Ang Mapanganib na Kanlungan

1048 Words
Ang bawat segundo ng pagtiktak ng orasan sa dingding ay tila isang martilyo na bumabaon sa aking sentido. Mag-isa ako sa dambuhalang silid na ito, pilit na binubura ang bawat bakas ng duguang umaga namin ni Karius. Ang amoy ng antiseptic ay nanatiling nakakapit sa aking mga daliri, isang amoy na habambuhay ko nang maiuugnay sa kanya. Hawak ko ang maliit na micro-camera na nakuha ko sa likod ng lamat ng salamin. Ang kintab nito ay tila nanunuya. “Sino ang nanonood?” ang paulit-ulit na tanong sa isip ko. Ang ideya na may ibang taong nakakita sa aming pagsasama kagabi. Ang bawat ungol, ang bawat haplos, at ang bawat sugat sa likod ni Karius ay nagpaduwal sa akin. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko, tila isa akong hayop sa loob ng zoo na pinapanood ng mga mapanirang mata. Inilabas ko ang sulat mula sa bulsa ng aking robe. “The medicine is poison. Ask him about Sarah.” Ang papel ay magaspang sa balat, ang mga titik ay matatalas at direkta. Sino si Sarah? At bakit pakiramdam ko ay isa siyang multong dahan-dahang gumagapang mula sa ilalim ng kama? Narinig ko ang mahinang paghinto ng sasakyan sa baba. Makalipas ang ilang minuto, ang pinto ng aming silid ay bumukas. Pumasok si Karius. Ang kanyang coat ay nakasampay na lang sa kanyang braso, ang kanyang puting polo ay bahagyang nakalabas sa kanyang pantalon. Ang kanyang mukha ay kasingputi ng papel, at ang kanyang mga mata ay tila nanlalabo sa pagod at hapdi. “Karius…” lumapit ako sa kanya, pero agad siyang napaatras nang subukan kong hawakan ang kanyang balikat. “Don't,” paos niyang sabi, sabay upo sa dulo ng kama. Napayuko siya, ang kanyang mga kamay ay nakadiin sa kanyang tuhod. “I need... I need a minute.” Napatingin ako sa kanyang likod. Ang puting polo niya ay mayroon nang malalaking mantsa ng rosas—dugo at likidong lumabas mula sa kanyang mga sugat na dumikit na sa tela dahil sa init sa Boardroom. Ang amoy ng malansang dugo ay muling sumakop sa hangin. “Nagawa mo ba?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang tatag ng aking boses. “I am Montero, Sebrina. I always get what I want,” aniya, pero wala ang dati niyang yabang sa boses. “But they are circling like sharks. Naghihintay lang sila ng isang maliit na patak ng dugo.” Ipinakita ko sa kanya ang micro-camera na nakuha ko. “Karius, may nakita ako sa banyo. Napanood nila tayo. Napanood nila ang lahat.” Nanginginig ang boses ko sa galit at kahihiyan. Inasahan kong magagalit siya, na sisigaw siya o magpapatawag ng security. Pero sa halip, tiningnan lang niya ang camera at dahan-dahang kinuha ito mula sa palad ko. “Akin 'yan,” tipid niyang sabi. Napatigil ako. “Ano?” “I installed those months ago,” paliwanag niya, sabay sandal sa headboard ng kama. “Security. My personal security. Walang ibang may access sa feed na 'yan kundi ako. It's encrypted, Sebrina. Safe ka.” Sa isang sandali, tila nawala ang mabigat na tinik sa dibdib ko. Isang malalim na hininga ang kumawala sa aking mga labi. Hindi ako napanood ng ibang tao. Ang aming mga sandali—gaano man kagulo o kadumi—ay nanatiling sa aming dalawa lang. Isang kakaibang ginhawa ang bumalot sa akin. Kahit na nakakatakot ang ideyang minamanmanan niya ang sarili niyang kwarto, mas matimbang ang katotohanang hindi ako naging tontonan ng mga kaaway niya. “Bakit?” tanong ko. “Dahil ang mundong ito ay mapanganib, at hindi ako nagtitiwala kahit sa sarili kong anino,” sagot niya, ang kanyang mga mata ay muling tumalim. “Now, give me the other thing you're hiding in your pocket.” Nawala ang ngiti sa aking isipan. Dahan-dahan kong inabot sa kanya ang sulat. “Ito... hindi sa 'yo 'to, 'di ba?” Nang mabasa ni Karius ang pangalang Sarah, naramdaman ko ang biglang paglamig ng hangin sa silid. Ang kanyang panga ay nag-igting hanggang sa pumuti ang kanyang mga knuckles sa higpit ng pagkakahawak sa papel. Ang kanyang hininga, na kanina ay mabilis dahil sa pagod, ay tila huminto. “Saan mo nakuha 'to?” ang boses niya ay tila galing sa kailaliman ng lupa. Mababa, mapanganib, at puno ng pait. “Ibinigay ni Elena. May nag-iwan daw sa gate,” sagot ko, lumapit ako sa kanya kahit ramdam ko ang tensyong bumabalot sa kanyang katawan. “Sino si Sarah, Karius? At bakit sinasabi nilang ang gamot ay lason?” Mabilis siyang tumayo, binalewala ang hapdi sa kanyang likod na tiyak na nagpunit muli sa mga sugat niya. “It's none of your business.” “I made it my business noong hinayaan kong angkinin mo ako sa harap ng mga camera mo!” sigaw ko. Hindi ako pwedeng maging bulag habang unt-unti kaming nilalamon ng nakaraan niya. Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay nanlilisik. “Sarah was... a mistake. Isang babaeng akala ay kaya niyang baguhin ang tadhana ng isang Montero.” Lumapit siya sa akin, ang amoy ng dugo at sandalwood ay lalong naging matindi. “Gusto mong malaman kung bakit poison ang medicine? Dahil ang bawat taong sumubok na gamutin ako, Sebrina, ay nagtatapos na sira. Sarah didn't survive me. At kung hindi ka mag-iingat, baka ikaw ang susunod.” “Hindi ako si Sarah,” matapang kong sagot, bagaman ang puso ko ay kumakaba. “Good,” aniya, sabay haplos sa aking pisngi gamit ang kanyang nanginginig na kamay. “Because I don't want to lose the only thing that's keeping me sane right now.” Binitawan niya ako at dire-diretsong naglakad patungo sa banyo. Narinig ko ang tunog ng shower. Alam kong hindi siya maliligo para maglinis; maliligo siya para lunurin ang mga daing niya habang tinatanggal niya ang polong dumikit na sa kanyang mga sugat. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, hawak ang basag na tiwala at ang sulat na tila nagbabaga sa aking kamay. Tumingin ako sa pinto ng banyo. Alam kong kailangan ko siyang pasukin. Hindi dahil gusto ko siyang landiin, kundi dahil alam kong sa mga sandaling ito, ang poison na tinutukoy sa sulat ay hindi ang gamot kundi ang sarili niyang katahimikan na unti-unting pumapatay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD