Kabanata 13

1004 Words
AVEL Hindi na ako mapalagay. Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko. Hindi nilinaw sa akin ni Cygnus kung anong klaseng komosyon ang gagawin niya. Hindi tuloy ako makapagisip ng tama. Madaming gumugulo sa utak ko. At nalilito ako kung ano ang uunahin ko. "Hoy, halika na. Kanina pa naghihintay ang lahat sa bulwagan. Iwan mo muna ang trabaho mo rito," Aniya ng isang guard sa nagbabantay sa akin. "Eh pero--" "Wala nang pero-pero. Hala, halika na. Alam mo namang hindi pwedeng hindi pupunta sa piging. Hayaan mo na muna 'yan, hindi 'yan makakaalis d'yan," tumingin ito sa gawi ko. Napabuntong-hininga ang bantay ko at wala na ngang nagawa pa. Tumayo ito at lumabas ng kulungan. Kakamot kamot pa ang ulo. "Oh, saan ka pupunta?" tanong nito sa bagong dating. "Magba-banyo lang ako. Mauna kana roon, susunod din ako agad," "Sige," May kakaiba sa tingin sa akin ng bagong dating. Naglakad ito papunta sa akin at sa isang iglap ay naging si Cygnus 'yon. Halos mapalundag ako sa takot. "C-Cygnus!" "Sssshh! Huwag kang maingay," Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Ang galing na nakakatakot! Kaya mong magpanggap na ganoon?" gulat na gulat na sambit ko. "Hindi ko perfect ang ganoong ability, Avel. At nakakakunsumo ng malakas na enerhiya. Naubos nga agad ang lakas ko. Pero halika, bilisan mo. Nagsisimula na ang piging," Sinusian nito ang selda ko. "A-Anong ginagawa mo?" "Pinapatakas kita rito," sambit nito. Nanglaki ang mga mata ko at butas ng ilong. "Ano?! Ayaw ko nga. Mas gugustuhin ko pang naririto lang ako," Napakunot-noo ito. "At bakit? Akala ko ba ayaw mo ng nakakulong?" "Ayaw ko nga. Pero mas ayaw ko naman kumawala rito. Edi mas lalo lang nila ako pagdududahan. Baka mapatay pa ako nang wala sa oras. Naku, di bale nalang, Cygnus. Hihintayin ko na lang kung kailan nila ako papalayain," kinumpas ko pa ang kamay ko sa ere at umupo sa sahig. Natawa si Cygnus. "Huwag ka na mag-inarte r'yan. Nagsisimula na ang piging. Kung ako sayo, tumayo ka na r'yan kung ayaw mong mamatay," "Mamamatay?" Huminga nang malalim si Cygnus. "Tulad ng sinabi ko, gagawa ako ng komosyon. At may pinakalat na akong apoy sa labas nito. Isa ang apoy sa kahinaan namin, Avel. Kaya sige na, itatakas kita kunyari, at kunin mo ang tiwala nila," nagmamadaling nag-iba ulit ito ng anyo, ang lalaki kanina ulit ang naging itsura nito. Binuksan nito nang maluwag ang pinto ko. "Bilis, kilos!" Tumakbo na palabas si Cygnus. Wala nang katao tao sa parang presinto na 'yon. Siguro nga lahat ay nasa piging. Paglabas ko ay naamoy ko ang usok at nakikita ko ang kulay kahel gawa ng apoy. Luminga ako sa paligid at napansin ko ngang walang dumadaan o walang naroroon. Ito na nga ang tyansa ko na makatakas. Mabilis akong tumakbo sa gubat at masukal na daan. Gabi na at mahirap makita ang dadaanan. Wala namang mga poste rito tulad sa mundo ng tao. Pero may naririnig akong tawanan at sa pagtakbo ko pa, ay nakita ko ang mga tumpukan ng mga nilalang na mga nagkakasiyahan. Siguro, ito nga ang sinasabi ni Cygnus na piging. Sa pagtakbo ko ay wala sa sariling napatingin ako sa isang aninong maliit na tumatakbo. Napasinghap ako. Ano 'yon?! Sa sobrang takot ko, napalunok ako. May mga kakaiba bang monster dito? Pero narinig ko ang isang hagikgik. Napakunot-noo ako. Natitiyak kong hindi ako dinadaya ng pandinig ko. Alam kong tinig 'yon ng isang bata. At nakita kong patungo ito sa direksyon ng pinanggalingan ko. Nanglaki ang mga mata ko. Natitiyak kong malaki na ang apoy doon! At sinabi ni Cygnus na isa ang apoy sa kahinaan nila. Pinagpaiwsan ako ng malapot at mabilis ma tumakbo at sinundan ang anino. "Hoy, teka!" sigaw ko. Halos hingalin ako sa pagtakbo ko. Kabang-kaba ako. Hindi ko sila kauri, pero paslit 'yun at ayaw kong may mapahamak dahil lamang sa kagustuhan kong makatakas. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Mabilis talaga ang bata. Kaya naman pumikit ako nang mariin at binigay na ang todong bilis ko. Nagririgodon ang puso ko sa lakas ng t***k. Labis labis akong nagaalala para sa bata. Nakarating ulit ako sa parang presinto at nakita kong naaakit ang bata sa apoy. Kaya naman bago pa nito mahawakan ang apoy ay tinapik ko ang kamay nito at binuhat. Dahil slant ang lupa, nagpagulong-gulong kami sa lupa. Kahit mukha kaming tanga, ayos lang, basta hindi ito napahamak. Ilang segundo kaming ganoon bago ako tuluyan bumagsak sa patag na lupa. Hinihingal na tinignan ko kung ayos lang ang bata o may galos. Nasa ibabaw ko ito at nagmamadaling tsinek ang katawan nito. "A-Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nagaalala kong tanong. Napakagwapo ng bata. Mukhang artistahin. Mukha ngang walang hindi maganda sa lugar na ito. Lahat ay may magagandang mukha. Tumango ang inosenteng paslit. "O-Opo, okay lang ako. Bakit niyo po ako hawak?" Napangiwi ako. "Ahh... eh... kasi baka mapaso ka sa apoy. Hindi pinaglalaruan ang apoy. Masasaktan ka. Masusunog. Bakit naririto ka? Gabi na. Nasaan ang pamilya mo?" "Umalis po ako nang hindi nila alam. Kasi naiinip po ako sa piging, gusto ko na kumain," himutok nito. Natatawang ginulo ko ang buhok nito. "Pilyo ka pala eh. Hindi ka dapat umaalis sa tabi ng magulang mo. Para hindi ka mapaano. Gutom ka ba? Sige. Maghanap tayo ng makakain mo," Tumayo ako at pinagpag ang pwet ng bata na may mga amo at lupa pa. Akmang aangat na ako nang tingin nang may mga paa akong nakita. Kumabog ang puso ko ng malakas. Napalunok. Feeling ko slowmotion ang lahat at kabadong kabado ako. Napahigpit ko ang pagkakahawak sa kamay ng kaba. Pagtaas ko ng tingin ay hindi nga ako nagkamali. Ang mga kalahi ni Cygnus ay nasa harapan ko at napakaseryoso ng mga mukha! Napalunok ako nang mariin. "T-Teka... hayaan niyo akong makapagpaliwanag," nanginginig na sambit ko. Tumingin sa akin ang masungit at seryosong guard. Umiling ito. "Hindi. Wala ka nang dapat ipaliwanag pa," Grabe ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD