CHAPTER 7

1072 Words
"Slut shaming kaagad? Sobra ka naman mapakapanghusga! Honestly, hindi ko inaasahang manggagaling yan sa lalaking tatlong beses na mas matanda sa akin. Palibhasa kasi fuckboy ka!" "Tama na!" Dumagundong si Dad sa pagkakataong ito at napaatras ako habang nakatitig sa nagngangaliti na si Xander. "Makinig ka dito Bella," pabulong na sabi ng tatay ko habang hinihila ako sa isang tabi, "buntis ka kaya wala ka talagang choice, wala ka talagang masabi dito, it's either you marry Xander or you marry James." Lumingon ako kay nanay para makasigurado na narinig niya ang sinabi sa akin ng asawa niya. Para lang siyang robot na walang kaemo emosyon sa mukha. "Wala ka naman talagang ibang pagpipilian," yumuko siya at tumingin sa akin, "either you marry James or Xander!" Napa upo na lamang ako sa kanyang sinabi. Lumihis naman ang tingin ko sa Lexwell family and mukhang mayroon silang ibang discussion na pinag uusapan subalit masyadong mahina ang mga boses nila para marinig ko kung tungkol saan ang pinag uusapan nila. Napalingon ako kay Xander at nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Sobra akong natatakot sa matalim niyang tingin at alam ko na magiging mas matindi ang ugali niya sa akin kapag ikinasal kaming dalawa. Alam naming dalawa na kinamumuhian namin ang isa't isa kaya no to marriage ako! "Ma, pa, sa araw na ito, tuluyan ng nawala ang respeto ko sa inyo. Tutol po ako sa kasal na ito kahit na ano pa ang mangyari at handa akong panindigan ang mga sinabi ko," mahinahon kong sabi, ang nakakasuyang tingin ng tatay ko ang nag provoke sa akin upang ilabas ko ang totoo kong nararamdaman. "Sana kasi iba na lang ang naging magulang ko! Wala kayong ibang inisip maliban sa sarili ninyo, kung gusto niyo akong ipakasal sa lalaking walang katiting na respeto sa akin, sana ay pinatay niyo na lang ako!" pagpapatuloy ko. Tumayo ako at aalis na sana ako ng biglang hatakin ng tatay ko ang damit ko., tiningnan ko siya at puno ng galit ang mga mata niya. "Kapag umalis ka dito, wala ka nang babalikan!" banta niya at nanghina ang mga tuhod ko sabay bagsak ko sa upuan na gumawa ng malakas na ingay. "Wag na kayong umasa na sasangayon ako sa kasal na ito," pagsisingit ni Xander. Nakipag away rin siya sa kanyang mga magulang hanggang sa maglabas na lang ng pistol ang kanyang ama. "Nauumay na ako Xander, susunod ka ba sa gusto kong mangyari o gusto mong dumanak ang dugo sa lugar na ito?" seryosong pagbabanta ni Mr. Lexwell. Napalunok si Xander nang tutukan siya ng baril ng sarili niyang ama samantalang tagaktak naman ang pawis ko. Takot na takot kasi ako sa baril at sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita nito sa personal kaya nanginginig talaga ang laman loob ko. "I know that you are after my wealth as well at sisiguraduhin ko sayo na wala kang magiging mana kapag hindi ka ikinasal kay Bella!" Walang pinagkaiba ang mga magulang ko sa mga magulang ni Xander. Pareparehas lamang na negosyo ang tingin nila sa kanilang mga anak. Ngayon, wala na akong ibang magagawa pa at dapat ay pilitin kong tanggapin ang katotohanan na nakatakda kaming ikasan ni Xander. "Pirmahan mo na ang marriage contract ninyo at ibigay mo kay Bella para makapirma rin siya!" pag uutos pa ni Mr. Lexwell. Kinuha ni Xander ang brown envelope at pumirma siya. Pumirma rin ako kahit na labag ito sa aking kalooban. Pinag pasapasahan na ang marriage contract hanggang sa makapirma na ang lahat. Napamura ako sa aking isipan at gusto kong punitin ang marriage contract. Ang ikasal sa lalaking naka one night stand ko ay magiging bangungot sa aking araw araw. Apat na araw ang nakalipas, kasal na naming dalawa ni Xander at ang maingay na tunog ng bell ang hudyat na magiging masalimuot na ang magiging takbo ng buhay ko. Bukod sa makasarli ang mga parents ko na walang ibang inatupag kundi ang pagpapayaman, magiging punching bag na ako ni Xander araw araw lalo na kapag ayaw kong makipag s*x sa kanya. Ngayon, tinitingnan ko ang aking wedding gown and still, hindi ako makapaniwalang ikakasal na talaga ako! In fairness naman, maganda ang gown ko para sa magiging kasal namin ni Xander. Sobrang elegante ng civil wedding naming dalawa at masasabi ko na kung sa lalaking mahal ko ako ikasal, ganitong set up talaga ang gusto ko. Sa hindi kalayuan ang podium kung saan mangangako kaming dalawa ni Xander na magmamahalan kuno habang buhay. "Dammit! Will you please at least smile, Bella?" Sabi ng nanay ko, habang naglalakad papunta sa dressing room, sobrang elegante rin ng suot niyang gown at para lang kaming magkapatid dalawa dahil sa kanyang make up. "Bakit po kayo nandito?" tanong ko, at pwersahan akong ngumiti sa kanya. "Nagiguilty na ba kayong ipinakasal ninyo ako sa demonyong Xander?" "Wag mo nga akong dramahan Bella, ginagawa lang namin ng tatay mo ang lahat para maging maganda ang kinabukasan mo!" "Wag na po kayong magsinungaling sa akin. Ang kasal at ang lahat ng nangyayari na ito ay malaking bangungot sa akin." Umiling ang nanay ko at bumaling sa wedding dresser. "Handa na ba siya? Dumating na ang mga bisita namin at hinihintay siya ng kanyang asawa." True enough, nang sumulyap ako sa bintana, si Xander ay bumaba sa podium, na may lungkot sa kanyang gwapong mukha. Sobrang lakas ng dating niya pero dahil sa pangit na ugali niya, sobra akong na turn off. Hanggang ngayon nga, naaalala ko pa rin ang mga pinagsasabi niya sa akin nitong nakaraang araw. Sa isip ko, paano kaya namin masusurvive ang buhay mag asawa kung ngayon pa lang ay para na kaming aso't pusa. Sigurado akong magiging kawawa ang magiging kapitbahay namin dahil araw araw kaming magsisigawang dalawa. "Ready na po siya Ma'am," sabi ng wedding dresser. Tang ina talaga. Ano ang gagawin ko ngayon? Mayroon pa sigurong himala na mangyayari ngayong araw. Ayaw kong pakasalan ang lalaking kinamumuhian ko! "Bella, basang basa ko ang nasa isip sa mga sandaling ito," seryosong sabi ni mama, "Sa ataw at sa gusto mo, ikakasal ka ngayon at ngingiti ka sa harap ng maraming bisita na saksi sa pag iisang dibdib ninyo ni Xander!" Pinilit ko talagang ngumit kahit na nasasaktan ako deep inside. Nang lumabas kami sa dressign room, ang romantikong kanta ay nagsimulang tumugtog. Naghintay ang aking ama sa entrance ng garden, naka ready na siya na ihatid ako sa altar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD