Sakay ng kotse pauwi ay hinde mapakali ang dalaga. Alam niyang hinde madali ang gagawin pero handa siyang sumugal. Sugal na sisiguraduhin niyang mananalo.
Mukhang napsubo yata ako. Dapat kasi di ka muna nagpadalos dalos at nagplano ka muna bago ka sumabak sa gulo. Paninisi nya sa sarili. Ano na lang gagawin mo pag di mo nakuha ang Monteza. Anong mukha ang ihaharap mo sa madrasta mo. Lalo lamang silang magagalit sayo.
Hayssst—, samu't saring isipin ang nagbibigay ng pagkabalisa sa dalaga.
Papasok sa bayan ng La Esperancia ay may tulay bilang tanda ng pagkakahiwalay nito sa kabilang bayan, naisipan n'yang huminto muna, magpahangin at ng makapag-isip. Nagpunas muna siya ng wet wipes upang kahit paano ay marelax ang kanyang mukha sa pagbura ng make-up. Bumaba siya sa kotse at sumandal sa may tulay.
Sa lalim ng iniisip ay hinde nya napansin ang grupo ng tao na nagpipictorial sa baba ng ilog.
"Miss, excuse me, baka lang kasi hinde mo napapansin na nakaka istorbo kayo ng sasakyan mo sa trabaho namin sa baba?" Masungit ang baritonong boses ng lalaking nagsalita.
"Excuse me?" Mataray na sagot ng dalaga at nagpasyang lumingin sa may-ari ng baritong boses. Nagulat s'ya ng makitang sobrang gwapo ng kaharap. Natahimik ang dalaga at di nakapagsalita.
"Ah, Miss, you can close your mouth baka kasi pasukan ng langaw." Nakangising sabi ng hambog na lalaki. "Isa pa maalikabok rito, you might get a—" hinde pa tapos ang sasabihin ng lalaki ng magsalita ang dalaga.
"Hhhmmmn antipatiko," at noon lamang n'ya napansin na meron ngang photoshoot sa b****a ng ilog.
Ang lalaking nagsalita siguro ang model dahil sa suot nitong ternong amerikana at gwapong-gwapo sa suot. Base sa tindig at porma halatang mayaman ito at nasa upper class.
"Hey Miss", nakangiting sabi ng bagong dating na lalaki at itinukod ang siko sa balikat ng unang lalaki at ang kamay ay nakalagay sa baba. Gwapo din ito pero mas malakas ang dating ng isa. 'Nag-iisa ka? Would you like to join our photoshoot? You're pretty and we can include you as our model."
"Hmmmnnp 'di na noh, baka maistorbo ko pa kayo ng boyfriend mo!" Sabay talikod ng dalaga at sakay sa kotse.
"What?" Sabay na sabi ng dalawang lalaki habang nagkakatinginan at namilog ang mga mata sa nadinig. "Boyfriend?"
Pinalis ni Blake ang kamay ng kapatid sa balikat.
"Excuse me, Miss." Sigaw nito ngunit agad ng nakasakay sa kotse si ABC at mabilis ng pinaandar ito.
"Let her leave Kuya." sabi ni Arthur habang nakangiti ng maalala ang sinabi ng dalaga, napagmalan silang bakla.
"I can't believe this. Bakit ba kasi inakbayan mo ko? G*go ka. s**t shit." Asar na asar na sabi nito sa nakakabatang kapatid na si Arthur.
Tatawa lang ang kapatid at tumalikod.
"Let's finish this Kuya ng makapagpahinga na tayo. Tsaka mo na alamin paano mo makukuha ang susunod mong biktima." Makahulugang pagbibiro ni Art sa kapatid.
Nagpo-photoshoot ang Monteza, dahil ito ang first time na lalabas na siya sa publiko, at gagawin ito sa first launch ng project ng itatayo nilang low cost housing sa Bayan ng San Antonio malapit sa La Esperencia at ang next project ay sa Verde Monteza naman. Isasama sa feature nito ang ganda ng ilog dahil malapit ito sa maliit na subdivision na itatayo sa lugar. Matagal na nilang pag-aari ang dalawang ektaryang lote na ito.
Napakunot ng noo si Blake ng makilala ang magandang babaeng kausap kanina.
"She's a Del Fuego, I know her." Napakamot ang ulo nito ng maalala. "Derek akala ko ba may sakit kahapon? Sabi ko na nga ba at may lakad lang yan!" Napapailing si Blake.
"Really Kuya? Bakit ang layo yata ng features kila Vlady at Veron. Ah she's the...." Di na naituloy ni Arthur ang sasabihin sa nakitang reaction ng kapatid. Pero kilala ang Del Fuego at alam din nilang may anak ito sa labas. "Ang ganda kuya, ligawan ko kaya yon?" Pang-aasar nito sa kapatid habang nakangisi. "Kaso lang may cut sa pisngi"
"Sapak, gusto mo?" Sabay amba sa kapatid. "Teka anong cut?" Di na nabigyan ng binata ng pansin ang gasgas ni ABC sa mukha dahil mas nahalina siya sa taglay nitong ganda.
"Yung gasgas sa left face niya, namumula nga eh baka kaya hinde nakapunta kahapon nahihiya sa scar." Type mo no, Kuya? Panunukso pa ni Art. "Kitang kita ko yung tingin mo kanina."
"Shut up Art or else—"
"Ok Kuya," agot agad ni Art kahit di pa tapos magsalita ang kapatid, sabay taas nito ng kamay bilang tanda ng pagsuko pero hinde pa rin maalis sa labi nito ang mapanuksong ngiti.
Sa kotse ay dala dala pa rin ni ABC and inis "Hmmmpp, antipatikong baklang yun. Kakagigil. Sayang gwapo pa naman kaso bading."
Dala dala ni ABC ang inis hanggang makarating ng bahay. Makapagresearch na nga lang about Monteza Construction.
Bumungad agad sa kanya ang company profile at ayon dito ang younger generation na ng Montez family ang namamahala sa kumpanya, ngunit wala ni isang pictures ang CEO ng kumpanya ganun din sa kaugnay na management ng kumpanya.
Si Mrs. Mildred Montez, Ang nagsimula ng company at dahil babae tinawag itong Monteza Empire at isa sa sangay nito ang Monteza Construction bukod pa sa ilang hotels na pag-aari nito, sumunod na pinamahalaan ng anak ngunit maagang namatay kaya ang apo na ngayon ang namamahala. Ayon pa dito, real hunk daw ang binata at pilyo sa babae ngunit gusto daw manatili ang mystery kaya wla siya ni isang larawan. Wala din masearch na f*******: accout, or kahit na i********:.
Wala talaga ako choice kundi ang puntahan at kilalanin ito.
Napagpasyahan niya na lang padalan ng text ang ama. "Papa please send me the company profile and our proposal for the Monteza Construction para po mapag-aralan ko na din po."
"I'll ask Mia to send it to you via e-mail and bukas sisimulan mo ng aralin ang company." Sagot ng ama.
"Sasabay na po ako kay Kuya, pagpasok bukas."
Mataman niyang pinag-aralan ang file halos buong hapon. Sinabayan na din ng research.
Kinabukasan ay maaga syang gumayak at sumabay sa kapatid, at pagdating sa opisina ay tutok na tutok siya sa pagreview at analyza ng finances ng company ganon na din ang ilang mga projects nito. Hinde niya hahayaang may makalusot na detalye ng sa gayon ay maging handa siya sa anomang pedeng mangyari sa meeting.
Tatlong araw niyang inaral ang mga basic at important matters pertaining to the company and the deal.
Sabado na at araw ng meeting, kaya nagpasyang gumayak ng maaga ang dalaga at dumaan muna ng mall bago pumunta sa opisina ng Del Fuego para makapagrelax muna sandali. Mabuti na lang din at nawala na ang bakas ng gasgas sa kanyang pisngi kaya mas confident siyang humarap sa ka meeting mamaya.
Napadaan ako sa Cath Kidston store at nakita ko yung small sling bag na bagay sa mga simpleng lakad.
"Wow, so nice. Miss, I like this one ple—" "Di pa natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ng nawala ang bag sa harapan nya.
"Ah excuse me mister, nauna ako sa bag na yan!." Sabi nya sa nakatalikod na lalaking naka soft denim jacket na papunta sa counter.
"Ako ang naunang kumuha at magbayad kaya sakin to." Sagot nito na hinde man lang nag-abalang tingnan sya habang naglalakad palapit sa counter.
"Ah ma'am sorry po, only 1 bag left po," sabi ng saleslady.
Sa inis ay nagmamadali n'yang hinablot ang bag at inabot sa counter.
"See ako ang nauna," sabi ko sabay abot ng card ko para bayaran.
Pagharap nya sa lalaki ay natulala na naman ito sa mukha ng lalaking nakita.
"You? Hmmmnn seems like your jowa wants this noh kaya inuunahan mo ko." Nakakalokong ngiti nya sa lalaki.
"What—? Jowa?" Inis na sambit nito.
"Yeah, the one you're with, the last time I saw you, sa ilog. Yung bading na may kasamang jowa sa pictorial."
Dala ng kapilyahan ay hinablot nya ang credit card ni Blake sa kamay at dali daling lumabas ng store.
Hmmmp sige ulol ka. Nasakin ang card mo. Itapon ko pa ito eh O di kaya sagarin ko usage nito, sabi ng utak niyang may kamsamang kapilyahan.
Matiim ang pagkakatingin ni Blake sa babaeng palayo dala ang card n'ya.
"You'll pay for this woman, I swear." Sa naisip ay napailing na lang siya at lumabas ng store.
Ireregalo n'ya sana kay Ally ang bag na yon dahil paborito nito ang Cath Kidston at birthday ng kapatid ngayon.
May naglalarong magandang idea sa ngiti ni Blake habang papalabas ng shop.
Si ABC naman ay nagmamadali ng pumunta sa opisina ng ama para makapaghanda sa presentation na gagawin mamaya. Hiling niya ang matagumpay na deal para sa mabilis na paglaya sa kamay ng madrasta.