Kabanata 6

1013 Words
AVEL Pagod na pagod ako habang nasa biyahe pauwi. Ang dami naming ginawa sa University. Ang higpit naman kasi ni Mr. Bagatsing. Strikto pa ito sa deadline kaya naman talagang nagsusunog kami ng kilay. Gutom na rin ako kaya bago ako umuwi ay dumaan ako sa bilihan ng siomai at bumili ng i-di-dinner ko. Ang sakit ng balikat ko at naantok na rin ako. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay humilata sa kama pagkatapos ng napakahabang araw. Pagkabukas ko ng unit ko ay literal akong napanganga at nabitawan ko ang dala komg pagkain. Bumagsak 'yon sa sahig at natapon pa ang toyomansi na kasama ng siomai. "C-Cygnus?!" Napakalakas kong sambit. Nakikita ko lang naman ang isang napakagandang diwata na umiilaw sa maliit kong sofa! Tila hinihintay talaga ako nito. At kumpara sa panaginip ko na parang alikabok ito na mawawala once na hinawakan ko, ngayon ay totoong pigura talaga ang nakikita kong nakaupo ngayon sa sofa ko! Alam kong totoo 'yon dahil nakalundo ang kutson. Ibig sabihin, may tao talagang nakaupo roon! Hindi na ako nanghinayang sa nataponbna pagkain, dahil mas nangingibabaw sa akin ang kakaibang emosyon na hindi ko mawari. "A-Anong ginagawa mo rito? Bakit naririto ka...?" Gulat na gulat na tanong ko. Malungkot ang mukha ni Cygnus. "Avel, humihingi ako ng paumanhin kung nakaabala man ako. Pero naririto talaga ako para kumbinsihin ka na ito na ang takdang araw para pumunta tayo sa mundo ko. Sa mundong ililigtas mo," Nakakasilaw ang liwanag nito. Mukha talaga itong Diyosa. Napalunok ako. Naisip ko ang deadline sa University. Ang mga kailangan kong gawin. Ang magulang ko. Ngunit inunahan na ako ni Cygnus sa anumang sasabihin ko. "Mas importante paba 'yon kaysa sa misyon mo, Avel? Kapag hindi ka sumama sa akin, ang lahat ng ginagawa mo ngayon at mahalaga sayo ay magiging wala ring silbi. Dahil magiging katapusan na ng mundo. Ikaw ang kailangan namin, Avel. Kailangan namin ng tulong mo. Kailangan ka ng mundong ito..." "C-Cygnus..." "Huwag kang mag-alala. Hindi ka mag-isa sa laban na ito. Kasama mo kami. Kakampi mo kami. Ngunit hindi namin kakayanin kung wala ka. Kaya kailangan mo nang magdesisyon," Napakamot ako sa kilay ko. Hindi ko naman alam na ura-urada pala ito. Napabuntong-hininga ako. "Pwede bang magpaalam muna ako sa pamilya at kaibigan ko?" Umiling si Cygnus. "Ipagpaumanhin mo, pero hindi mo maaring sabihin kaninuman ang misyon mo. Dahil pwedeng mabago ang propesiya at ang hinaharap," "P-Pero... nagaalala ako sa kanila," Tumingin siya sa akin ng matiim. "Kung totoong nagaalala ka sa kanila, para sa lahat, gagawin mo kung ano ang tama. Pagkarating mo at nakabalik ka rito, pwedr mo namang sabihin lahat. Pero suhestyon kong sa atin muna ito upang walang mabago sa nakatakdang pangyayari. Kung sasabihin mo ito ngayon, magaalala lang sila at pwede kang mawala sa focus," Napabuntong-hininga ako. "Ako ba talaga ang lalaking tinutukoy sa propesiya? Pero bakit ako?" nagtataka kong anas. Nagkibit-balikat si Cygnus. "Maging ako'y hindi ko rin alam ang kasagutan sa tanong na 'yan, Avel. Pero ikaw ang sinasabi ng panaginip ko. Ikaw ang lalaki sa propesiya. Hinihiling ko na magtiwala ka sa akin. Hindi ako masamang tao. Gusto ko lamang ng payapang buhay at magandang kinabukasan para sa lahat," "Mukhang ganoon na nga. Wala naman akong choice kundi magtiwala sayo," Inayos ko ang mga nahulog kong gamit. "Gaano ba tayo katagal doon? Tiyak kang walang papatay sa akin doon?" "Kung ang tinutukoy mo ay ang mga nilalang sa aming kaharian, ay wala. Mabubuti ang mga nakatira roon. Walang sinuman ang mananakit sayo lalo na kapag nalaman nilang ikaw ang lalaki sa propesiya. Pero kailangan ka naming ingatan. Dahil tiyak kong ang mga kalaban ay gagawa at gagawa ng paraan upang kitlin ang buhay mo," Kahit papaano ay kinabahan ako. "G-Ganoon?" Tumango ito. "Pero huwag ka magalala. Tulad ng sinabi ko sayo, kakampi mo kami. Tutulungan ka namin maging malakas. Hindi ka namin papabayaan. At hindi namin hahayaan na may manakit sayo. Tungkol sa katanungan mo kung gaano tayo katagal doon, ipagpaumanhin mo, pero hindi ko alam ang kasagutan. Hindi natin alam kung kailan ang tinakdang araw ng kalaban para sugurin tayo ang paslangin ang sanlibutan. Pero wala tayong sasayangin na araw," Tumingin ako sa kanya. Nagpatuloy ito. "Araw-araw tayong mageensayo. Para kung dumating ang araw na hindi inaasahan at sila ay lumusob, nai-training ka na namin at kahit papaano ay makakalaban tayo. Tatagan mo lang ang loob mo," Hindi ko alam kung kakabahan ako, maeexcite o kung ano. Basta ang alam ko, sa akin nakataya ang kinabukasan ng lahat. At bakit napakahirap n'yon? "K-Kailan ba tayo aalis...?" tanong ko. Tumingin siya sa akin nang matiim. "Ngayon," Nanglaki ang mga mata ko sa narinig. "Ngayon?! As in... ngayong araw?!" Tumango ito. "Kaya ako naririto upang sunduin ka na papunta sa aming kaharian, Avel. Alam kong nakakagulat. Pero kailangan mo nang makita ang totoong sitwasyon mundo. Kailangan mo nang makapagensayo. Marami ka pang dapat matutunan," "Hindi ba pwedeng bukas na lang?" Huminga nang malalim si Cygnus. "Gustuhin ko man, Avel. Pero hindi maaari. Iba ang oras at panahon sa mundo ng tao sa mundo namin. Mas mabilis ang pagikot ng oras at araw sa mundo namin kumpara rito. Kaya naman kinakailangan ka na roon," Napapikit ako. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naramdaman ko ang palad ni Cygnus sa balikat ko. "Alam kong marami kang katanungan sa isip mo, Avel. Alam kong natatakot ka. At normal lang naman 'yan sa isang mortal na taong katulad mo. Pero isipin mo ang mga tao, ang mga bata, ang matatanda, ang mga inosente... ang ambisyon at pangarap mo. Paano mo matutupad lahat 'yon kung parating na ang araw kung saan mamamatay tayong lahat?" Matapos nang matagal na pagiisip ay dumilat ako. Tinignan ko si Cygnus sa mga mata. Tumango ako. "Pumapayag na ako, Cygnus. Handa na ako," Parang maiiyak sa labis na kaligayahan si Cygnus. May sinasabi itong salita na hindi ko maintindihan. At bigla, may bumukas na kakaibang portal sa living room ko. "Halika na, Avel," inilahad niya ang palad niya sa akin. Huminga ako nang malalim at tinanggap 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD