CHAPTER 6

1051 Words
Natahimik ang buong paligid namin at bigla naman akong hinila ni Xander sa labas ng meeting room ng walang sabi sabi. Isinandal niya ako sa pinto at isinandal ang kanyang mga kamay sa pader. "Bakit mo ako ipinapahiya ng ganito?" seryosong sabi sa akin ni Xander at amoy na amoy ko ang matapang na pabangong gamit niya nang magkita kaming dalawa sa bar. Asar na asar ako kay Xander pero aminado akong pinapakalma ako ng mapang akit niyang mga mata. "Wow! Sayo pa talaga nanggaling ang bagay na yan ha? Hiyang hiya naman ako sayo Xander! Sinabi ko naman kasi sayo na magsuot ka ng condom para hindi magbunga ang mga maling ginawa natin pero ano ang ginawa mo? Ngayon, dala dala ko ang anak mo sa sinapupunan ko at ang masakit pa, dinedeny mo na may nangyari sa akin!" Napangisi naman si Xander na para bang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko kahit nasasaktan na ako. Inilapit niya ang bibig niya sa akin at mahinang nagsalita. "Hindi ko naman maikakaila sayo na totoong may nangyari sa ating dalawa, pero sa pagkakaalala ko, pinalunok ko sayo ang katas ko kaya sigurado ako na imposible ang sinasabi mo. Kung mayroon ka mang dapat na sisihin dito, yun ay walang iba kundi ang sarili mo. Dapat kasi nag take ka ng pills bago ka nagpunta ng bar, bakit ka kasi nagpapatira sa lalaking di mo naman jowa. I just had fun that night, nothing more and nothing less!" Ramdam na ramdam ko ang kayabangan sa tono ng pananalita ni Xander. Isa siyang hambog na lalaki at sobra akong na turn off sa kanya. Dahil sa mababaw lang luha ko, hindi ko mapigilang umiyak sa harapan niya! "Oh bakit ka umiiyak? Are you playing the victim kahit na ginusto mo rin ang nangyari sa ating dalawa?" Biglang mayroong kumatok mula sa loob ng dining area namin na kulob. "Xander, what is going on there?" "Nothing dad," sagot ni Xander na nang-aasar pa sa kanyang mga titig sa akin. "Then opened the damn door! I don't want to hear any more excuses!" Hinalikan akong bigla ni Xander at natulala na lamang ako sa nangyari. Para akong statwa na hindi maigalaw ang buo kong katawan hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig niyang kamay. "Please excuse me," sambit ni Xander sabay hawak sa door knob. Tumabi ako at binuksan ni Xander ang pinto. "These are the things we did not need to hear!" sigaw ng matandang lalaki. I assume na siya ang tinutukoy na tatay ni Xander at ngayon ko lang napagtanto na magkahawig pala silang mag-ama. Nang napatingin ako sa mga magulang ko, nakita ko ang matatalim na tingin nila sa akin na para bang ang bigat ng kanilang kalooban. "Dad, I know you've heard some of the conversation but I guarantee you that this woman is a big liar. Wala po akong ideya sa kung ano ang mga pinagsasabi niya!" muling pagdedeny ni Xander, this time, mas ramdam ko na buo ang kanyang boses and he makes that serious facial expression na kapani paniwala. Mukhang sanay magsinungaling ang lalaki na ito. "Wag mo akong itrato na para akong tatlong taon na gulang, nakilala ka niya at halata naman sayo na kilala mo siya, halatang mayroong namamagitan sa inyong dalawa!" Napangiti ako sa aking narinig mula sa bibig ng tatay ni Xander, akala ko talaga ay wala akong kakampi subalit nagkamali ako. "Nagkamali lamang po siya, sa dami ng kamukha ko sa mundo, sigurado ako na ibang tao ang tinutukoy niya at hindi ako!" Tumingin sa akin si Xander muli, "She can abort the child because I am not ready to be a father at all. Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong tuparin at sinisigurado ko sa inyo na hindi pagiging tatay sa murang edad ang isa doon." "Isa kang duwag at walang paninindigang lalaki Xander, matapos mo akong gamitin, itatapon mo lang ako dahil wala na akong pakinabang. Pareparehas lang kayong mga lalaki, mga manloloko at walang bay*g!" Sinuntok ng tatay ni Xander ang table, dahilan para matahimik kami ni Evan. "TAMA NA!" Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw ng tatay ni Xander. "How could you even suggest that Xander?" an old woman with white hair spoke, tahimik siya sa buong meeting at ngayon ko lang siyang narinig na magsalita. "Ma!" gulat na sabi ni Xander. "My first grandchild will not be aborted. We are keeping this baby," paninindigan ng nanay ni Xander. Nakatingin ako sa tatay ni Xander na galit na galit. "Now what?" "James," sabi ni Xander. "You son of a b***h!" nanggagalaiting sabi ni James. "How can you steal her from me? She's supposedly mine!" "Putang ina!" pagmumura ko sa gulat, napatakip pa ako sa aking bibig dahil hindi ko inaasahan na si James ang lalaking dapat na pakakasalan ko. Matangkad siya at singkit ang mga mata, pero wala siyang kadating dating para sa akin at kung hitsura lang naman ang pag uusapan, mas gwapo at mas malakas ang appeal ni Xander kay James. "I have a suggestion," biglaang sabi ng tatay ko na napatayo. Sa isip ko, ano kaya ang pwede nyang maging suggestion sa amin. "What if Xander takes James' place?" Sabi ng papa ko at lalo akong naging disappointed. Gusto ko siyang sigawan sa galit pero nasa harapan kami ng pamilya ni Xander, ayaw ko naman isipin na wala akong respetong anak. "Buntis si Bella at mariin niyang sinasabi na si Xander ang ama ng dinadala niyang bata kaya dapat na silang dalawa ang magpakasal!" Iniikot ko ang mga mata ko sa pagkakabwisit. This time, kailangan ko nang magsalita at ipagtanggol an sarili ko. "But Dad, I am not getting married to him or to anyone, I can't spend the rest of my life with either of them, especially Xander!" Wala na akong pakialam sa ngayon kung magagalit sa akin ang tatay ko o sisigawan niya ako. "And what makes you think I want to marry a slut like you? Kung tumutuwad ka kaagad sa lalaking nakilala mo lang kung saan saan, paano ako nakakasigurado na ako ang tatay ng dinadala mo?" Gusto kong kalmutin ang mukha ni Xander sa gigil ko sa kanya. Masakit para sa akin na tawagin niya akong malandi sa harap ng mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD