"Gusto ko na lang ipalaglag ang bata para wala na akong magiging problema."
"Gaga ka talaga! Alam mo bang mali ang gagawin mo? Papatay ka ng batang walang kamuwang muwang! Siraulo lang ang taong gagawa ng ganyang bagay!"
Kaagad naman akong natauhan sa sinabi sa akin ni Karen. Alam ko na kasalanan sa mata ng diyos kung ipapalaglag ko ito at habambuhay akong uusigin ng aking konsensya.
"Mas maigi pa siguro na sabihin ko ito sa mga magulang ko dahil alam ko naman na hindi ko ito maitatago habangbuhay."
"Mabuti naman at natauhan ka kaagad. Oh siya, congratulations pa rin dahil magkakaroon ka na ng baby!"
"Anong congratulations? Natitiyak ko na magagalit ang parents ko kapag nalaman nilang nagdadalantao ako!"
"Of course, 17 ka pa lang at hindi ka pa tapos sa pag-aaral kaya malamang, magagalit talaga sila sayo. But trust me, sa umpisa lang naman 'yan at pasasaan pa't magiging masaya rin sila lalo na kapag nakita nila ang baby mo!"
Dinampi ni Karen ang kanyang pisngi sa akin at nagpaalam.
Isang oras ang nakalipas, naglakad ako patungo sa dining table kung saan nadatnan ko ang mga magulang ko na kumakain. I gathered my strength at buong puso akong nagsalita at kahit na ano pa man ang maging reaksyon nila, buong puso ko itong tatanggapin. Nagbabakasakali ako na ito ang magiging dahilan para itigil nilang ipakasal ako sa lalaking hindi ko kilala.
"Buntis po ako." sambit ko at halos manginig ang buo kong katawan pagkatapos ko itong sabihin.
Nagtinginan ang mga magulang ko. Halatang disappointed ang nanay ko pero ang tatay ko, bigla na lamang siyang natawa.
"Buntis ka? Baka naman pina prank mo lang kami?"
Para wala na kaming pagtalunan, inilapag ko sa mesa ang pregnancy test kit upang mapagtanto nila na nagsasabi ako ng totoo.
Nawala ang malakas na halakhak ng aking ama samantalang kinuha naman ni mama ang test kit para mas makita niya ang resulta ng malapitan.
"Ano ang ginawa mo?" Tanong ng aking ama habang pinagalitan nila akong dalawa, na nagpapaalala sa akin ng malaking kabiguan sa pamilya at malaking kahihiyan ako.
"Sino ang ama? Siguradong meron ito, di ba?" Nagdemand ang nanay ko at wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya, hindi ko nga alam kung paano magsisimula.
Alam niya ang sagot ko nang makita niya ang reaksyon ko at masasabi kong mas heartbroken siya kaysa sa ine-expect ko. Dahil sa aking pagkakalugmok, nilock kong muli ang sarili ko sa aking kwarto at iniiyak ko lahat ang sama ng loob ko sa aking kama.
Nagising ako sa katok sa pinto at napangiwi ako nang hindi pangkaraniwang maliwanag ang kwarto ko. Tinignan ko ang oras at 8 na ng umaga. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang tatay ko na nakatayo. Seryoso ang kanyang mukha at bakas ko na siya ay umiyak.
"Hindi mo na kailangan pang bumaba para ipaalala sa amin ang nakakadismayang pagbubuntis mo!" sambit ng tatay ko.
Bago pa man ako makapag react, muli siyang nagsalita.
"We are having a meeting with the Andersons, we're telling them about the pregnancy and calling off the wedding."
"Ano?" Tanong ko na parang hindi ko nakuha ang malinaw na mensahe, ngunit hindi siya sumasagot, bagkus ay lumabas siya at iniwan ako sa aking pintuan.
Sobrang nakaka depress ng mga pangyayari pero ayaw ko namang sumuko. Nagbihis ako at naglagay ng maraming foundation sa aking eye-bag na resulta ng kakulangan sa tulog at maraming luha nitong mga nagdaang araw.
Ngayong araw ang nakatakdang meeting ng mga magulang ko sa Andersons family. Matapos kong ayusan ang sarili ko, pumunta ako sa dining room kung saan sasabihin ko ang balitang buntis ako dahil baka pagtakpan ako ng aking mga magulang matuloy lang ang kasal ko.
Pumasok ako at tumigil ang mundo ko habang nakatitig ako sa mga mata ni Xander na nakangising parang demon. Siya iyon, ang dahilan kung bakit nadismaya sa akin ang buong pamilya ko.
Sinubukan kong umiwas ng tingin sa kanya habang naupo ako sa tabi ng nanay at tatay ko. Magsisimula na ang meeting pero hindi ko maialis sa isipan ko ang kanyang nakakasukang hitsura.
"Nandito kami ngayon dahil sa desisyon na ginawa namin tungkol kay Xander at Bella, buntis ang anak ko at-"
Ang sabi ng tatay ko nang pabigla-bigla, tumayo ako sa aking kinauupuan habang itinuro ko si Xander na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?" bulong ni nanay habang hinihila ang damit ko pero hindi ko siya pinansin.
"Bakit nandito ka?" sabi ko habang masamang tinitingnan si Xander, "Ano ang ginagawa mo ritong lalaki?" Nagpatuloy ako habang dinuduro ko si Xander.
Malamang na iniisip nilang lahat na galit ako ngunit maaari kong isumpa na hindi ako galit. Wala akong pagsisisi sa mga binitawan kong mga salita. Nakatingin si Xander sa akin na tila ay wala siyang alam sa mga pinagsasabi ko kahit na alam naming dalawa na may nangyari sa amin.
Matapos niya akong putukan ng tam*d sa loob ng kepyas ko, ngingisian lang niya ako na para bang isa siyang demonyo.
"Xander?" Narinig ko ang isang matandang lalaki na nagsalita. Wala akong ideya kung sino ang tumatawag.
"Hoy Xander," sambit ko at tumingin silang lahat sa akin na para bang kasalanan ang banggitin ang pangalan niya.
"Are you sure you na ako ang lalaking pinagbibintangan mong nakabuntis sayo? At ano naman ang ebidensya na mayroon ka?"
I have the urge na sampalin siya sa mukha subalit nandito ang parents naming dalawa kaya mas pinili kong wag siyang pagbuhatan ng kamay. Dismayado ako na tila ay wala siyang kahit na katiting na alaala kung paano niya ako niyaya sa bahay na walang kusina at saka niya tinikman ang adobo ko!
"At ano naman ang gusto mong palabasin? Wala akong planong makipag lokohan sayo? Tandang tanda ko ang pagmumukha mo dahil ikaw ang nakabuntis sa akin!"
Hingal na hingal ako at punong puno ng galit ang puso ko. Labis kong pinagsisihan na hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa.