Bossy Karius

1093 Words
Nagising ako ng maaga. Sa tabi ko, naramdaman ko ang marahang paghinga ni Karius. Mahimbing pa rin siyang natutulog, ang kanyang mukha ay payapa na sa wakas. Dahan-dahan akong bumangon para ihanda ang aking sarili. Ngayon ang araw na makikita ko si Benji. Ngayon ang araw na ibibigay ko sa kanya ang balitang magliligtas sa kanyang buhay. Nang matapos akong mag-ayos, nakita ko si Karius na gising na. Nakasandal siya sa headboard ng kama, suot ang kanyang salamin habang nagbabasa ng reports sa tablet, pero bakas pa rin ang bahagyang pamumutla sa kanyang pisngi. “Hindi ka pa umaalis?” tanong niya, hindi tumitingin sa akin pero ramdam ko ang tensyon sa kanyang boses. “Akala ko ay nagmamadali kang makita ang kapatid mo.” Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang inayos ang kumot sa kanyang binti. “Sa gabi na ako pupunta, Karius.” Napatigil siya sa pag-scroll sa tablet at tiningnan ako nang may pagtataka. “Bakit? Ilang linggo mo nang hinihintay ang pagkakataong ito.” Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay—ang kamay na nagligtas sa pamilya ko. “Dahil gusto kong magkasama tayong dalawa na pupunta doon. Gusto kong makilala ka ni Benji hindi bilang boss ko, kundi bilang lalaking... kasama ko. At isa pa, kailangan mong magpahinga muna para may lakas kang harapin ang kadaldalan ng kapatid ko.” Isang saglit na katahimikan ang namayani. Nakita ko ang paglambot ng kanyang mga mata. Hindi siya sumagot, pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Sa sandaling iyon, alam kong hindi lang si Benji ang naghihilom—pati ang lalaking nasa harap ko ay dahan-dahan ding bumubukas ang puso. Gabi na nang makarating kami sa ospital. Ang amoy ng disinfectant na dati ay nagpapakaba sa akin ay tila naging amoy ng pag-asa ngayon. Hawak ni Karius ang kamay ko habang naglalakad kami sa pasilyo. Ang kanyang tindig ay matikas, ang kanyang presensya ay nagpapalingon sa mga nurse, pero ang atensyon niya ay nasa akin lang. Pagbukas ko ng pinto ng room, nakita ko si Benji na nakasandal sa kama, payat pero may buhay ang mga mata habang nanonood ng TV. “Ate!” sigaw niya, agad na sumilay ang malapad na ngiti sa kanyang mukha. “Akala ko nakalimutan mo na ako!” “Hinding-hindi kita makakalimutan, Benj,” lumapit ako at niyakap siya nang buong ingat. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Maayos naman po,” nakangiti niyang sagot. “Hindi nila ang pinapabayaan dito. Lalo na nung mga lalaking naka-black.” “Naka-black?” gulat at kabado kong tanong. “My men,” singit ni Karius sa usapan. “I told them to watch over him.” Nakaginhawa naman ako ng maluwag. Akala ko kung sinong mga lalaki na. Tiningnan ko si Karius—isang malambot na titig. “Thank you.” “May magandang balita ang Ate. Match ang lahat ng tests. Ma-ooperahan ka na sa Lunes.” Natigil ang pagngiti ni Benji. Ang kanyang mga mata ay unt-unting naging basa. “Talaga, Te? Totoo na 'to? Hindi na ako mahihirapan huminga?” Tumango ako habang lumuluha na rin. “Totoo na 'to, Benj. Wala ka nang dapat alalahanin.” Nagsimulang umiyak si Benji—mga luha ng batang matagal na nagtiis ng sakit. Hinarap ko siya kay Karius na tahimik lang na nakatayo sa likuran ko. “Benj, siya si Karius Montero. Siya ang dahilan kung bakit magiging maayos ang lahat.” Tumingala si Benji kay Karius, tila namamangha sa tangkad at aura ng lalaki. “K-kayo po ang tumulong sa amin? Salamat po, Kuya Karius. Pagsisilbihan ko po kayo habambuhay paggaling ko!” Lumapit si Karius at tumayo sa tabi ng kama ni Benji. Inayos niya ang kanyang necktie at tiningnan ang kapatid ko nang seryoso. “Listen to me, Benji Espinosa,” panimula niya sa kanyang malamig at makapangyarihang boses. “Hindi ako tumatanggap ng pasalamat na puro salita lang. Ang kailangan ko ay resulta.” Nanlaki ang mga mata ni Benji. “Ano pong gagawin ko?” “Kailangan mong gumaling nang mabilis,” pagpapatuloy ni Karius, sabay taas ng isang kilay. “Because I don't pay for mediocre recovery. I expect you to be walking and running in record time. At kapag nagaling ka na, hindi mo ako pagsisilbihan. Mag-aaral ka nang mabuti dahil kailangan ko ng matatalinong tao sa kumpanya ko sa hinaharap. Is that clear?” Natawa ako sa gitna ng aking mga luha. Kahit sa harap ng bata, hindi niya maiwasang maging CEO. Napakamot sa ulo si Benji at sumaludo. “Opo, Boss! Gagaling po ako agad! Grabe, Ate, ang suplado pala talaga ni Kuya Karius pero ang cool!” Ngumiti si Karius—isang tunay na ngiti na bihirang makita ng kahit sino. Inabot niya ang ulo ni Benji at ginulo ang buhok nito. “Good. Now, get some sleep. Hindi pwedeng puyat ang future employee ko.” Habang pabalik kami sa sasakyan, hindi ko binitiwan ang braso ni Karius. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa saya. “Salamat, Karius,” bulong ko habang nakasandal sa kanyang balikat sa loob ng sasakyan. “Hindi ko alam kung paano ka babayaran sa lahat ng ito.” “You already are, Sebrina,” sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana, sa mga ilaw ng lungsod. “Ang manatili ka sa tabi ko... sapat na iyon.” Nakarating kami sa mansyon na puno ng katahimikan at init. Pero bago pa man kami makapasok sa aming kwarto, hinarang kami ni Elena na may dalang isang itim na eenvelope. “Sir, may nagpadala po nito habang wala kayo. Urgent daw po.” Kinuha ito ni Karius at binuksan sa harap ko. Sa loob ng envelope ay walang sulat. Sa halip, may isang lumang susi na may nakasabit na tag. Sa tag, nakasulat ang isang address na hindi ko pamilyar, pero sapat na para magbago ang ekspresyon ni Karius mula sa pagiging kalmado patungo sa matinding galit. Kinuha ni Karius ang susi at mahigpit na ikinuyom ang kanyang kamao hanggang sa pumuti ang kanyang mga knuckles. “Karius, anong problema?” tanong ko. Tumingin siya sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng dilim na hindi ko pa nakikita dati. “The ghost found its home, Sebrina. Ang address na ito... ito ang lumang apartment ni Sarah. At ang susing ito ay hindi para sa akin.” Binaligtad niya ang tag. Nakasulat doon ang pangalan ko: “Para kay Sebrina Espinosa. Buksan mo ang pinto na hindi kayang buksan ni Karius.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD