Nang hawakan ko ang braso ng tatay ko, napunta ang tingin ko kay Xander na nakatayo sa altar. Maya maya pa ay nakarating din ako sa altar at magkaharap kaming dalawa ni Xander. Para bang natutulala siya sa hitsura ko ngayon.
.............................................
.............................................
XANDER POV
"Welcome everyone," pagbati ng pastor, isang pagpapaalala na gaganapin na ang wedding namin ni Bella.
Aaminin ko, sobra akong naakit sa hitsura ni Bella sa mga sandaling ito. Nang yumapak siya sa garden, halos malaglag ang panga ko sa kanyang ganda.
Parang yumayanig ang mundo ko sa tuwing umaalog din ang kanyang boobs. Naaalala ko tuloy ang una naming p********k.
"Idiot," bulong ko, umiwas ng tingin sa kanya, sinusubukang gisingin ang sarili ko sa ulap ng aking pagnanasa. At naalala ko kung paano ko siya laspagin sa kama at kung paano ko tinikman ang sariwa niyang katawan.
Subalit akala ko ay malalabanan ko ang temptasyon, muli akong sumilip sa kanya at napukaw ako sa kanyang mapupulang labi at matingkad niyang ngiti.
"You may kiss the bride," nakangiting sabi ng pastor at bumalik ako sa realidad.
"Halikan si Bella? Ngayon? Sa labi?"
Nagkaroon kami ng ilangan ni Bella.
"Naiinis ako ngayon pero ang mapupula niyang labi, aminado ako na masarap itong halikan!"
"Bakit ang tagal ninyong maghalikan? Ano ang hinihintay ninyo, pasko?" sigaw ng isa sa mga guests.
Tumingin ako sa mga magulang ko at nagtaka ako kung bakit marami silang inimbita na hindi ko kilala. Ang buong akala ko pa naman ay sikreto ang kasal na ito, pero nagkamali ako.
"Halikan mo na siya!" sabi ulit ng isa naming guest.
Sa bwisit ko ay hinila ko si Bella papunta sa akin, tinaggal ko ang belo sa kanyang ulo at tsaka ko inilapat ang aking labi sa kanya. Napakalambot ng labi ni Bella at masasabi kong nagustuhan ko ang tamis ng aming halikan.
Nagpalakpakan ang mga bwisita sa halikan naming dalawa at sa isip ko, gusto ko na lang na matapos ang bangungot na ito.
Naramdaman ko ang pagsigla ng katawan ko at para bang na magnet na ang labi naming dalawa.
"That was pathetic," bulong ni Bella at tila ako lamang ang bukod tanging nakarinig nito.
Pinilit ni Bella na ngumit matapos i-announce ng pastor na kami ay tapos nang mag-isang dibdib.
Halos ang halikan lamang naming dalawa ang ikinasaya ko sa wedding.
Matapos ng wedding ceremony, nagpunta ako sa bar at hindi ko na alam kung nasaan si Bella. Dapat pagkatapos ng wedding ceremony ay magkakaroon kaming dalawa ng honeymoon sa isang hotel pero dulot ng kalasingan, nakalimutan ko na kung saan ito.
"Honeymoon niya mukha niya, at sino ba ang nagbuhol buhol ng mga susi ko!" bulong ko sa sarili ko. Hinanap ko ang susi sa hotel namin subalit nalilito na ako kung nasaan ang susi ko.
"Siyempre ikaw, tanga ka ba?" sambit ni Bella.
Hinanap ko kung saan nagmumula ang kanyang boses kaya tumalikod ako at nakita ko siyang nakasimangot sa akin.
"Oh ano na naman problema mo at nakasimangot ka sa akin?"
"Hindi pa yan malala, the worst is yet to come. Marami pa akong binaong masasakit na salita para sayo!"
Dulot ng kalasingan ko, bigla ko na lamang siyang pinuri sa kanyang suot.
"Ang ganda mo sa suot mo, Bella!" sambit ko. Ngayon ko lang napagtanto na nadulas ang dila ko at dapat ay hindi ko siya pupuriin dahil matindi ang galit namin sa isa't isa.
"Tigilan mo na ang pambobola mo sa akin dahil waepek 'yan!" taas kilay niyang sabi. "Saang lupalop ka ng mundo pumunta? Para ka na lang naglaho ng parang bula pagkatapos ng kasal natin. Para akong tangang naghihintay sayo sa hotel, nagmumukmok mag-isa habang nakatingin sa kawalan?"
Natawa ako dahil naimagine ko kung paano mainis si Bella. Ang sarap pala talaga niyang tingnan lalo na kapag napipikon, sobra akong natatawa lalo na't lalo siyang nagiging cute sa paningin ko.
"At ano naman ang pakialam ko kung maghintay ka sa akin? Alam naman nating dalawa na wala tayong pakialamanan dahil kasal lang tayo sa papel at hindi sa totoong buhay!" lalo kong pang aasar sa kanya, gusto ko siyang mas mapikon sa akin ngayon.
Iniikot niya ang kanyang mga mata kagaya ng mga nakikita ko sa mga kontrabidang napapanood ko sa mga movie.
"Duh! Anong feeling mo sa sarili mo? Espesyal ka ba? Ang pinupunto ko lang ay ang pagsayang mo sa oras ko. At sisihin mo ang sarili mo dahil kasalanan mo ang lahat, kung di ka pa naman tanga, binuntis buntis mo pa ako. Yabang yabang ka pa na sa labas mo ipuputok, tapos nilabasan ka na pala!"
"Masyado ka na yatang mahangin ngayon, Bella? Aminin mo man o hindi, parehas tayong nag init ng gabing iyon!" Ipinikit ko ang mga mata ko habang sinasariwa ang mga nangyari ng bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal.
Napadilat ako kaagad at bago pa niya ako muling sampalin, pinigilan ko na ang kanyang kamay. Nanggagalaiti ako sa galit at napasigaw akong bigla. Sa lahat kasi ng ayaw ko, yung mga taong nananakit ng physical mapa babae man sila o lalaki.
"Nasisiraan ka na ba ng bait o asar talo kang babae ka ka?"
Tiningnan ako ni Bella na kinagat ang ngipin sa sobrang galit habang naiipon ang kanyang luha sa mga mata.
"Wag mo akong pinapahiya ng ganito Xander," ang sabi niya na halatang pagod na sa kaka explain sa akin. Shunga siya kasi lasing ako at labas pasok lang sa tenga ko ang mga sinasabi niya.
Ewan ko kung pagod lang ba si Bella sa kasal o sadyang pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Either way, I don't give a damn.
Dahil pakiramdam ko ay wala nang pupuntahan ang usapan naming dalawa, muli kong ginamit ang susi upang buksan ang pinto at sa wakas ay nabuksan ko rin ito pagkatapos ay lumingon akong muli kay Bella.
"Pumasok ka sa loob, Miss Bride!" pag-uutos ko sa kanya. "Nakakahiya naman sayo na naghantay ka sa akin at kung tingnan mo ako ay para akong nakapatay ng tao!"