Ang penthouse ni Liam Choi ay tila isang altar ng salamin at asero. Mula sa itaas, kitang-kita ang buong siyudad, pero sa loob ng silid na ito, ang hangin ay masikip at amoy mamahaling alak na may halong banta.
Sa gitna ng silid, nakatayo ang isang lalaking hindi ko inasahang makita muli.
“Marco?” halos pabulong kong sambit.
Si Marco. Ang lalaking nangako sa akin ng lahat bago siya naglaho na parang bula limang taon na ang nakakaraan, iniwan akong lugmok sa utang ng pamilya ko. Ang lalaking dahilan kung bakit matagal kong isinara ang puso ko—hanggang sa kaladkarin ako ni Karius sa impyernong ito.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Karius sa aking bewang. Ang kanyang mga daliri ay bumaon sa tela ng aking pulang suit, isang mariing paalala kung sino ang nagmamay-ari sa bawat hininga ko sa oras na ito.
“Interesting,” bulong ni Karius sa tenga ko, ang kanyang mainit na hininga ay nagpataas ng balahibo ko. “Do you know this... stray dog, Sebrina? Mukhang nakakita siya ng multo nang pumasok tayo.”
“Montero,” bati ni Liam Choi, may mapang-asarkong ngiti habang nakasandal sa kanyang dambuhalang desk. “I see you brought your new acquisition. O baka dapat kong sabihing, ang babaeng kinuha mo sa kung saang kanto para lang may maipakita sa Board?”
Hindi natinag si Karius. Humakbang siya palapit, hila-hila ako nang mas malapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang katawan. “Careful, Liam. Ang acquisition na sinasabi mo ay ang babaeng magmamana ng kalahati ng Montero Empire. Unlike your assistant here... who looks like he’s about to faint just by looking at my fiancé.”
Tumingin si Karius kay Marco nang may labis na pangungutya. “Tell me, Marco, right? You look familiar. Ah, yes. Ang lalaking tumakbo palayo nang malaman kung gaano kalaki ang utang ng pamilya ng girlfriend niya. How much did the Chois pay you to be their lapdog? O baka naman mas sanay ka talagang maging buntot ng mga taong mas may pera sa 'yo?”
Napansin ko ang pagkuyom ng mga palad ni Marco. “Sebrina, hindi mo kailangang gawin 'to. Alam kong pinilit ka lang niya—”
“Quiet,” putol ni Karius. Ang kanyang cocky na ngiti ay bumalik, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig gaya ng yelo. “In this room, the only person who has the right to make Sebrina speak is me. Right, darling?”
Iniharap ako ni Karius sa kanya, binalewala ang presensya ng mga Choi. Hinawakan niya ang panga ko at tinaas ito para magtagpo ang aming mga mata.
“Tell them, Sebrina. Tell them how much you enjoy being mine.”
Napalunok ako. Ang pagiging manipulative ni Karius ay nasa rurok na. Alam niyang sa harap ng dati kong kasintahan, ang pinakamasakit na ganti ay ang makita akong sumusunod sa kanya.
“Nandito tayo para sa negosyo, Liam,” sabi ko, pilit na iniiwas ang tingin kay Marco. “Hindi para pag-usapan ang personal kong buhay.”
“Good girl,” bulong ni Karius bago kami tuluyang umupo sa mahabang conference table.
Nagsimula ang negosasyon. Ang usapan ay tungkol sa merger ng shipping lines, pero bawat salita ay may halong power play. Sinubukan ni Liam na sulutin ang kontrata sa pamamagitan ng paglalabas ng mga depekto sa pamumuno ni Karius.
“Ang balita namin, Montero, ay hindi ka na nagpapakita sa mga site visit kapag tanghaling tapat,” pang-uuyam ni Liam habang binubuksan ang malalaking bintana ng penthouse, hinahayaan ang sikat ng araw na pumasok nang husto. “Masyado ka na bang nasanay sa dilim ng opisina mo? O baka naman... natatakot kang makita ng mga tao kung ano ka talaga sa ilalim ng liwanag?”
Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Karius. Ang sikat ng araw ay tumatama sa ibabaw ng mesa, sentimetro na lang ang layo sa kanyang mga kamay. Pero imbes na umurong, mas lalong naging arrogant ang tono niya.
“Ang dilim ay para sa mga taong may ginagawang milagro, Liam. Something you wouldn't understand since your business is as boring as your personality,” sagot ni Karius, sabay sandal sa upuan. Kinuha niya ang kanyang fountain pen at dahan-dahang nilaro ito. “I don't avoid the sun. I just choose not to share my presence with people who don't deserve it. At isa pa... mas masarap ang pananalo kapag hindi nila alam kung kailan ako lilitaw.”
“Talaga? O baka naman, natatakot kang mabulgar na ang Vampire of Montero ay isa lang palang taong may itinatagong... depekto?" hamon ni Liam, sabay tingin sa akin. “Sebrina, hindi ka ba nagtataka? Isang lalaking napakayaman pero laging nagtatago sa anino?”
“Liam, kung wala kang ibang sasabihin kundi mga superstitious na chismis, inaaksaya mo ang oras ko,” mariing sabi ni Karius. Tumayo siya, hila ako paitaas. “Ang kontrata ay nasa lamesa mo. You have twenty-four hours to sign it, or I'll crush your stocks before the sun sets tomorrow.”
“You're bluffing,” sigaw ni Liam.
“Subukan mo ako,” malamig na tugon ni Karius.
Hinarap niya si Marco bago kami lumabas. “And you... stay away from what's mine. Sebrina is no longer the girl you abandoned. She is the woman I created. At sa susunod na makita ko ang mukha mo malapit sa kanya, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatayo sa sarili mong mga paa.”
Inakay ako ni Karius palabas ng penthouse. Pagpasok namin sa elevator, doon ko naramdaman ang biglang pagbagsak ng kanyang energy. Napasandal siya sa pader, humihingal, at ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang kinakamot ang kanyang braso sa ilalim ng coat.
“Karius, ayos ka lang ba?” tanong ko, dinaluhan ko siya pero marahas niyang tinepis ang kamay ko.
“Don't touch me!” bulyaw niya. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit at sakit. “I told you, don't look at me like I'm some kind of charity case!”
“Hindi kita kinakaawaan! Pero nakita ko kung paano ka namutla kanina nang buksan ni Liam ang mga bintana! Anong meron sa 'yo?!”
Hinarap niya ako, isinandal niya ako sa salamin ng elevator at hinarangan ang magkabilang gilid ko. Kahit medyo nanghihina siya, ang kanyang pagiging dominante ay naroon pa rin. Ang bawat salita niya ay tila may lason.
“You want to know my secret, Sebrina? Fine. My secret is that I am a man who gets what he wants, no matter the cost. At ang nangyari kanina? That was a lesson. I let Liam think he has a lead, while I'm already ten steps ahead.”
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. “At ang Marco na 'yun? Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya sa harap ko. You are mine now. In the light, in the dark, and in every hell I choose to put you in.”
Hinalikan niya ako—isang halik na puno ng pag-aari at pait. Hindi ito halik ng pagmamahal; ito ay halik ng isang manipulator na sinisiguradong ang isip ko ay sa kanya lang, kahit na ang puso ko ay punung-puno ng katanungan.
Pagbaba namin sa basement, sinalubong kami ng mga security. Mabilis kaming isinakay sa Rolls-Royce. Habang nasa loob, nakita ko si Karius na mabilis na uminom ng isang gamot mula sa kanyang bulsa.
“Maghanda ka,” sabi niya nang hindi tumitingin. “Mamayang gabi, may party sa mansyon. Maraming babae ang darating. I want you to be there. I want you to watch how I play with them, and then, I want you to show them who is the only one I take to my bed.”
“Karius, kakatapos lang ng meeting—”
“It's an order, Sebrina. You wanted to know who I am? Then watch. Watch the monster you sold your soul to.”
Natingin ako sa labas ng bintana habang humaharurot ang sasakyan palayo sa building ng mga Choi. Alam ko na ang gabi na ito ay magiging simula ng isang mas matinding laro. Isang laro kung saan hindi ko alam kung ako ba ang reyna o isa lang sa mga pawn na handa niyang isakripisyo.