AVEL
Parang may kamay na humaplos sa puso ko sa sinabi ni Kapitan Harlek. Tinuturing nilang sagrado ang katana ni Master Shingyang. Kung sinuman ito. Tinago ng matagal na panahon at ngayon ay muling binuksan upang ibigay sa akin.
I feel very honored. Sino bang hindi?
“P-Parang wala akong karapatang gamitin ito, Kapitan Harlek,” sambit ko.
Hindi ko alam kung nagulat siya dahil alam ko ang pangalan niya, o dahil sa sinabi ko.
Tumikhim ako. “Sinabi ng Prinsesa Aerith,” ang nasagot ko na lamang. Muli akong tumingin sa katana. “Pero, parang hindi ko talaga kayang tanggapin ito. I mean… s’yempre, masaya ako. Proud ako at na-a-appreciate ko itong ginagawa niyo. Pero sabi niyo nga, may sentimental value ito sa taga Ereve. Hindi naman ako marunong gumamit ng katana. Paano kung masira ko lang ito?” nagaalalang sambit ko.
Ngumiti si Harlek. “Tulad nga ng sinabi ko, Avel, hindi ito ordinaryong katana. Ito ay may kapangyarihan. Maraming dugo na ang dumanak d’yan sa katanang ‘yan. Para siyang may sariling buhay at tutulungan ka n’ya,”
“Paano kung masira ko?”
“Hindi siya basta basta masisira. Dahil ‘yan ang pinakamaganda at matibay na katanang nagawa. Yari siya sa pinakamagandang klaseng materyales at ang mahika ng mga Enchanted. Pero sige… sabihin nating nasira mo nga, pwede naman nating ayusin. May mga tao kami rito sa Ereve na ‘yan ang specialty at ang trabaho…”
Napatingin akong mabuti sa katana na hawak ko.
“Kung ako sayo, Avel, tanggapin mo ang inaalok ng Hari at Reyna. Alam mo bang ang mga kalaban ay isa ‘yan sa mga pupuntiryahin? Gusto nila makuha ang katana ni Master Shingyang. Pagkat ito ay isang magandan armas at makapangyarihan,”
Huminga ako nang malalim. Mukhang wala naman na akong ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ito. Malaki ang tiwala nila sa akin na kaya ko itong pangalagaan kaya naman dapat kong ingatan ito at dapat kong tanggapin.
Tumango ako. “Tinatanggap ko,”
Lumuwag ang pagkakangiti ni Kapitan Harlek sa kanyang labi.
“Good. Ngayon, maari na tayong pumunta sa pagsusulit,” Naglakad ito patungo sa open field.
Nakita ko ang mga dummy na nakapaligid sa field. May ideya na ako kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin, pero s’yempre, dapat ko pa ring marinig mismo sa bibig niya kung ano ang gusto niyang ipagawa.
“Bibigyan kita ng limang minuto upang tapusin lahat ng dummy na ‘yan. Ang dummy na ito ay gawa sa mahika. Kaya naman ang katawan n’yan ay parang katawan natin. Huwag kang magalala, wala namang buhay ‘yan kaya kahit patayin o saktan mo ay wala ka dapat ikabahala. Kailangan mahati mo ito at matapos lahat ng ‘yan sa loob lamang ng limang minuto,”
Napatango-tango ako. Mukha namang madali. Sabi nga nito, matalim ang katana ni Master Shingyang. Ibig sabihin, isang hiwa ko pa lamang sa kanila ng katana ay masisira ko na ang dummy na ito.
“Kailangan mong tandaan ang mga pagsusulit natin kahapon. Kung paano ang tamang formation sa pag-gamit ng katana at kung paan ito tamang hawakan,”
Naalala ko pa rin ‘yun, s’yempre.
Tumango ako.
“Sige na, pumunta ka na sa loob ng marking bilog at bibilang ako ng isa hanggat tatlo. Pagkatapos ay pwede ka nang magsimula. Limang minuto lamang ang ibibigay ko sa’yo,”
Huminga ako nang malalim at naglakad sa bilog na marka.
Medyo kinakabahan ako. Tinanggal ko muna ang katana sa case nito.
Napasinghap ako kung gaano kaganda ‘yon. Halatang alagang-alaga.
“Isa…”
“Dalawa…”
“Tatlo…!”
Naging maliksi ang pagiisip ko at sinunod ko lahat ng natandaan kong tamang porma at tamang paghawak ng katana. Nagawa ko naman ito.
Sa tantiya ko ay merong hindi bababa sa trenta ang dummy na nasa harapan ko ngayon.
Naging maliksi ang pag-galaw ko at tumakbo na ako papunta sa unang dummy na nakita ko.
Tinaga ko ito sa gitnang bahagi. Akala ko ay mabilis lamang itong mahihiwa o mahahati sa gitna. Pero nanglaki ang mga mata ko nang makitang nasugatan lang ang dummy pero hindi ito “namatay” o nahati sa gitna.
Napasinghap ako. Muli ko itong inatake. Pero hindi pa rin tuluyang nasira.
Parang ang kunat ng dummy! Ang talim naman ng katana, pero bakit hindi nahihiwa?
Napatulo ang pawis ko sa noo nang maalalang meron nga lang pala akong limang minute upang tapusin ang task na ito.
Ilang taga na ang ginagawa ko pero hindi pa rin ito nahahati.
Sigurado akong lumagpas na ang isang minute pero ni hindi pa ako tapos sa isa.
Biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Sa mga napapanood kong movies sa mundo ng mga tao, lalo na sa mga zombie apocalypse, tinataga nila ang mga zombies sa ulo o dili kaya sa leeg.
Huminga ako nang malalim at klinaro ang utak ko. Dapat ko itong magawa. Nakakahiya na ako ang lalaki sa propesiya pero mahina ako.
Pagkatapos kong malinawan at iprepara ang aking sarili, dumilat ako at mabilis ang mga galaw na pinaghihiwa ko ang leeg ng dummy. Napasinghap ako nang makitang isang taga pa lamang ay nahati na leeg ng dummy.
Nabuhayan ako ng loob kaya naman nagmamadaling sinunod ko naman ang pangalawang dummy. Sinubukan ko namang tagain ito sa ulo, sa bungo, sa medaling salita at agad ding nasira ang dummy.
Lumakas ang t***k ng puso ko. Kung gayon, tama ang ginawa ko. Tama ang taktika ko.
Hindi ko na napansin pa ang pag-ngiti ni Harlek sa gilid.n
Mabilis ang mga kilos na nagpatuloy ako sa pagtaga. Sunod-sunod. Walang patid.
Nakakapagod at nakakangalay. Lalo na’t may kabigatan ang katana. At hinid naman ako sanay, s’yempre. First time ko itong ginawa at hindi ko nga alam kung tama ba ang pinag-gagawa ko. Basta ang alam ko lang ay natapos ko na ang dummy.
Sunud-sunod ang naging pagtira ko. Ang liksi ng galaw ko parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Wala na akong pakialam kung ilang minute na lang ang natitira, basta sinunod sunod ko ang pag-atake sa dummy na para bang naghihiwa lang ako ng gulay.
“Times up,” ang boses ni Kapitan Harlek.
Napatigil ako sa pag-galaw. Akmang aatakihin ko pa ang nagiisang dummy pero ubos na pala ang oras.
Disappointed akong napabuntong-hininga.