Kabanata 16

1007 Words
AVEL "Sinabi na sa amin ang lahat ng tungkol sayo. At masaya kaming tanggapin ka rito. Ipagpaumanhin mo kung kinailangan kang ikulong," mapagkumbabang sambit ng Hari. Napangiti na ako. "Sa una ho'y nainis ako. Pero naiintindihan ko naman. Isa akong panganib para sa mundo niyo. At pinoprotektahan niyo lang ang mga tao rito," "Salamat at malawak ang pang-unawa mo," sagot ulit ng Hari. "Mamaya na 'yang usap, kumain na muna tayo. Natitiyak kong nagugutom na si Avel," Ang nakangiting mukha ng Reyna ang tumingin sa akin. "Maupo ka na, Avel," Umupo sa malaking upuan na nasa gitna ng mesa ang Hari. Talagang pang Hari ang upuan nito. Sa kanang tabi naman nito umupo ang asawa. Nginuso nila sa akin na umupo ako sa harap ng Reyna. "Hindi pa ba siya bumababa?" tanong ng Reyna sa mga kasambahay. "Pababa na po ang Prinsesa," Napasinghap ako. Hindi ko inakala na may anak ang dalawa. Dahil wala naman akong nakikitang iba kundi ang mag-asawa at ang mga kasambahay. Mukhang nabasa naman ng dalawa ang nasa isip ko. "May nag-iisang anak kami, Avel. Hayaan mo, ipapakilala ko kayo sa isa't-isa," pangako ng Hari. Tumingin ang Reyna sa mga kasambahay. "Pakisabi naman ho sa kanya na pakibilisan ang kilos. May mahalagang bisita tayo, at nakakahiyang paghintayin siya," "Masusunod po, mahal na reyna," mabilis na tumalima ang isang kasambahay paakyat ng kastilyo. Tumingin sa akin ang Hari. "Nasabi na ba sayo ng mga bantay?" Napakunot-noo ako. "Ang ano po?" "Dito ka titira sa amin habang ginagawa mo ang misyon mo," seryosong sagot ni Alcaster Ginemoux. Napasinghap ako. Ang akala ko eh kakain lang ako roon o makikitulog. Pagkatapos, may paglalagyan sila sa akin na pasilidad. "Hindi ko ho ine-expect na rito ako titira, sa totoo lang. Bakit po?" Hindi ko matiis hindi itanong. Hindi naman sa hindi ako kumportable. Sa katunayan, sobra pa nga sa kumportable kung tutuusin. Pero s'yempre, nahihiya at naiilang ako. Hindi naman ako sanay sa ganito. Huminga ito nang malalim. "Natitiyak kong hindi lang si Cygnus ang nakakaalam na ikaw ang lalaki sa propesiya. Natitiyak kong alam ng Demethos o ng ibang grupong may layuning masama na napapanahon, darating ang isang tagapagligtas. At dito ka lamang magiging safe. Bukod sa maraming bantay, ang Kastilyo na ito ay may kapangyarihan kaming nilagay na hindi basta-basta masisira o matutunton ang nakatira rito. Hindi ko sinasabing hindi safe ang buong Ereve, pero mas safe ka kung kasama ka namin. Isa pa, gusto naming makita ang progress mo habang nagte-training ka," mahabang sagot nito. Alam kong alam niya ang sinasabi niya. Hindi naman ito magdedesisyon kung hindi nito alam ang ginagawa. "Kung 'yan ho ang sa tingin niyong makakabuti," sagot ko na lang. Ngumiti sa akin ang mag-asawa. "Maraming salamat sa makawak na pang-unawa, Avel. Asahan mo ang suporta namin at ng buong Ereve sayo. Hindi mo lang laban ito, laban nating lahat," Iwinasiwas ni Amoria Ginemoux ang palad nito sa ere. "Mamaya na 'yang usap tungkol sa digmaan. Marami pang araw. Sa ngayon, kumain na muna tayo. Natitiyak kong gutom na si Avel at kailangan niya ng matinong tulog," "Naririto na po ang prinsesa," anang ng kasambahay. Narinig ko ang mga papalapit ng yabag. Hindi sinasadyang napaangat ako ng tingin. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang isang babaeng hindi nalalayo sa edad ko. At halos mahigit ko ang sarili kong hininga nang makita ito nang malapitan. Napakaganda nito! No, hindi. Hindi makatarungan ang salitang napakaganda. Dahil walang angkop na tamang salita ang pwedeng i-describe rito. Para itong Anghel na Diyosang bumaba mula sa lupa. Ito ang gandang hindi nakakasawang tignan. Very classic ang ganda nito. Hindi ko alam kung nakanganga na ako, pero ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae. Mas magaganda pa sa mga artista! Talaga ngang wala yatang pangit dito sa mundo ng mga Enchanted. Lahat ay magaganda at gwapo. Requirement ba nila 'yon? Light brown ang buhok nitong alam kong natural at hindi kinulayan ng dye. Kulot din ang dulo nito. Hanggang bewang nito ang magandang buhok. Maputi ito na parang gatas. Makinis. At kahit hindi ko pa siya katabi, malinaw sa paningin ko na kulay berde ang mga mata nito. A beautiful green pair of eyes. Balingkinitan din ang katawan nito. Hindi naman ito gaanong matangkad, pero hindi rin maliit. Sakto lang. At ang isa sa labis na nagpapahanga sa akin sa kanya ay ang inosente nitong mukha. Ang mukha na tila hindi makakagawa ng kahit anong kasalanan. Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. Naririto ako para iligtas ang mundo. Hindi para maakit sa magandang dilag. Napangiti na ang Hari at Reyna nang makita ang anak. "Anak, halika at nang makakain na tayo. Dito ka sa tabi ko," yaya ng Reyna. Tahimik na sumunod ang babae. Naramdaman siguro nito ang tingin ko kaya nag-tama ang tingin namin. May pagtatanong sa mga mata nito. Tumikhim ang Hari. "Avel, kinagagalak kong ipakilala sayo ang nag-iisa naming anak na si Aerith. Ang prinsesa ng Ginemoux," Aerith. It's a beautiful name. Bagay na bagay dito. "Anak, Aerith. Siya naman si Avel Basilio. Isang pure-blooded human," pakilala ng ama nito. Kitang kita ko ang panglalaki ng mga mata ng dalaga. "Isang tao! Paano nakapasok sa ating kaharian 'yan? At bakit wala man lang kayong katakot takot sa kanya?" napatayo ito sa upuan. Expected ko ang reaksyon niya kaya tahimik lang ako. Hahayaan ko ang magulang niya ang magsabi kung sino ako. Pinigilan ng Reyna ang braso ni Aerith at pilit pinapaupo ulit. "Hindi mo kailangan mag-reak ng ganyan, Aerith. Ipapaliwanag ng ama mo ang lahat..." mahinahong paliwanag ng Reyna. Tumingin sa akin ang dalaga at napakunot-noo. Huminga nang malalim si Alcaster Ginemoux. "Anak, si Avel ay hindi panganib sa ating mundo. Sa katunayan, tayo ang nangiistorbo sa kanya," "Huh! At tayo pa talaga, ama?" "Dahil si Avel ang siyang magiging tagapaglitas ng Ereve at ng sanlibutan, Aerith. Siya ang lalaking nasa propesiya ni Cygnus. At kinuha pa siya ni Cygnus mula sa mundo ng mga tao para sa mahalagang misyon na ito," Nakita ko ang pagsinghap ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD