Kabanata 10

1019 Words
AVEL Napahinga ako nang maluwag. Buti na lamang dumating itong si Cygnus. Akala ko talaga papabayaan na niya ako. Parang mahihimatay na ako sa kaba kanina. Grabe naman ang pagkastrikto rito. Pero sa laking gulat ko ay muling nagsalita ang guard. "Gayunpaman, kailangan namin siyang obserbahan. Gusto naming mapatunayan na totoo ang sinasabi niyo," Tinayo ako ng mga ito mula sa pagkakahiga sa lupa at ineskortan ako ng mga guards. Naalarma ako. "H-Hoy! Ano ba! Teka lang! Bakit niyo ba ako pilit hinuhuli? Hindi ako masamang tao sabi! Narinig niyo ang sinabi ni Cygnus! Bakit niyo ako huhulihin!" "Sumunod ka na lang sa batas ng aming mundo. Kung mapapatunayan naman na totoo ang sinasabi niyong dala ni Cygnus at ikaw ay hindi banta sa aming kaharian, papalayain ka namin. Ngunit, sa ngayon ay dapat ka naming obserbahan," Nainis ako. Malalakas ang mga ito at wala naman akong magawa. Alam kong isang maling hakbang ko lang ay pwede nila akong patagin. Ano nga ba naman ang laban ko sa mga makapangyarihang nilalang? Isa lamang akong mortal na tao. Inaakay ako ng mga ito sa paglalakad. Lahat ay nakapokus ang tingin sa amin. Tinignan ko si Cygnus. Nasa mukha nito ang paghingi ng tawad. Alam kong hindi nito inaasahan and nangyayari. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. "Sige, kung d'yan kayo kumportable. Pero ang hiling ko lang, sana kapag natuklasan niyong hindi ako banta sainyo eh palayain niyo kaagad ako. Sa mundo nga namin never pa ako napagbintangan at nakulong, tapos dito makukulong ako?" Hindi ko alam kung natataea ang mukha ng mga guard sa akin o ano, pero tumango ang pinaka parang supervisor. "Makakaasa ka. Papalayain ka namin at malaya kang makakapaglayag dito sa mundo ng Ereve. Kung ikaw nga ang lalaking tagapagligtas, nararapat lamang na ibigay namin ang kalayaan mo. Pero sa ngayon, sana maintindihan mo ang kalagayan namin at iniisip lang namin ang kapakanan ng nakakarami," Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Ibang klase! Ako na nga ang inistorbo mula sa mundo ng mga tao, magkaroon ng mga nakakatakot na panaginip, tapos ganito pa ang mangyayari sa akin? Parang hindi ko ito deserve ha. Nagngingitngit ang kalooban ko habang hinihila nila ako at para akong kriminal na tinitignan ng lahat ng tao ng Ereve. Ang mga bata ay natatakot pa sa akin. Naiinis na napabuntong-hininga ako. Maya-maya pa'y humatong kami sa isang pasilidad na gawa na nakapalitada. Hindi lang 'yon tent. Pagpasok namin ay may nakita akong mga selda. Hindi na nakasunod sa amin si Cygnus. Marahil, alam naman nito na makakalabas din naman ako doon. Meron din palang mga ganito dito. Akala ko sa mundo lang ng mga tao ang may ganito. May nagbabantay din doon na para sa mundo ng tao ay warden. "O, sino siya?" gulat na tanong nito. Sumagot ang pinakaleader ng guard. "Galing sa mundo ng tao. Mahabang eksplinasyon. May kinalaman si Cygnus dito. Kailangan natin siyang obserbahan," Nagseryoso ang mukha ng bantay. "May ginawa ba siyang pinsala?" Umiling ang guard. "Sa kabutihang palad, wala naman. Wala tayo masyado dapat ikabahala. Pero ayaw kong lulubayan niyo nang tingin 'yan. Mas maganda pa rin ang naniniguro. Ayaw kong mapahamak ang Ereve dahil lamang sa isang mortal na tao," Napaismid ako. Huh! At parang ngayon ako pa ang kontrabida! Sino ba itong nagbubulabog sa mundo ng may mundo? At kanino ba magmumula ang giyera? Hindi ba't sa mundo ng mga ito? Tapos ngayon para ako pa ang masama. Walastik! Narinig siguro nila ang pagbulong-bulong ko kaya napatingin sila sa akin. Napakunot-noo ang guard. "Hoy, may sinasabi ka ba?" Umiling ako. "Wala," "O siya, sige, ilagay na 'yan sa loob. Babalik na lang ako. Magbigay ka ng balita," Tumango ang bantay. Inilagay nila ako sa isang selda na hindi nalalayo sa presinto sa mundo ng tao. Inis na humiga ako sa papag at pinilit makatulog. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay nakalutang ang katawan ko. Parang may bumubulong sa tenga ko na isang mahiwagang boses. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Pero nakakatawang ang bigat ng ulo ko. Para akong may pasang mabigat sa katawan. Wala sa sariling napatingin ako sa paligid ko. Teka. Nasaan ako? Ang nakikita kong lugar ay napakaganda. Tila isang Hardin ng Eden. Nagkaroon din ako ng ibang mga panaginip ang iba ay saan saang planeta pa ako nakarating, pero kakaiba ito. Napakaganda ng lugar na ito. Parang isang paraiso. Nasa Hardin na ba talaga ako ng Eden? Pero buhay pa ako. Natatandaan ko pa ang mga huling pangyayari sa buhay ko. Ang University. Si Theo. Si Cygnus. Ang Ereve... Napasinghap ako at nanglaki ang mga mata. Tama! Ang Ereve! Hindi. Hindi ako nanaginip lamang. Ang mga nakkikita ko ngayon ay totoo. Totoong mga nangyayari. At nasa Hardin man ako ng Eden, parang hindi pa rin dahil nakakulong ako sa selda! Tuluyan ko nang minulat ang mga mata ko at isang panaginip nga lamang ang lahat. Nasa selda ako ngayon at nakakulong dahil wala silang tiwala sa akin. Naiinis na ginusot ko ang buhok ko at napasimangot. Bakit parang ako pa ang masama rito? Ako nga itong nanahimik sa mundo naming mga tao tapos dadalawin ni Cygnus ang panaginip ko at tatakutin ako. Ngayong pumayag ako sa sinasabi niya na ako raw ang tagapagligtas, kinulong naman ako. Ano kaya 'yun? Hindi naman ako humihingi ng special treatment dahil ako raw ang tagapagligtas. Ang akin lang, mukha ba akong masamang tao? Ano naman kaya ang laban ko sa mga ito na may kapangyarihan? Ano ang magagawa ng isang taong tulad ko, laban sa mga ito? Naiinis ako! Kailanman ay hindi ko naranasan ito sa buhay ko. Mas mabuti pa nga yatang hindi ako pumunta rito. Ganutong buhay lang din pala haharap sa akin! Inis na humiga ako ulit at pilit pinikit ang mga mata. Ngunit pumasok sa isipan ko ang mga patay. Ang mga bangkay. Ang mga matatanda. Mga bata. Mga sirang gusali at kabuhayan. Gusto ko ba talaga ng ganoon? Ganoon ba talaga ang gusto kong mangyari sa hinaharap? Hindi. Hindi ako ganoon tao. Dahil ako si Avel Basilio, ang matapang at may paninindigan. At ako... ang magliligtas ng sanlibutang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD