AVEL
Dinala nila ako sa isang napakalaking kastilyo. Ito pala 'yung nakikita kong malaking kastilyo mula sa itaas noong unang dating namin dito ni Cygnus. "Lahat ba ay nakatira rito?" wala sa sariling tanong ko sa guard na kasama ko habang naglalakad kami.
Tumingin ito sa akin. Umiling. "Nasa kaharian tayo ng mga Ginemoux, Avel,"
"Ginemoux?" kunot-noong tanong ko.
"Ang Ginemoux ay apelyido. Ang pamilyang Ginemoux ang pinakamayaman at pinakamalakas na uri ng Enchanted dito sa Ereve. Sila ang Hari at Reyna dito sa Ereve. Sa madaling salita, kumbaga sa mundo ng tao, sila ang pamilya ng Presidente," sagot ng guard na sa tingin ko ay pinakamataas na rango.
Napatango-tango ako. "Eh kung ganoon, bakit papunta tayo 'ron? Huwag niyong sabihin doon ako matutulog?"
Sabay-sabay na tumango ang mga ito. Napanganga ako. "Ano?! Ayaw ko nga. Pwede naman ako tumira sa mga simpleng bahay bahay lang. Ayaw kong makitira sa kanila r'yan. Nakakahiya. Ang laki-laking kastilyo. Sa mundo nga namin, walang ganyan kalaki at kagandang kastilyo eh," sambit ko.
Simpatikong nginitian ako ng mga guard. "Walang nakakahiya, Avel. Isa kang mahalagang bisita. Hindi lamang isang bisita, kundi ang lalaki sa propesiya. Natitiyak kong ikalulugod ng Hari at Reyna na makilala ang lalaking magsasalba sa Ereve at mundo. Halika na,"
Muli kong pinasadahan ng tingin ang napakaganda at napakalaking kastilyo. Napabuntong-hininga ako. Wala akong magagawa kundi ang magtiwala. Hindi naman nakakatakot ang binibigay sa akin na pakiramdam, pero mas nangingibabaw sa akin ang hiya.
Pinagbuksan kami ng guards ng kastilyo. Yumuko pa ang mga ito sa akin. Sa palagay ko'y nasabi ng mga ito kung sino ako.
Pagkapasok namin sa loob ng kaharian ay literal akong napanganga. Sobrang ganda! Para akong nanunuod ng fairytale movie. Ang kastilyo ay tila nilikha ng magaling na architect at mga talented na mga manggagawa.
"Sa nakikita ko sa reaksyon mo, natutuwa at nagagandahan ka sa nakikita mo," puna sa akin ng guard na pakiramdam ko ay mataas ang rango.
Tumango ako. "Oo, sobrang ganda. First time kong makakita ng ganito sa personal,"
Napangiti ang lalaki. "Ang Kaharian na ito ay simbolo ng kapayaan ng Ereve. Ang Kaharian na ito ay isang sakramento. Ang kanuno-nunuan na Hari at Reyna ay dito tinayag ang kanilang tirahan. Kaya naman paglipas ng panahon, ang mga sumunod na Hari at Reyna ay pinagpatuloy ang Kastilyo at pinaganda,"
Kitang kita ko ang malinis at magandang garden na tila wala man lang yatang damong ligaw. Sobrang ganda. Wala akong masabi. Parang may professional gardener ang mga ito.
Bumukas ang malaking main door at pinapasik kami ng mga tauhan sa kastilyo. Akala ko wala nang hihigit sa pagkamangha ko sa labas, pero doble pala sa loob. Napakaganda ar napakaelegante ng dating.
Sinalubong kami ng sandamakmak na mga kasambahay na nakauniporme pa ng pare-parehas. Walastik. Pala sa ibang mundo ay may ganito rin.
Naco-conscious ako. Hindi ako sanay na tinatrato ng ganito. Hindi ako sanay na pjnagsisilbihan.
"Nasaan ang Hari at Reyna?" tanong ulit ng guard.
Ang matandang kasambahay ang sumagot. Sa tingin ko, ito ang pinakahead ng mga kasambahay.
"Naabisuhan na ang Hari at Reyna. Pababa na rin sila. Sa ngayon, may nakahandang hapunan. Halina at sumunod kayo, dahil pababa na rin sila," paganyaya ng matanda.
Pero nabibilib talaga ako sakanila. Kahit matanda na ang babae, halata pa rin sa itsura nito na maganda ito noong kabataan nito.
Hinikayat nila kami na sumunod sa mga ito. Napakaganda ng loob ng bahay, malawak, at wala ka yata makikita na katiting na alikabok. Alagang-alaga ang kastilyo. Ang gaganda pa ng mga furnitures ng mga ito. Halatang antigo at hindi basta basta. At natitiyak kong mas matanda pa sa akin ang edad ng mga kagamitan.
Dinala kami ng mga paa namin sa isang malaking komedor. Ito talaga ang tunay na mga Hari at Reyna ang nakatira. Pang doseng katao ang kayang i-accomodate ng hapag kainan.
Namangha ulit ako nang makitang punong-puno ng pagkain ang mesa. Iyong tipong buong baranggay yata ang kakain.
Pero natakam ako sa mga nakita kong nakahanda. Hindi pa nga pala ako kumakain. Biglang kumalam ang sikmura ko sa sarap ng mga pagkain.
Maya-maya ay nakarinig ako ng mga boses. "Huwag kang mag-alala, pwede mong kainin 'yan lahat," isang lalaking baritono ang tinig.
Napasinghap ako at nag-angat ng tingin. Nakita ko ang isang napakagwapong lalaki at napakagandang babae. Parang mga artista ito sa ganda. Bagamat tiyak ko rin na ang mga edad nito ay lagpas kwarenta na, hindi ko maitatangging hindi kumupas ang mga itsura nito.
Lahat ng guard at ng mga kasambahay ay yumuko nang makita ang dalawa. Kaya naman alam kong sila ang tinutukoy na Hari at Reyna. Wala sa sariling napayuko rin ako bilang pag-galang.
May sinabi ang babae at nagsialisan na rin ang mga guard. Sumaludo pa ang mga ito sa akin bago umalis.
I heard the King's chuckled. "Hindi mo kailangan yumuko rin sa amin, Avel. Ilang beses na na nga naming pinagsasabihan ang mga tao rito na hindi nila kailangan yumuko sa amin, pero I guess, old habits are hard to die. But, you don't have to,"
Tama ang hinala ko. Sila nga ang Hari at Reyna. Tinanggal ko ang bara sa lalamunan ko. "Hindi ko ho yata kayang gawin 'yan. Kinagagalak ko po kayong makilala," tila isang prinsipe na nagbow pa ako sa harap nila.
Na-a-amuse na tinignan ako ng Reyna. "Nakakatuwa 'tong batang ito. Anyway, natitiyak kong gutom ka na. Halika at samahan mo kami sa hapunan," yaya nito.
Pinaghila pa ako ng isang kasambahay ng upuan. Naasiwa ako. "Salamat po. Pero hindi niyo naman ako kailangan pagsilbihan o tratuhin na parang Hari,"
"And why not? Ikaw lang naman ang lalaki sa propesiya. Ikaw ang tagapagligtas. Kami ang dapat ikarangal na makilala ka," aniya ng Hari
Tila may naalala ito. "Ipagpaumahin ko, medyo na-excite kami nang makita ka. Ako si Alcaster Ginemoux, at alam kong alam mo na kung anong nilalang kami. Ako ang Hari rito sa Ereve. At ito naman ang aking asawa na si Amoria, ang siyang Reyna ng Ereve,"
Ngumiti ako. "Kinagagalak ko ho kayong makilala. Ako ho si Avel Basilio, at natitiyak kong alam niyong galing ako sa mundo ng tao,"