Kabanata 14

1031 Words
AVEL Ito na ba ang katapusan ko? Diyos ko. Sana pala hindi na ako pumunta rito. Ang tanga tanga ko. Kung bakit ba kasi nagpapaniwala ako kay Cygnus. Paano nga ba naman ako ang magiging lalaki sa propesiya eh kung simpleng itong kinasusuotan kong sitwasyon eh labis labis na 'yung kaba ko? Lahat sila ay seryoso ang tingin sa akin. At kahit wala naman akong intensyong masama at gusto lamang tumulong sa bata, ay wala akong magawa. Paano ko nga ba sila makukumbinsi na inosente ako at hindi ako panganib sa mundong ito? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko, wala akong kalaban-laban sa mga ito. Napakarami nila at may mga kapangyarihan sila. Lahat ay seryoso ang tingin sa akin at kung nakakamatay lamang ang titig, tiyak kong kanina pa ako nakabulagta. Napalunok ako nang mariin. "W-Wala talaga akong ginagawang masama..." Nakita ko na papalapit sa akin ang kamay ng isang guard kaya naman napapikit ako nang mariin. Oh, Diyos ko! Tulungan mo ako! Sigaw ko sa isip. Hinintay ko na lang ang pagtira sa akin ng kung anumang kapangyarihan. Hinintay ko na lang ang kamatayan ko. Tutal, ganoon din naman eh. Kahit tumakas o tumakbo pa ako, hindi ko alam ang daang patungo pabalik sa mundo namin. Ngunit ilang sandali na ang lumipas ay nararamdaman ko pa ring buhay ako o walang kapangyarihan ang tumama sa katawan ko. Napakunot-noo ako at napadilat nang wala sa oras. Nanglaki ang mga mata ko nang makitang inaalay pala ng guard ang palad nito sa akin. Upang tulungan tumayo mula sa lupa. Nakangiti ang mukha nito sa akin pati ang mga kasama nitong nilalang. Nagulumihanan ako. "Medyo nangangawit na ako, wala ka bang balak kunin ang kamay ko?" Nakangiwing tanong ng lalaki. Natilihan ako at wala nang nagawa kundi tanggapin ang inaalok nito sa aking kamay. Napakunot-noo ako nang makatayo. "A-Anong meron?" Nakita ko si Cygnus na naglakad patungo sa akin. Nahawi ang daan. "Ipinaliwanag ko sakanila ang lahat, Avel. Wala ka na dapat ipagaalala pa," Hindi ako nagsalita pero alam kong sapat na ang mukha ko para iparating ang gusto kong itanong. Huminga nang malalim si Cygnus. "Ipinakita ko sa kanila ang lahat, Avel. Simula noong pinuntahan kita sa kulungan mo at pagusapan kung paano mo kukunin ang tiwala nila. Ang hindi mo pagsang-ayon at kitang kita naman namin na talagang inisip mo ang kapakanan ng bata. Ipinaliwanag ko rin sakanila na kontrolado ko ang sitwasyon, at hindi mo man tulungan ang bata ay hindi ito mapapahamak. Ang pagtulong mo sa bata na hindi iniisip ang kapakanan mo ay sapat na upang maniwala sayo ang buong kaharian ng Ereve," mahabang paliwanag ni Cygnus Napasinghap ako. Lumapit sa akin ang ina ng bata at nginitan ako. "Maraming salamat, Avel. Naipaliwanag na ni Cygnus sa amin. Maraming salamat sa intensyon mong iligtas ang anak ko," Wala sa sariling napangiti ako. "Wala 'yon. Kahit naman sino siguro ay ganoon din ang gagawin," Nagsilapitan sa akin ang mga bata. Tila manghang mangha sa itsura ko. "Kuya! Kuya! Ang gwapo mo naman!" "Gusto ko kuya ng buhok mo, ang ganda!" May mga bata pa na naglalambitin sa leeg ko at gusto magpakarga. Inawat ng mga ina ang ang mga anak nito. "Psshhh... pagod ang Kuya Avel niyo. Huwag niyo siya kulitin," Napangiti na lang ako. Sa buong gulat ko lahat ng mga guards ay lumuhod sa harapan ko. "Ipagpaumanhin niyo ang pag-trato at pagdududa namin sa'yo, Avel Basilio. Sana mapatawad mo kami," sabay-sabay na sambit ng mga ito. "Nagawa lang namin 'yon dahil sa takot namin na matuklasan ng ibang nilalang ang aming kaharian. Gusto namin ng payapang buhay at may mga matatanda at mga bata kami. Sana ay maintindihan mo kami, humihingi kami ulit ng pasensya. Ngayong alam na naming ikaw ang tagapagligtas ng sanlibutan, kinararangal namin na makilala ka at tanggapin. Kaming mga taga Ereve ay bukas ang dalawang braso sa pagtanggap sa'yo rito," magalang na paliwanag ng guard na sa tingin ko ay pinakamataas na rango. Pinagpawisan ako nang malapot. Hindi ako sanay ng ganito. Napangiwi ako. "Ano ba kayo? Hindi naman ako Diyos o ano. Hindi niyo kailangan lumuhod sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit niyo nagawa ito sa akin. Ang mahalaga eh hindi na kaaway ang tingin niyo sa akin. Please lang, tumayo kayo r'yan. Hindi niyo ako dapat niluluhuran," Narinig ko ang mga pagsinghap ng kababaihan. "Hindi lang siya gwapo na tagapagligtas, mapagkumbaba pa!" "Hay, sinabi mo pa. Grabe, sobrang bait naman ni Avel..." Tumingin ako kay Cygnus na tila nagpapatulong, pero nagkibit-balikat lang ito. Napabuntong-hininga ako. "O siya, siya. Napatawad ko na kayo. Hindi naman ako galit. Medyo nagtaka lang ako noong una. Pero naiintindihan ko naman. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kayo ngayon lumuluhod sa akin. Hindi niyo dapat ginagawa 'yan," "Dapat lang, Avel. Dahil ikaw ang lalaki sa propesiya. At malaki ang pag-galang at magiging utang na loob namin sayo. Kinagagalak namin na dito ka tumira at tulungan ka naming lumakas. Kaming mga taga Ereve ay naririto sa likod mo, at makakaasa kang makakakuha ka ng suporta mula sa amin," Tumango na lang ako para tumayo na ang mga ito. "Okay, sige. Pero please, tumayo na kayo r'yan. Mas magagalit ako kapag hindi niyo ako sinunod," pagbabanta ko kunyari. Nahintakutan naman ang mga ito dahil doon. Sabay-sabay na tumayo ang mga ito at sumaludo sa akin. "Maraming salamat, Avel. Tunay na napakabait mo. Mabuhay ka," Napangiwi ako at hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Naramdaman ko ang pagtapik ng isang kamay sa balikat ko. "Gabi na, Avel. At tapos na ang piging. Dadalhin ka namin sa magiging tulugan mo," sambit ni Cygnus. "Saan 'yon? Hindi ba nakakahiya? Sayo nalang kaya o kaya sa mga guard?" Pumirmi ang mukha ni Cygnus. "Sinabi ko na saiyo na hindi ka maari tumira sa akin. Hindi ako pwedeng may kasama. Sakramento ang lugar ko at hindi magiging mabisa ang kapangyarihan ko. At sila... hindi ka rin pwede sa kanila makituloy dahil mga pamilyadong tao na sila. May pagdadalhan kaming lugar saiyo. Sumunod ka," Wala sa sariling napasunod ako sa mga ito. Nagsiuwian na rin ang mga nanonood sa amin kanina at nakangiting kumakaway sa akin. Gumanti ako ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD