Ang umaga sa mansyon ng mga Montero ay hindi nagsisimula sa sikat ng araw—dahil ang lahat ng makakapal na salamin at kurtina ay nakasara, selyado, at tila pilit na ibinubukod ang loob ng bahay sa labas ng mundo. Para kay Karius, ang liwanag ay isang kalaban na kailangang ikulong sa labas. Pero para sa akin, ang kadilimang ito ay unti-unti nang nagiging isang masikip na hawla.
Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Ang tanging naiwan sa kabilang bahagi ng kama ay ang bahagyang lundo ng kutson at ang nananatiling amoy ng kanyang sandalwood na pabango. Bumangon ako, mabigat ang katawan mula sa kulang na tulog at sa tensyong dala ng nagdaang gabi. Pagtingin ko sa salamin, nakita ko ang sarili ko ko—gulo ang buhok, maputla, at may mga matang tila nawawalan na ng kislap.
“Property,” bulong ko sa sarili ko. Iyon ang tawag niya sa akin. Isang gamit. Isang asset.
Pagbaba ko sa grand staircase, ang katahimikan ng mansyon ay binasag ng isang tunog na hindi ko inaasahan sa ganitong oras ng umaga: ang malakas at malanding tawa ng isang babae.
Huminto ako sa b****a ng dining hall. Ang eksenang tumambad sa akin ay parang isang kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib ko. Nakaupo si Karius sa dulo ng mahabang mesang narra, hindi naka-suit kundi nakasuot lang ng itim na silk robe na bahagyang nakabukas, sapat para makita ang matigas niyang dibdib. Sa tabi niya, halos nakakandong na, ay si Sofia—isang tanyag na socialite na kilala sa pagiging party girl ng elite circles.
Tawang-tawa si Sofia habang pinapakain siya ni Karius ng piraso ng strawberry gamit ang dulo ng isang tinidor. Ang mga mata ni Karius ay nakapako sa labi ng babae, isang tingin na puno ng mapanuring pagnanasa, habang ang isa niyang kamay ay tamad na nakapatong sa hita nito.
Hindi man lang siya lumingon nang maramdaman niyang nakatayo ako roon. Alam kong alam niyang naroon ako. Ramdam ko ang pag-igting ng kanyang panga, pero pinili niyang dedmahin ang presensya ko.
“Sebrina, ang kape ko,” utos ni Karius. Ang boses niya ay malamig, walang emosyon, parang inuutusan lang ang isa sa mga katulong na naglilinis ng sahig. “At magtimpla ka rin para kay Sofia. Make it sweet. Gaya niya.”
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Ang init ng galit ay mas matindi pa kaysa sa kahit anong lagnat. “May mga maid tayo para diyan, Karius. Hindi ako narito para magsilbi sa mga... bisita mo.”
Tumawa si Sofia, isang tunog na parang crystal chime na sadyang ginawa para asarin ako. Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pangungutya habang dahan-dahang hinahaplos ang braso ni Karius.
“Oh, Karius darling, is this the fiancé the Board is talking about?” tanong ni Sofia, ang tono ay puno ng sarkasmo. “She looks... tired. Baka hindi siya sanay sa mga gabi mo.”
“She's still adjusting, Sofia,” sagot ni Karius, sa wakas ay tumingin din siya sa akin. Pero ang tingin na iyon ay hindi ang tingin ng isang mapapangasawa. Ito ay tingin ng isang amo sa kanyang alagang aso na kailangang disiplinahin.
“Sebrina, I won't repeat myself. Get the coffee. Now.”
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Sa bawat hakbang ko patungo sa kusina, naririnig ko ang kanilang tawanan sa likuran ko. Habang nagtitimpla ako ng kape, nanginginig ang mga kamay ko sa tindi ng insulto. Manipulator.
Pagbalik ko, inilapag ko ang kape ni Sofia nang may kaunting diin. Ang mainit na likido ay bahagyang tumalsik sa mamahaling tablecloth.
“Oops,” sabi ko, walang bakas ng pagsisisi.
Biglang hinawakan ni Karius ang pulsuhan ko. Mahigpit. Ang init ng kanyang palad ay tila nagbabanta. “Service is about details, Sebrina. Don't be sloppy just because you're insecure. Insecurity is an ugly look on a Montero.”
“Insecure? Ako?” natawa ako nang mapait, pilit na binabawi ang kamay ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak. “Karius, hinding-hindi ako magiging insecure sa isang babaeng alam kong tinatapon mo rin pagkatapos ng isang gabi. Ang ikinagagalit ko ay ang kawalan mo ng respeto sa kontrata nating dalawa.”
“Kontrata,” ulit niya, sabay bitaw sa akin nang marahas. Tumingin siya kay Sofia at binigyan ito ng isang mapang-akit na ngiti. “Darling, can you give us a minute? My fiancé needs a private lesson on how to behave.”
Ngumuso si Sofia at hinalikan si Karius nang matagal sa labi—isang halik na sadyang pinatagal para panoorin ko. “Don't be too hard on her, Karius. She's just a girl playing a woman's game.”
Nang makalabas si Sofia, ang katahimikan sa dining hall ay naging masikip. Tumayo si Karius, ang kanyang towering presence ay tila sumasakal sa hangin ng kwarto. Lumapit siya sa akin hanggang sa mapatras ako sa pader.
“What was that, Sebrina?” tanong niya, ang boses ay paos at puno ng panganib.
“Ano 'yun? 'Yun ang katotohanan! Fiancé mo ako sa harap ng Board, pero pinagmumukha mo akong katulong sa harap ng mga babae mo! Ano, ginagamit mo lang ba ako para maging decoy habang nagpapakasasa ka sa labas?”
Hinawakan niya ang baba ko at pilit akong pinaluhod ang tingin sa kanyang madidilim na mga mata.
“Listen to me carefully. Ang mga babaeng 'yan ay distractions. Kapag nakikita ng mga tao—ng Board, ng media, ng mga kalaban ko—na ang mga babae ko ay pumupunta at umaalis lang, iisipin nila na ang engagement natin ay isang business deal lang na hindi ko sineseryoso. That makes me look in control. It makes me look... untouchable.”
“So kailangan mong maging babaero para magmukhang makapangyarihan? Napakababaw mo, Karius.”
“Mababaw?” natawa siya nang mahina, isang tunog na walang bahid ng saya. “In this world, image is everything. Kung iisipin nilang baliw ako sa 'yo, magiging kahinaan kita. Pero kung iisipin nilang isa ka lang sa mga koleksyon ko, mas ligtas ka. Ginagamit kita para mabuhay, Sebrina. At habang nasa loob ka ng mansyong ito, ikaw ang pipiliin ko sa gabi, kahit gaano pa karaming babae ang dumaan sa hapag-kainan ko sa umaga.”
“You are a monster,” bulong ko, ang mga luha ng galit ay nangingilid na sa mga mata ko.
“I am a Montero,” pagtatama niya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, ang amoy ng kape at mint ay humahalo sa kanyang hininga. “And as a Montero, I own everything I touch. Including you. Kaya huwag mo akong susubukan sa harap ng ibang tao, dahil baka malimutan ko na kailangan nating magpanggap na sibilisado.”
Binitawan niya ako nang marahas. “Magpalit ka na. Ayokong makita ang hitsura mong 'yan. Mukha kang talunan.”
“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang inaayos ang sarili ko.
“Sa isang lugar kung saan matututunan mo kung paano maging isang tunay na Montero. May meeting ako sa mga Choi mamaya, at gusto kong naroon ka. Hindi bilang assistant, kundi bilang ang babaeng handang pumatay para sa pwesto niya.”
Lumabas siya ng dining hall, iniwan akong nag-iisa na nanginginig sa galit. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Sa isang sandali, parang gusto niyang protektahan ako sa pamamagitan ng paglayo sa akin, pero sa susunod, itutulak niya ako sa gitna ng apoy para lang mapatunayan na siya ang nasa itaas.
Umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Pinili ko ang isang sharp, red power suit. Kung gusto niya ng babaeng palaban, ibibigay ko sa kanya. Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, naalala ko ang isang bagay na nakita ko kanina.
May maliit na pulang marka sa leeg ni Karius. Hindi ito galing sa halik ni Sofia. Mukha itong pantal, o sugat na pilit niyang itinatago sa ilalim ng collar ng kanyang robe.
Napailing ako. Baka gawa lang 'yun ng pagdedeliryo niya kagabi. Wala akong dapat pakialam sa katawan niya. Ang tanging dapat kong pakialaman ay kung paano ko siya mapapatumba sa sarili niyang laro.
Pagbaba ko, naghihintay na siya sa loob ng itim na Rolls-Royce. Ang bintana ay double-tinted, parang mga salamin na katulad ng sa Montero Prime Tower, kaya kahit tanghaling tapat, madilim sa loob ng sasakyan. Pagpasok ko, hindi siya tumingin sa akin. Abala siya sa kanyang tablet, ang mukha ay seryoso at malamig.
Habang bumibiyahe kami patungo sa opisina ng mga Choi, nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig ko ay ang t***k ng sarili kong puso at ang mahinang paghinga ni Karius. Napansin ko na sa tuwing may sikat ng araw na tumatama sa bintana bahagyang hinihila ni Karius ang kanyang kamay palayo sa liwanag.
Napakunot ang noo ko. Ang weird niya talaga. Akala mo ay masusunog siya sa kahit anong liwanag na dadapo sa kanya.
“Why do you hate the sun so much, Karius?” bigla kong tanong, binabasag ang katahimikan. “Is it part of your vampire image too? O baka naman natatakot ka lang na makita ng mga tao ang tunay mong anyo sa ilalim ng liwanag?”
Lumingon siya sa akin, ang kanyang mga mata ay naging seryoso. “Ang liwanag ay naglalabas ng mga bagay na dapat ay nakatago, Sebrina. At sa mundong ito, ang mga lihim ay mas mahalaga kaysa sa katotohanan.”
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero bago pa ako makapagtanong ulit, huminto na ang sasakyan sa underground parking lot ng isang dambuhalang building. Pagbaba namin, sinalubong kami ng mga flashes ng camera. Mabilis na hinila ni Karius ang bewang ko, idinikit ako sa kanya. Ginagamit niya ang katawan ko para harangan ang mga flash na tumatama sa amin.
“Stay close,” bulong niya sa akin, pero ang boses niya ay nanginginig.
Anong meron sa lalaking ito? Bakit pati ang flash ng camera ay isang lason para sa kanya?
Pagpasok namin sa penthouse, tumambad sa amin si Liam Choi. Ang lalaking sinasabi ni Karius na interesado sa akin. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang lalaking nakatayo sa likuran ni Liam—ang lalaking matagal ko nang kinalimutan, ang tanging lalaking minahal ko bago ko nakilala ang impyernong dala ni Karius.
“Sebrina?” bulong ng lalaki, gulat na gulat.
Napatingin ako kay Karius. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga muscle at ang mapanganib na kislap sa kanyang mga mata.
“Don't even think about it, Sebrina,” bulong ni Karius sa tenga ko, habang mas hinihigpitan ang hawak sa bewang ko.
“You belong to me. Remember that.”