Kabanata 7

1012 Words
AVEL Akala ko sa movies lang 'yung nangyayari na may mga nagbubukas na portal o mga kakaibang lagusan. Kahit din pala sa totoong buhay. Hinawakan ni Cygnus ang kamay ko at tinignan ako sa mukha na para bang sinasabi na pagkatiwalaan ko siya. Hinatak niya ako patungo sa portal at nang itapak ko ang paa ko roon, tila may magneto ang talampakan ko at parang lumilipad ako sa hangin. "H-Hindi ba tayo babagsak?" Nagaalala kong tanong sa kanya. Tumawa siya at ngumiti. "Masyado kang maraming iniisip, Avel. Hindi ako masamang nilalang. At wala akong ibang intensyon sayo. Hindi kita ipapahamak," Pumikit ako nang mariin. Maniniwala ako sa kanya. Muli akong lumingon para tignan ang bahay ko. Mamimiss ko ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa ibang mundo, hindi ko rin alam kung makakabalik pa ba ako o hindi na. Kaya naman tinatak ko sa isip ko ang bahay ko. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa magulang ko. Kinuyom ko nang maigi ang kamao ko. Di bale, babalik ako at ililigtas ko ang sanlibutan. Nang itapak ko na ang dalawa kong paa sa portal, awtomatikong nagsarado ang portal. Para kaming nasa elevator na tinataas at kadiliman ang nakikita ko. Ilang saglit pa'y biglang may napakalakas na tunog at nakakabingi 'yon. Kaya naman napatakip ako sa tenga ko. "Ano 'yon?" sigaw ko kay Cygnus. Hindi ito sumagot. Maya-maya pa'y sobrang liwanag naman ang sumilaw sa amin. Pataas ng pataas ang portal. Palakas ng palakas din ang pwersa at impact. Feeling ko para akong nasa elevator na anumang sandali ay mahuhulog. Wala naman ako makapitan kaya tanging pag sigaw na lang ang nagawa ko. "Aaaahhh! C-Cygnus! Ano bang kalokohan 'to!" Malakas na singhal ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang sinasabi na magrelax lang ako. Wala na nga akong nagawa kundi magrelax kahit napakahirap gawin. Isang malakas na pagtaas pa, at tuluya nang nawala ang mahikang portal. Bumungad sa akin ang isang lugar... hindi. Isang paraisong Isla. Mapapanganga na sana ako sa ganda, kundi ko lang narealize na nakalutang kami sa ere! Kaya naman pala kitang-kita ko ang view ng buong lugar dahil nasa taas pala kami. "C-Cygnus! Lumilipad tayo! Baka bumagsak ako!" Sigaw ko sa kanya. Ngumiti ito. "Hindi ka mahuhulog dahil nasa ilalim ka ng kapangyarihan ko. Huwag ka magalala, hindi kita ipapahamak, Avel. Maligayang pagdating sa kaharian ng Ereve," Nakangiting wika nito. Nafocus ang atensyon ko sa sinabi niya. "E-Ereve? Ito 'yung lugar niyo, diba? Ito ang kaharian niyo," Tumango ito. Wala sa sariling hinagod ko nang tingin ang kaharian mula sa itaas. Napakaganda. Sobrang ganda. Hindi. Walang sapat na salita para ilarawan ang kaharian na ito. Para akong nasa movie. Para akong nasa Hardin ng Eden. "N-Napakaganda..." wala sa sariling naianas ko. Nakita kong napangiti si Cygnus sa sinabi ko. "Salamat sa papuri, Avel. Pero tunay ang sinabi mo. Napakaganda ng Ereve. Isang paraiso ang lugar na ito at simbolo ng kapayapaan. Nakakalungkot lang na kailangan nating humarap sa digmaan," nanamlay ang mukha nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatingin na lang ako sa ibaba. Parang lugar din ng tao. Walang pinagkaiba. At ang mga itsura ng mga ito, mukha ring tao. Hindi sila mukhang kakaiba. 'Yon nga lang, parang wala kang makikitang hindi gwapo o maganda. Tila lahat ay may magagandang mukha. Nakita ko ang mga bata na tumatakbo patungo sa isang babae. Sinalubong naman ito ng yakap. Nagulat ako nang makita kong may bagpack na suot ang mga bata. "Nag-aaral sila?" Tumango si Cygnus. "Oo," "May school dito?!" Kumunot ang noo ni Cygnus. "May school, pero hindi katulad sa mundo ng mga tao. Ang school dito ay tinuturo at ineenhance ang kakayahan ng isang enchanted. Nagtuturo rin ng kabutihang asal. At mga kaalaman tungkol sa trabaho at pagpapaunlad ng Ereve. Hindi katulad sa mundo ng mga tao na may mga kursong kailangan kunin," "Ahhh... ang galing," Kiming ngumiti ito. "Akala mo, sa mundo lang ng tao pwedeng mag-aral ang isang bata? Para rin kaming mga tao, Avel. Ang pinagkaiba lang namin ay pinanganak kami na may kakaibang kakayahan. May kapangyarihan kami at nasa ibang dako ang mundo namin. Pero tulad niyo, parang mga tao rin kami gumalaw at ang uri ng pamumuhay namin. May damdamin din kami at kung sa mundo ng tao may pera kayo, dito rin. Iba lamang ang tawag," pageesplika niya sa akin. "O-Okay. Kailan tayo bababa?" tanong ko. "Ayos ka na ba? Handa ka nang makita ng harapan ang Ereve at ang mga tao rito?" Hindi ko alam. Muling sinuyod ko ng tingin ang kaharian mula sa itaas. Para itong isang Island. May dagat sa paligid nito. Maraming mayayabong at kakaibang puno. May puting buhangin at may malaking istatwa na may fountain sa gitna ng kaharian. Sa norteng parte ay may isang kastilyo na parang makikita lamang sa pambatang libro. Napakaganda ng kastilyo. Tila nilikha pa noong sinauna, pero napakaganda pa rin. Sa kaliwa at kanang parte, may mga kabahayan. Natitiyak kong doon nakatira ang mga mamamayan. May mga ibang parte na natatabunan ng puno kaya hindi ko malinaw na makita. Basta ang nakikita ko ngayon, ay isang payapa at masayang lugar. Mga batang masisiyahin na sinasalubong ng mga magulang. Tila may kamay na humaplos sa puso ko. Talaga bang kaya kong mamatay ang mga ito? Hindi ko pa sila nakikilala. Pero nakikita at nararamdaman kong mabubuti silang tao. At ang mundo ng mga tao... kaya ko ba talagang mamatay ang pamilya at mga kaibigan ko? Ang mga inosenteng nilalang? Napatingin ako sa palad ko. At ako... kaya ko ba talaga? Ako ba talaga ang lalaking makakatapos sa takdang pagsira ng sanlibutan? May kakayahan ba talaga akong iligtas ang mundo? Ako ba talaga ang lalaki sa propesiya? Lumunok ako nang mariin. At kinuyom ang palad ko. Alam kong hindi ako bibigyan ng Diyos ng mga pagsubok na alam niyang hindi ko kakayanin. Dapat kong kayanin. Naririto na ako. Kailangan kong tanggapin ng buong puso ang mabigat na responsibilidad. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin ako kay Cygnus. "Oo, handa na ako makilala ang kaharian ng Ereve,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD