CHAPTER 9

1005 Words
BELLA POV Maya maya pa ay pumasok ako sa loob ng hotel room at may ginawa akong kalokohan sa kanya bago ako matulog. Syempre dahil sa magkagalit kaming dalawa ni Xander, wala kaming pakialamanan sa isa't isa. Bilang isang fake bride, masasabi ko na wala talagang kakwenta kwenta ang pagsasama naming dalawa ni Xander. "Bella!" Sigaw ni Xander na halatang nagagalit. Nung una, akala ko may pinuntahan siya para magpalamig o kumalma o kung ano man ang ginawa ng mga fuckboy bago ang gabi ng kasal. Okay probably, sobra lang akong nag iisip. Deep inside, nag eexpect ako na magha-honeymoon pa rin kami ni Xander dahil s*x lang naman ang naging dahilan kung bakit kami ikinasal. Tumigil ang pagtapak ni Xander sa labas ng pintuan ko at mabilis na hinampas ito ng mga kamao niya. "Bella! Lumabas ka agad!" Utos niya habang kumakatok sa pintuan. "At bakit mo naman ako inuutusan?" pananabat ko sa kanya. Ang pinto ay yumanig at natawa ako ng kaunti, pakiramdam ko ay inis na inis siya sa akin. Walang katulad ang kasiyahang panlilibak sa tangang ito. Kinaladkad ko ang aking mga paa patungo sa pinto, ngumingisi sa aking sarili dahil baka na diskubre na niya ang prank na ginawa ko. "Bella, sinisigurado ko sayo na sisirain ko itong pinto kapag hindi mo ako pinagbuksan!" pagbanta niyang muli. Nagkibit-balikat ako, saka napagtantong hindi niya ako nakikita, napahagikgik ako. "Okay sige, wala namang problema sa akin kahit na sirain mo pa ang pinto. Tutal anak ka naman ng bilyonaryo kaya sigurado ako na barya lang sayo ang mga presyo nyan!" "Baliw ka! Karapat dapat kang makulong loka loka ka-" Walang paraan na makayanan ko ang ulan ng mga pang-iinsulto na lumabas sa kanyang bibig. Galit kong hinawakan ang door handle at binuksan iyon. Tinitigan ako ni Xander na may galit sa kanyang mga mata. Pulang pula ang balat ng mukha niya, akala ko isa siyang demonyo sa anyong tao. "Oh bakit ang sama sama ng titig mo sa akin, f**k boy?" pagbabalik ko ng insulto kay Xander. Nakahanda na ang mga kamay ko sakaling umabit kaming dalawa sa pisikalang pag-aaway. Kahit na babae lang ako, hindi ako papayag na apihin niya lang. "Anong nilagay mo sa tubig ko?" galit na sigaw niya. Sinubukan kong magkunwaring walang alam sa mga pinagsasabi sa akin ni Xander. "Ha? Nabubuang ka na ba, Xander? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Ang tawag diyan ay karma dahil sa pag-abandona mo sa bride mo!" "I swear, magtago ka na sa palda ng nanay mo sa susunod na gagawa ka ng ganyang kalokohan sa akin." Nginisian ko lang siya sa kanyang mga sinasabi. Ang aking mga kamay ay napunta sa aking tiyan at pinagsisisihan kong hinayaan ko ang aking mga hilig at pagnanasa sa gabing ito. Alam ko naman na ang anak lang namin ni Xander ang dahilan ng pagsasama namin. Bakit ko pa siya gugulin sa buong buhay ko kung wala naman kaming pagmamahal para sa isa't isa? "f**k," ungol ko nang tumama ang likod ko sa dingding. Mabilis akong napaatras, hindi ko namalayang nauntog na pala ako sa pader. "Huwag mo na ulit subukan 'yan," babala niya ulit sa akin. Kahit sa gitna ng lahat ng drama, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kagwapo. Sayang lang hindi tugma ang character niya sa facial features niya. In fairness, pwede kong paglihian ang kanyang mukha pero no to attitude pa rin ako. Dalawang minuto na ang nakakalipas ng huling magsalita si Xander. Nakatayo siya doon na nakatitig sa akin o sa dibdib ko, hindi ko masabi kung alin. Hinangaan ko ang labi niya, matambok at mukhang kailangan nila ang akin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa damit ko na pinipigilan ang sarili kong gawin ang parehong pagkakamali na nagdulot sa akin sa sitwasyong ito, ngunit hindi nakakatulong ang pakikinig sa t***k ng kanyang puso. Dala ng kanyang kalasingan, bigla akong hinalikan ni Xander sa aking noo pagkatapos tsaka siya nagsalita. "Ingatan mo ang baby nating dalawa. Siya ang magdadala ng pangalan ko at ayaw kong mayroong mangyari sa kanya. Dahil nasa sinapupunan mo siya, responsibilidad mo na pangalagaan ang katawan mo para maging maayos din ang baby natin!" Hindi ko lubos akalain na gagaan ang pakiramdam ko sa mga narinig ko galing sa bibig ni Xander. Ramdam na ramdam kong nagmamalasakit siya para sa baby naming dalawa subalit biglang nagbago ang ihip ng hangin ng dugtungan niya ang kanyang sinabi. "Pero wag ka nang umasa na mamahalin kita Bella kaya wag kang mag assume na concern din ako sayo. At itataga ko talaga sa bato na walang mangyayari sa atin sa honeymoon na ito. Kaya kung makati ka, kamutin mo na lang!" "Huh, asa ka! Sa tingin mo bibigay pa rin ako sayo pagkatapos mong ideny na ikaw ang tatay ng dinadala ko? Manigas ka jan!" Pumasok siyang muli sa loob ng kwarto namin at bigla siyang nagtungo sa cr!" "Hoy, kinakausap kita wag kang bastos!" sambit ko sa kanya. "Tatae ako, sasama ka ba sa loob?" "Letse ka, wag kang magkakalat ng amoy dito sa labas ha!" Nagpunta ako sa higaan at binuksan ko ang tv. Nagulat naman ako nang tumambad sa akin ang p**n sa tv at ungol ng babae kaya pinatay ko ito kaagad. Maya maya pa lumabas si Xander na napangisi. "Hahahaha!" malakas niyang halakhak. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. "Oh anong nakakatawa jan? Pinatay ko naman kaagad eh!" "Hoy, never kong binuksan ang tv na yan which means ikaw ang nagbukas niyan kanina!" "Hindi ako nanonood ng p**n at ang akala ko normal na palabas lang yung kanina pero mali ako!" Tumabi sa akin si Xander at napansin ko na basa ang buhok niya. "Oh akala ko ba-" Hindi pa ako natatapos magsalita ay pinutol na niya ako. "Akala ko ba maselan ka? Kaya nga ako naligo eh!" Makalipas ang ilang linggo, inayos ko na ang sarili ko sa pakikisama sa demonyong ito. Pero kahit torpe siya, at least we keep our distance from each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD