalubilo sa iba at kung paano mo lulusutan at ipapaliwanag na ikaw ang tagapagligtas, ay diskarte mo na 'yan. Naniniwala akong kaya mo, Avel," Napasinghap ako. Ibang klase! Ano naman ang gagawin ko? Sisigaw ako dito at sasabihing "Hoyyy! Nandito na ako! Ang tagapagligtas niyo!" Hindi ba't nakakahiya naman at para akong tanga 'non. Napangiwi ako sa sariling naisip. Natawa sa akin si Cygnus at humakbang na palayo. "Huwag ka mag-alala, magpapakita ako sayo sa mga susunod na araw. Sa ngayon ay gusto ko nang pahinga upang maging malinaw ang mga panaginip ko. Hanggang sa huli, Avel. Paalam," Nakita kong unti-unti itong naglaho na parang bula. Naiinis na tumayo ako mula sa pagkakahiga sa lupa at iginala ng tingin. Nakakainis. Hindi man lang ako tinour ng Cygnus na 'yon dito sa Ereve. Habang naglalakad ako, hindi ko talaga maiwasan hindi ma-amaze sa mga nakikita ng mata ko. Kung hindi ko lang alam ang totoo, iisipin kong patay na ako at nasa Hardin na ako ng Eden. Napakaganda kasi. Napakapayapa. Nasa gubat ako na hindi ako natatakot na baka sagpangin ako ng mga wild na hayop. Ang yayabong ng mga puno at napakaganda ng kalikasan. Rinig na rinig ko pa ang mga huni ng ibon. Naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa water falls. Napakapayak ng pamumuhay dito at tila ba walang problema ang lugar. Kung may ganito kagandang lugar lang sa mundo ng tao, tiyak na magiging pasyalan ito at tourist spot. Pero... hindi rin. Kasi kung may ganito sa mundo ng mga tao, tiyak ang mga ganid na businessman ay gagawing negosyo ang lugar na ito at pagkakakitaan. Puputulin ang mga puno at tatanggalin ang mga natural resources ng lugar na ito. Tama nga lamang na walang ganito sa mundo ng tao. Dahil ang mga tao ay sakim at ganid. Puro pera lamang ang nasa isip. Hindi katulad ng mga nilalang dito. Pinagyayabong nila ang natural na yaman ng lugar na ito at kontento na ang mga ito sa kung gaano kasimple ang pamumuhay dito. Naglakad lakad pa ako kaya naman nakita ko ang mga maliliit na bahay-bahay. Hindi pa 'yon masyadong kongkreto at parang tent nga lang 'yun kung tutuusin. Maraming mga sugo ng apoy sa paligid ng mga bahay. May nakita rin akong bonfire. Ang simple-simple lang dito pero parang ang saya saya. Nakita kong nagluluto ang iba ng mga isda. Marami ring prutas ang nakahanda. Kumakain pala sila. Akala ko hindi kumakain ang mga nilalang dito eh. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang mga hitik sa bunga na mga puno. Iba't-ibang klaseng mga prutas ang mga naroroon. May mga mansanas at mangga na katulad sa mundo ng tao. Pero meron din mga prutas na never ko pa nakita. Kaya natitiyak kong dito lang nag e-exist ang puno na 'yon. Nag-oobserba lamang ako at nagtatago sa likod ng mga puno. Hindi ko pa talaga alam ang una kong gagawin. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala. Nakita ko ang mga bata na tinuturuan ng kanilang mga ina. May mga libro din pala sila katulad sa mundo ng tao. Para ngang tao rin pala ang mga ito. Isa lang ang napansin ko sa lugar na ito at sa mga nilalang: lahat magaganda at gwapo ang mga ito. Tila Divine ang itsura ng mga ito. Mga mukhang artista. Sa paglalakad ko pa, nakarinig ako ng mga boses. Pagsilip ko sa halamanan, nakita ko ang grupo ng mga batang lalaki at nagpa-praktis. Nage-ensayo ang mga ito sa training. May coach din ang mga bata at tinuturuan kung paano ang tamang pakikipaglaban. At siguro, para matutunan paano ilabas ang kapangyarihan. Ano kaya ang kapangyarihan ng mga Enchanted? Si Cygnus kasi ay panaginip. Nalibang ako sa panonood sa training ng mga ito kaya hindi ko na namalayan na may paparating pala. Huli na nang malaman ko at nasukol ako ng mga lalaking naka-armor na sa tingin ko sa mundo ng tao ay parang mga pulis, o kaya guard. Matalim ang tingin ng mga ito sa akin. Pinapalibutan ako. Napalunok ako nang matindi. "Sino ka? At ano ang ginagawa mo rito sa Ereve? Isa kang estranghero," Tanong sa akin ng isang lalaki. Napalunok ako lalo. Ano nga ba ang sasabihin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD