Ang Simula ng Kakaibang Pakikitungo

851 Words
Ang banyo ay balot ng makapal na singaw, tila isang ulap na nagbubukod sa amin mula sa magulong mundo sa labas. Dahan-dahan kong ginupit ang puting polo ni Karius. Bawat hila ko sa telang dumikit sa kanyang balat ay may kasamang mahinang pag-igting ng kanyang panga, pero hindi siya umiimik. Nang tuluyan nang mahubad ang polo, bumungad ang kanyang likod. Mas malala ito kaysa kaninang umaga, pero sa halip na matakot, nakaramdam ako ng isang matinding pagnanais na alagaan siya. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at dahan-dahang sinimulang linisin ang kanyang balat. “Sino ka ba talaga, Karius Montero?” tanong ng isip ko habang pinagmamasdan ang kanyang matitigas na muscle na tila unt-unting lumalambot sa ilalim ng aking mga kamay. “Ang hari ng korporasyon na walang kinatatakutan, o ang lalaking ito na tila nakahanap ng tahanan sa aking mga haplos?” “Bakit mo ginagawa 'to, Sebrina?” paos niyang tanong, ang kanyang boses ay nanginginig sa pagod habang nakasandal ang noo sa malamig na tiles. “Dahil Espinosa ako,” sagot ko, mas malambot na ang boses ko ngayon. “At ang mga Espinosa, marunong tumanaw ng utang na loob. At... hindi ko kayang makita kang nasasaktan.” Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng robe. Muntik ko na itong balewalain, pero nakita ko ang screen: ST. JUDE GENERAL HOSPITAL. Mabilis ko itong sinagot habang si Karius ay dahan-dahang humarap sa akin, suot ang bago at malinis na sando na inabot ko. “Hello? Yes, this is Sebrina Espinosa…” “Miss Espinosa, we have the final laboratory results,” sabi ng boses sa kabilang linya. “Everything is a match. We can proceed with Benji’s operation this coming Monday. The funding has been fully cleared. Congratulations, your brother is in good hands.” Sa isang sandali, tila huminto ang mundo. Ang bigat na dinala ko simula nang magkasakit ang kapatid ko ang bawat gabing hindi ako makatulog sa pag-iisip kung saan kukuha ng milyon-milyon ay biglang naglaho. “T-talaga po? Si Benji... ma-ooperahan na siya?” Ang boses ko ay nagsimulang mabasag. Ang mukha ng kapatid kong si Benji, na pilit na nagbibiro kahit nahihirapang huminga, ang lumabas sa isip ko. “Yes, Miss Espinosa. Ready na ang lahat.” Nang maibaba ko ang tawag, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa gilid ng sink at humikbi. Hindi ito luha ng lungkot, kundi luha ng matinding pasasalamat. Tiningnan ko si Karius. Alam ko na kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ito. Sa gitna ng aking saya, nakalimutan ko ang distansya. Tumayo ako at isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Niyakap ko si Karius nang buong higpit, binalewala ang lahat ng takot at pag-aalinlangan. “Thank you, Karius... Thank you,” hagulgol ko. “Si Benji... mabubuhay ang kapatid ko dahil sa 'yo.” Naramdaman ko ang sandaling pagkabigla niya. Pero makalipas ang ilang segundo, naramdaman ko ang dahan-dahang pagpulupot ng kanyang malalaking braso sa aking bewang. Isinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat at huminga nang malalim. “I told you I'd take care of it, Sebrina,” bulong niya, ang boses ay puno ng sensseridad. “I don't like seeing my person suffer.” Humiwalay ako nang bahagya para tingnan siya. Ang kanyang mga mata ay walang halong kayabangan, kundi init at pang-unawa. Itinaas niya ang kanyang kamay at pinunasan ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki. Dahan-dahan niyang iniyuko ang kanyang ulo. Ang kanyang labi ay lumapat sa aking noo—isang halik na puno ng paggalang. Pagkatapos, dahan-dahang bumaba ang kanyang labi patungo sa aking mga labi. Ito ay isang halik na hindi marahas o mapilit, kundi isang halik na tila nagsasabing: “Ligtas ka na sa piling ko.” Inalalayan ko siyang humiga sa kama. Sa pagkakataong ito, hindi siya tumalikod. Hinawakan niya ang kamay ko habang paupo ako sa tabi niya. “Stay with me,” sabi niya, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin nang diretso. “Hindi bilang biktima ng kontrata, kundi bilang totoong Sebrina.” Ngumiti ako at dahan-dahang hinaplos ang kanyang buhok. “Dito lang ako, Karius. Hindi ako aalis.” Habang pinagmamasdan ko siyang dahan-dahang nakakatulog, naramdaman ko ang kapayapaan sa loob ng kwartong ito. Wala munang gulo. Wala munang Sarah o Liam. Sa sandaling ito, ang mahalaga lang ay ang init ng kamay niya sa kamay ko. Nang makatulog siya, kinuha ko ang sulat na natanggap ko kanina. Tiningnan ko ito sandali, at nang walang pag-aalinlangan, pinunit ko ito nang pino at itinapon sa basurahan. “Kahit ano pa ang nakaraan mo, Karius, mas pinipili kong paniwalaan ang lalaking nasa harap ko ngayon,” ang huling bulong ng isip ko bago ako tuluyang nahiga sa tabi niya. — Habang mahimbing na natutulog sina Sarah at Karius, hindi nila napansin ang pag-ilaw ng phone ni Karius sa nightstand. Isang message ang pumasok mula sa kanyang private doctor: "Karius, the new treatment is slightly working, but it’s making you emotionally dependent. Be careful. The closer she gets, the harder it will be to let her go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD