Pagbukas ng elevator ay naghihintay ang nakangiting si Vlady.
"Hi Princess, are you serious about doing it?"
"Hello Kuya, yes, yes, of course. I've been thinking about it since last week," nakangiti ko ding sagot.
"Don't worry, kakausapin ko yung receptionist kanina," sabi pa nito.
"Ok na yon Kuya, ginagawa lang n'ya ang trabaho n'ya. By the way, si Papa? "
"Inside. Let's go. But are you really sure?"
"Yes, Kuya, malaki na'ko. I can handle things on my own." Nakangiti kong sabi bilang pagbibigay assurance kay Kuya.
Nakatingin ang executive secretary ni Papa sa amin habang naglalakad kami palapit sa office ni Papa.
"Ah, sir, busy po si Mr. SDF. Nagbilin po na bawal magpapasok."
"We'll just talk to him; it won't take long," sabi ni Kuya.
"Bilin po niya 'wag daw siya istorbohin," sabi nito habang matamang nakatingin sa'kin. "Tsaka po—"
"Nonsense," pigil nito sa susunod pang sasabihin at hinatak na ako papunta sa pintuan.
"Sir, Sir," nagmamadaling tawag ng secretary. "Please, Sir."
Agad naman ng nabuksan ni Vlady ang door at napalingon ang ama ng may pagkagulat ng makita s'ya. Pumasok kami sa loob habang humahabol ang staff.
"Iha?" Gulat na gulat si Papa ng makita ako.
"Sir, Sir, sorry, po," sabi ng secretary ng makapasok kami sa loob.
"She's my daughter, Mia," sabi nito. "You may leave!."
"Po? Daughter?" Nagugulugang sagot ni Mia.
"You heard him right; she is Anna Blaire Clarisse Del Fuego, the youngest daughter at kapatid ko," singit ni Vlady.
"Hi Mia, call me ABC." Lahad n'ya ng kamay dito na nakakahiyaan namang tanggapin ng secretary. "Pasensiya ka na sa biglaang pagdating ko."
"Yes, Sir, sorry, po," yumuko si Mia at nagpaalam ng umalis.
GROUP CHAT. Alerto ang mga empleyado nang magsend si Mia ng message.
"Guys, you wouldn't believe it. Confirm nga may anak sa labas si SDF, nandito ngayon sa office. Babae and take note, sobrang ganda. Mana siguro sa ina. Nakakatomboy sa ganda."
"Oh really?, so it's true na may anak sa labas?"
"Can you take a picture? Baka di lang yan ang anak sa labas, baka may iba pa."
"Oo tama, kasi syempre maghahabol sa mana, picturan mo ng makita namin."
"Pag labas i-chat mo kami, aabangan namin para makita namin siya.
How pretty?"
Sagot ng ilan sa chatroom.
"Dumaan yon for sure sa reception. @Ana right?"
"Yes, tama" sagot ni Ana. "Mabait siya malayo sa ugali ni Ms. Veron at ni Sir Vlady. She is sweet and kind at talagang maganda."
"Alangan naman magtaray siya, eh anak nga sya sa labas." Kumento ng isang empleyado.
"Naku naku mamaya niyan, dito na din yan, boss na natin yan."
"Kayo naman kahit naman anak sa labas may karapatan yun dito at isa pa acknowledged sya ni SDF," sabi ni Mia.
"Oo tama nagalit nga si sir Vlady nung di ko pinaakyat, eh, kasi naman hinde nagpakilala agad. Napakasimple kumilos at umasta." Reply naman ni Ana, ang receptionist, "pero outstanding talaga ang beauty, pang model!"
Kanya kanyang opinyon ng mga tao. Pinagpyestahan na naman ang buhay ng bastarda ng mga Del Fuego.
.DON BASTE's OFFICE. Seryoso ang mukha ng Don sa pagbisita ng dalaga.
"By the way, iha, bakit ka napasyal?"
"Ah, Papa, kasi po, ahhmmm—," nauutal ang dalaga dahil hinde alam kung paano sisimulan.
"What?" Seryosong tanong ng ama na may kasamang pagkunot ng nuo. "Speak up!"
"If I get the deal with Monteza Construction, will you allow me to leave?" Sa wakas ay matapang niyang nasabi ang pakay nya.
"What do you mean by leave?" Sagot ng ama. "Leave our house and live alone?"
Marahang tumango ang dalaga. "Opo Papa."
"NO!" Matigas na sagot ng don. "Ano ba yang naiisip mong bata ka?"
"Why, princess? Is it because of Mom?" Tanong ni Vlady.
Di makasagot ang dalaga dahil alam nyang sa itsura ng ama ay galit na ito.
"Anong pumasok sa utak mo Anna Blaire Clarisse?" Kapagkuwan ay tanong nito.
"Naisip ko lang po na; I am of legal age. I'm 21, and, all my life, I've been living like hell. Only Kuya and Manang gave me importance inside the house," naluluhang sagot ng dalaga. "I want to try living on my own. I want to have a peaceful life, Papa."
"Mahirap mabuhay mag-isa anak," harang nito sa iba pa niyang sasabihin, "at hinde kita mapapayagan sa gusto mo dahil ayokong lumayo ka." Malungkot ang mata ng don na nakatingin sa dalaga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya rito.
Napasinghap ang dalaga sa nadinig na tawag sa kanya ng ama, ang salitang anak na pinapangarap niyang madinig.
"E, 'di po ba mas mahirap mabuhay ng alam mong di ka welcome sa tinitirahan mo? You never defended me ever since because you knew this was all your fault. I am a burden to you." Pigil na pigil si ABC na tumulo ang luha. I want them to see that I am strong. "Lahat na lang po ng nangyayari sa bahay ay kasalanan ko. It's not fair, Papa."
"Anak ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Oh God, do you know how it feels to hear you calling me Anak? It was heaven, Papa. I am so happy, but this is all an illusion for me, kasi alam ko pag nasa bahay na po ulit tayo hindi n'yo na ulit magagawa yan. Pa, I am just asking for my freedom. Please understand." Sa puntong ito ay hinde nya napigilan ang panginginig ng boses. "Hirap na hirap na po ako."
"I understand, and I'm sorry, anak, because it's all my fault." Malungkot na sabi ng ama, habang nakatingin sa naghilom na gasgas sa pisngi ng anak, "pero hinde mo problema ang kinakaharap namin ngayon, isa pa napakabata mo pa at wala ka pang alam sa larangang ito para ihandle ang deal sa Monteza."
"Yes, papa, but sa sinasabi po ng mommy, parang ako pa din po ang may kasalanan, kaya po sana ay payagan ninyo akong subukang makuha ang deal. In return, I will do everything to get Monteza Construction." Diretsong tingin ang ipinukol n;ya sa ama. "I will make them our partner, no matter what! Just give me the assurance that you will let me live freely. Please, Pa." This time, di na napigilan ng dalaga ang paggaralgal ng boses at pagtulo ng luha. "Isa pa po, may pinag-aralan ako, hayaan n'yo din pong matuto ako para magamit ko po ang kakayahan at pinag-aralan ko. Sooner or later, sasabak din po ako sa buhay mag-isa, aalamin ko po ang tungkol sa business natin."
Ganito siya kadesperado na makalaya.
"I don't know what to do to change your mind."
Mahabang katahimikan ang namutawi dahil sa pag-iisip bago ito nagsalita ulit.
"Ok.." Nakayukong sabi ng ama bilang pagsuko. Ayaw man nya ngunit kailangan nila ang Monteza at baka sakaling makatulong ang anak niya. "But if you fail, no more buts, okay?"
"Dad, she's too young to let her live alone," pagtutol ni Vlady.
"We need Monteza, and we have to do everything we need to help the company. I will give you my word, Anak! You'll have your freedom once we have Monteza's."
"Ok po, Pa. Thank you so much, po. Aalis napo ako." Walang pagsidlan ng tuwa ang dalaga.
Mabilis ng tumayo si ABC at naiwang nakatulala ang mag-ama.
"Sige anak, mag-ingat ka."
"Ah Papa kelan nga po pala ang meeting with Monteza?"
"Sa Sabado."
"Ok, I have three more days to get ready. Can I have a copy of our company profile and accounting report?"
"Be here tomorrow at 8 a.m.; ayaw ko ng nalelate."
Napangiti si ABC sa sinagot ng ama dahil nangangahulugan ito na simula na ng paghahanda niya para sa panibagong laban.
Bumukas ang office door ni SDF.
"Bye, Mia. Sorry for bothering you." Magalang na paalam ko rito.
"It's okay, ma'am. Pasensya na din po kayo."
"Ok lang 'yun."
"Ah ma'am, ang ganda n'yo po, sakali po ba pede po magpapicture sa inyo?"
"Oh me?" Nabiglang sabi ni ABC. "Ok sure."
Pagkapicture ay tuluyan ng umalis ang dalaga.
CHATROOM. Agad na nagmessage si Mia sa group chat.
"Guys, she's leaving," chat ni Mia.
Pagkapicture ay agad itong pinadala ni Mia sa chat.
"Wow, ang ganda nga." Reaksyon ng lahat ng makita ang picture na pinadala ni Mia.
Ang ilan naman ay pasimpleng nag-aabang at bawat naman matingnan ng kanyang mata ay nginingitian nya. Pinili nya kasi sumakay sa staff elevator kaysa sa VIP dahil gusto nyang makita ang itsura ng office.
"Wow, ang ganda nga—lalo sa personal!"
"Ang ganda ng bastarda ng mga Del Fuego, mana siguro sa ina kasi malayo sa face value ni Ma'am Veron e."
At muli, naging laman siya ng isang mainit at magulong usapan na animo'y palengke sa ingay gawa ng tsismis.